Part 2. Jericho Rosales wants to produce and direct socially-relevant films: "This is my way of helping our country, di ba?"

Pagkatapos maranasang makagawa ng indie film, mas naging inspirado raw si Jericho Rosales na gumawa ng mga ganitong klaseng pelikula. Saad niya, “I’m really interested in doing a lot of indie projects because there are so much artistry, artistic freedom… Andun yung mai-express mo yung sarili mo in different ways and very challenging. Interested pa din naman akong gumawa ng mga commercial films pero ang indie kasi, may potential na makalibot ng iba&rsqu


Proud na proud si Jericho Rosales sa narating ng kanyang iprinodyus at pinagbidahang indie film, ang Alagwa.

Marami kasing magagandang feedback ang nakuha ng pelikula mula sa iba’t ibang international filmfests na nasalihan nila.

Aniya, “We went to Pusan, and then Palm Spring, and then two more film festivals in Cambodia, the Asean Festivals…

“Meron pang ibang festivals but we can’t announce it yet, e.”

Pagmamalaki pa niya sa istorya ng Alagwa, “It’s about… tungkol siya sa isang tatay, hinanap niya yung anak niya sa Hong Kong at sa Manila kasi nawala, na-kidnap.

“But merong malaking factor yun, human factor.

“Parang dun sa story, in-expose niya yung ano yung puwedeng mangyari.

“But ang center nung story ay yung drama between the father and the son and yung paghahanap ng tatay dun sa anak niya.

“May action, drama… heartwarming.”

Masaya man sa narating ng kanyang kauna-unahang indie film, medyo malungkot naman si Jericho sa sitwasyong mas nauna pang na-recognize ng international films festivals ang pelikula kaysa mapanood ito commercially sa Pilipinas.

Sabi niya, “Ganun [yata] talaga.

“Honestly, sa totoo lang, medyo nalungkot ako, kami, at ibang filmmakers and actors.

“Kailangan pa kasi naming ilibot muna yung pelikula sa ibang bansa bago maipalabas sa Pilipinas.

“Masakit yun, e. Kahit papa’no, imadyinin mo, it’s a beautiful film, di ba?

“Andami pang pelikula… hindi ako magsasabi ng mga pangalan pa ng ibang director.”

Kuwento pa ni Jericho sa mga naririnig niyang mga komento sa ibang bansa, “Doon kasi, iba yung nationality nila, and then they showed appreciation for our films. And then, pinag-uusapan nila ang ganda ng pelikula.

“It says a lot about our industry, di ba?

“How come dito, hindi ma-embrace, di ba, ng sarili nating bansa?

“We’ll get there one day,” asam niya.



THANKFUL TO PMPC. Pero tanggap na raw ni Jericho ang ganitong scenario sa indie movies.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Katunayan, nagkuwento ng kagalakan ang aktor na na-recognize ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ang Alagwa, kung saan nakakuha ito ng maraming nominasyon sa 2013 Star Awards For Movies na gaganapin sa Linggo, March 10.

Saad niya, “We will show it here soon, after siguro… after two or three festivals.

“Ipapalabas na namin ulit dito ‘yan.

“Yes, I wanna thank PMPC for the recognition. Lagi akong nanu-nominate sa kanila and sampung nominations yata ang nakuha ng Alagwa.

“For us, the team is very happy—myself being nominated.

“Si Gabriel Valenciano, unang [musical] score niya sa pelikula and then he got nominated.

“Hindi namin ito ini-expect. We just want the movie to be seen here.

“Thank you, PMPC. Thank you everyone na pumunta doon sa Cinema One Originals. Nagpalabas kasi kami doon, e.”



TO PRODUCE AND DIRECT QUALITY FILMS. Sa naging tagumpay sa international market ng Alagwa, mas inspired ba siyang gumawa ng marami pang independent movies?

Sagot ni Jericho, “Alam mo yung plano lang talaga namin diyan, ang gusto ko lang talaga sa script, may international appeal—hindi kailangan na malaki yung budget.

“Like dito, human trafficking, father and son, lahat ng tao makaka-relate.

“I’m really interested in doing a lot of indie projects because there are so much artistry, artistic freedom…

“Andun yung mai-express mo yung sarili mo in different ways and very challenging.

“Interested pa din naman akong gumawa ng mga commercial films pero ang indie kasi, may potential na makalibot ng iba’t ibang bansa.

“At isa yun sa mga dreams ko—makalibot ng buong mundo.”

Aside from venturing into film productions, may balak din ba siyang magdirek?

Pag-amin niya, “A, yes, I actually tried my skill on music video.

“Pangarap ko ‘to—to produce and direct.

“And directing? I’m waiting for that right script and, you know, my little company, we are also looking for scripts now kong ano yung puwede kong gawin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi idol ko si Piolo [Pascual], e, gusto kong mag-produce ng magagandang pelikula na may kabuluhan.

“This is my way of helping our country, di ba?

“Of course, para mailabas ko yung desire ko na gumawa ng magagandang proyekto.”



NEW TV SHOW. Noong Enero, sinabi ni Jericho na nanghinayang siya sa pagkakaudlot ng kanyang pagbabalik-teleserye sana sa Against All Odds, kung saan nakatakda niya sanang makatrabaho si Judy Ann Santos.

Hindi na raw kasi kaya ng kanyang schedule ang pagkaantala ng taping days nito.

Pero masaya niyang ibinalita sa PEP na may bago na siyang gagawing soap para sa ABS-CBN.

Lahad niya, “May gagawin kami sa ABS-CBN, actually bagong soap. Nasa development stage kami.

“They actually invited me to be a part of the creative process, so sobrang excited ako. Kasi first meeting namin, naging brainstorming.

“This year din ‘yan. Timing din lang talaga na dumating project na yun.”



GIRLFRIEND CHOOSES TO BE ON THE SIDELIGHT. Matagal-tagal na ring happily in love si Jericho sa girlfriend nitong si Kim Jones.

Pero hindi kasama ng aktor si Kim sa biyahe niya papuntang Cambodia.

Sabi ng aktor, “I invited her, pero ayaw niya.

“Sometimes, e, ayaw daw niyang makaistorbo sa work ko.

“Like now, in-invite ko siya to go to Cambodia, but she refused, magse-surf na lang daw siya.”

Parang nagwo-work daw sa kanila ang ganitong klaseng set-up at tahimik na relasyon.

Sabi ni Jericho, “Almost two years na kami.

“Tahimik, simple lang, ayaw namin ng intriga, e.

“So kumbaga, parang we want it simple lang, normal couple lang kami.”

Napag-usapan na kaya nila ang pagpapakasal?

Sagot ng aktor, “I’m thirty-three now, hindi naman nawawala sa isip ko yun.

“But you know, timing lang.

“But I can say pinaplano ko na yung future ko… we’ll see, we’ll see.”



ONLY GOD KNOWS. Sa huli, inusisa rin namin si Echo kung ano ba ang sikreto niya kung bakit hanggang ngayon ay patuloy pa rin siyang tinatangkilik ng kanyang mga tagahanga—here and abroad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Seryoso niyang banggit, “I guess, it’s really God lang.

“Siguro He wants me to travel the world. God lang talaga.

“So, sumusunod lang ako sa purpose na gusto Niya.

“Minsan nagtatanong din ako and I found a simple answer.

“Then I realized I have a purpose, na parang i-inspire lang natin yung mga tao.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN