Baron Geisler allegedly makes a scene in a bar

Laman na naman ngayon ng balita ang aktor na si Baron Geisler dahil diumano sa pambubulabog niya sa ilang customers sa isang bar sa Quezon City.


Ayon sa report ng ABS-CBN News kagabi, March 8, gumawa diumano ng eksena si Baron Geisler sa Conspiracy Bar na matatagpuan sa Visayas Avenue, Quezon City.

Ito ay ayon sa kuwento ng isang opisyal ng club na pinangalanang "Bianca" sa panayam nito sa DZMM program na ‘Showbiz Mismo.’

Ayon pa kay "Bianca," nagte-table hopping daw si Baron para magtanong kung sino ang marunong tumugtog ng gitara.

Lahad ng saksi, "Parang lahat stunned, kasi medyo lasing na siya noon.

"He was walking around with a bottle of beer, and then he was asking whoever could play the guitar kasi gusto raw niya kumanta ng isang song para sa girlfriend niya.

"So kami, nag-aalangan kami, parang, ’We don’t know how to play.’ And then he started cursing already."

Dagdag pa ni "Bianca," napansin daw nilang parang "nakainom" na si Baron nang dumating sa kanilang bar ng mga 8:30 ng gabi, at patuloy daw itong nag-iinom.

Kuwento pa ng saksi, medyo natakot na raw yung mga customer nila sa inasal ni Baron habang naghihintay ito ng isang tao raw na kakanta kasama ito.

Aniya, "Natakot yung crowd, hindi na rin namin alam yung gagawin namin."

Wala naman daw balak magsampa ng anumang reklamo ang mga taga-Conspiracy Bar.

Pahayag pa nila, “Wala namang nasaktan sa audience namin, walang nasaktan sa banda namin, maliban siguro doon sa first band na medyo na-trauma."

Sa panig naman ng PEP, ilalathala agad namin ang anumang pahayag mula kay Baron at sa iba pang sangkot sa isyu.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN