Sam Pinto admits Marian Rivera is likely to give her stiff competition for FHM’s Sexiest title this year

Sam on issues pitting her against Marian Rivera: “For me I have no idea why they’re doing that. Coz I’ve nothing, really nothing against her. I think she’s really pretty, she’s really beautiful. And I don’t know, for me I look up to her also for being who she is now. For maintaining her status and who she is now talaga. So, I don’t get why they’re making issues."


Ayon kay Sam Pinto, wala naman daw masyadong pagkakaiba ang pagtatrabaho nila ni Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. sa pelikula kumpara sa telebisyon.

Nagkasama na sina Sam at Senator Bong sa mga nakaraang Agimat movies, at ngayon ay kasama na rin ang seksing aktres sa Indio, na pinagbibidahang teleserye ni Senator Bong sa GMA-7.

“Wala naman pong masyado. I guess it’s more on the role coz dito [Indio] minsan lang namin nakikita si Sen.

“Sa movie lagi ko po siyang kasama dun,” umpisang kuwento ni Sam ng makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Indio sa Cavinti, Laguna kahapon, March 7.

“Of course I’m very honored to be here and be a part of this big, big, big, project!

“Kasi for me… kasi I’m taking it as a challenge because yung mga diwata, magagaling kaming mag-Tagalog, e,” pag-amin niya.

TONGUE-TIED. Bilang diwata ng tubig na si Lidagat, challenge kay Sam ang Tagalog lines.

“Sobrang challenge,” sabay tawa ni Sam.

“Mine-memorize ko talaga yung script kasi sobrang lalalim po ng Tagalog na hirap na hirap po kaming lahat.”

Ang pinakamaraming takes niya sa taping ng Indio ay hindi naman raw dahil sa hirap siyang managalog.

“Siguro mga five or six takes. Kasi yung unang take, nahulog ako, nadapa ako! So yung mga susunod na takes natatawa na ako before ako magsalita.”

BUSY WITH SHOWS. Lagari si Sam; napapanood din siya sa Bubble Gang at Party Pilipinas.

“Oo nga, e. Tapos may movie pa po, Raketeros.

Leading lady siya dito ni Ogie Alcasid.

NON-ISSUE WITH MARIAN. Noon ay nagkaroon ng isyu sa pagitan nila ni Marian Rivera.

Kumusta na sila ni Marian? Nagkikita ba sila?

“Hindi po kami nagkikita at all,” pagklaro niya.

Pero nakita raw niya ang FHM cover ni Marian.

“Yes!!! It’s soooo nice, it’s so sexy!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Umani ng pansin at nag-set daw ng sales record ang naturang FHM issue ni Marian, pati na ang autograph-signing session nito na dinumog ng maraming tao.

“Siyempre naman, si Marian Rivera yun! Sino’ng hindi pupunta dun, di ba?”

Ano ang nararamdaman niya kapag may mga taong pinagbabangga sila ni Marian at ginagawan ng intriga?

“For me I have no idea why they’re doing that. Coz I’ve nothing, really nothing against her,” madiin niyang pahayag.

“I think she’s really pretty, she’s really beautiful.

“And I don’t know, for me I look up to her also for being who she is now.

“For maintaining her status and who she is now talaga.

“So I don’t get why they’re making issues so…”

LOOKING OUT FOR NUMBER ONE. Ngayong taon ay tiyak na magiging mahigpit ang labanan nila ni Marian sa pagiging number one cover girl ng FHM.

“Natatakot na nga ako! Hindi,” sabay-tawa ni Sam.

“No, I’m sure lalaban siya and of course her fans are gonna fight for her talaga so we’ll see what’s gonna happen this year.”

Dalawang beses ng naging cover girl ng FHM si Sam; papayag ba siya sa pangatlo?

“Yeah, why not? I’m twenty three and I don’t know when FHM’s gonna make me the cover again so why not, right?”

Nagkasama na ba sila sa isang project ni Marian?

“Hindi pa nga, e.”

Kung may offer?

“Oo, why not?

Wala daw talagang isyu sa kanila ni Marian.

“Wala naman po talaga e, sila lang naman po ang gumawa nun, e.”

HAPPY KAPUSO. Blessing para kay Sam ang maging isang Kapuso.

“Oo naman!”

Galing si Sam sa ABS-CBN.

“Sandali lang po ako dun e, sa PBB [Pinoy Big Brother].

“Siguro mga four months.”

Hindi ba siya in-offer-an ng kontrata ng Dos?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko po alam kasi Viva yung kausap nila e, hindi ako, e.

“And Viva doesn’t really tell me anything until everything is really final already.”

Magka-co-manage ang Viva at si Claire dela Fuente sa career ni Sam.

“May mga artista ang Viva na sa nasa Dos; paano kapag dumating ang panahon na maisipan ng kanyang management na ilipat o ibalik siya sa Dos; papayag siya?

“For me naman I trust Viva coz I mean they’ve been in the industry for so long already so feeling ko kung anuman ang decision nila, susunod na lang ako.”

Pero malulungkot si Sam kung aalisin siya sa GMA.

“Of course naman! I mean three years din ako dito sa GMA and I’ve learned so much from them and I super-love Bubble Gang.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN