Petron Blaze import Renaldo Balkman attacks teammate Arwind Santos; PBA fans demand import’s deportation

Matapos na uminit ang ulo dahil sa pagkakatalo ng kanyang nilalaruang PBA team na Petron Blaze, kinumpronta ng import at dating New York Knicks player na si Renaldo Balkman ang mga referee. Pinilit siyang payapain ng kanyang coaches at teammates, kabilang na ang kakampi niyang Arwind Santos ngunit imbes na mapayapa ay sinakal niya ito.


Deportation para sa Petron Blaze import at former New York Knicks player na si Renaldo Balkman ang demand ng Filipino netizens at Philippine Basketball Association (PBA) aficionados dahil sa pananakal niya sa kanyang team mate na si Arwind Santos sa laro nila kagabi laban sa Alaska Aces Team sa Smart Araneta Coliseum.

Ikinagulat ng manonood ang melt down ni Balkman dahil hindi nito matanggap na natalo (73-83 ) ng Alaska Aces ang Petron Blaze.

Unang kinuwestyon ni Balkman ang game referee at nang awatin siya ng team mate na si Ronald Tubid, itinulak niya ang PBA player na binansagan na “The Saint” dahil ang kanyang mukha ang ginamit bilang imahe ni San Pedro Calungsod, ang pangalawang Filipino saint.

Nang makita ni Arwind ang ginawa kay Tubid, tumulong siya sa pag-awat kay Balkman pero itinulak din at sinakal siya ng PBA import.

FIRST TIME. Gumawa ng kasaysayan sa PBA si Balkman dahil sa unang pagkakataon, nasaksihan ng mga Pilipino ang pananakit ng isang player sa kanyang mga kakampi.

Nang mahimasmasan, ginamit ni Balkman ang kanyang Twitter account sa paghingi ng paumanhin.

“I wld like to apologize to the fans, Petron Blaze, my teammates, the PBA and especially @tubidronald71 and @Arwind029. I got caught up in the moment of a very intense game.I respect @Arwind029 as a person & player.I am proud to be part of @Petron fam.

“This was unintentional towards @arwindsotnas, I am a team player who always has the best interest of the team at heart.”

Walang epekto ang paghingi ni Balkman ng paumanhin dahil malinaw na malinaw sa video ang pananakit na ginawa niya sa kanyang mga kasamahan.

Umani ng mga batikos si Balkman at nagkakaisa ang PBA fans sa kanilang opinyon na dapat i-deport si Balkman dahil sa pagpapakita niya ng unprofessionalism.

Sa kaugnay na artikulo sa www.spin.ph, nagpahayag din ng pagkadismaya ang PBA icons na sina Kenneth Duremdes at Marlou Aquino sa inasal ni Balkman. Sang-ayon din sila na ma-deport ang American-Puerto Rican player.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

(CLICK HERE to go to www.spin.ph article)

Haharap si Balkman sa Lunes kay PBA Commissioner Chito Salud dahil sa imbestigasyon na gagawin ng PBA.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN