BB Gandanghari on mom’s apprehensions about her having a boyfriend: “Patay tayo diyan! O, di ba, mongha lang ang peg sa akin ng nanay ko?”

Mommy Eva on her wish for all her children to finally accept BB and co-exist peacefully: “Ako naman, sana gusto kong maayos na dahil siyempre hinahanap hanap ko yung… kasi nagmamahalan yang mga anak ko na yan, e. Buong buo silang nagtutulungan, kaya ngayon medyo maiiyak na naman ako. Medyo mabigat sa dibdib ko.”


Kahit medyo asiwa pa si Mommy Eva Cariño-Padilla na panoorin ang kanyang anak na si BB Gandanghari sa stageplay nitong Halik ng Tarantula, natapos pa rin naman niya ito.

“Parang ayokong tingnan, pero tiningnan ko na rin,” natatawang pahayag ni Mommy Eva nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“Proud ako sa kanya,” pakli nito.

Dagdag pang kuwento ni Mommy Eva, “Nung una pa lang, nagpa-praktis pa lang sila, sabi sa akin, e, ‘Mama, panoorin mo ako.’

“Sabi ko, hindi ko yata alam kung kaya kong ganun, kasi nakita ko yung ano... yung poster niya, sabi ko, ‘Hindi... ayoko,’ sabi ko.

“‘Hindi Mama,’ sabi niya. ‘Maganda, kaya lang baka ka himatayin.’

“Sabi ko, ‘Kung hihimatayin ako, ayoko. Baka hindi lang himatayin, baka maluka-luka ako,’ sabi ko.

"Tapos sabi niya, ‘Hindi Ma, sige na... panoorin mo.’

"Sabi niya maganda. So, pinanood ko naman pati mga apo ko nandito sila.

“Okay naman, I’m proud of him.

"Magaling talaga kasi ang mga ganyang stage play, dun mo makikita ang galing ng isang artista, hindi ba? So, okay.”

Kasama ni Mommy Eva na nanood sa Teatrino noong nakaraang Huwebes ng gabi ang anak nitong si Rommel Padilla, at ang tatlong anak ng huli na sina Ralph, RJ, at Roanna.

Umalis lang si Rommel sa kalagitnaan ng play, at hindi ito nagpa-interview.

Pero proud na proud naman ang mga pamangkin ni BB sa kanya at nagpahayag sila ng suporta sa kanilang “Tita” BB.



RIFT WITH ROBIN. Napag-usapan naman daw nina Mommy Eva at Robin Padilla ang tungkol kay BB.

Pero hindi naman daw niya mapilit ang anak na makipag-ayos sa kapatid dahil ang gusto raw makita at makausap ni Robin ay si Rustom, at hindi si BB.

“Hindi naman sila nag-aaway, e,” sabi ni Mommy Eva.

“Talagang si Robin, sabi niya sa akin, ‘Gusto ko siyang makausap as Rustom.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ito namang isa, ‘Wala na si Rustom, e,’ sabi naman nitong isa. ‘Patay na!’

“So, siguro darating ang araw magkakaayos din sila, matatanggap din.

“Ganun din yung mga anak kong babae na pinakikisamahan pa rin siya, pero hindi pa rin nila talagang lubusang natatanggap.

"Pero hindi naman siya itinatakwil or ano.

“Ako naman, sana gusto kong maayos na dahil siyempre hinahanap-hanap ko yung… kasi nagmamahalan yang mga anak ko na ’yan, e.

“Buong-buo silang nagtutulungan, kaya ngayon medyo maiiyak na naman ako. Medyo mabigat sa dibdib ko.

“Si BB, ano... hindi ko naman puwedeng pabayaan ’yan, siyempre puso ng isang ina, di ba?

"Kahit na sino pa man ’yang anak mo na ’yan, anak mo pa rin.

“Umaasa akong magkakasama-sama uli sila, kasi panahon lang ang makakagamot niyan, e,” emosyonal na pahayag ni Mommy Eva.



AFTER THE SHOW. Pagkalabas ni Mommy Eva ng Teatrino, sinalubong ito ni BB na abala sa pagpapalitrato sa mga taong nanood.

Mahigpit silang nagyakap at nagpasalamat si BB sa kanyang ina sa suportang ibinigay sa kanyang proyekto.

“It was a beautiful play, di ba, Mama?” sabi ni BB sa kanyang ina.

“So, thank you for coming and for supporting.

“It means a lot, and now it can be said na hindi naman talaga ganun... Ibig kong sabihin, hindi malaswa.

“Not for anything… but may mga maseselang eksena, but I think they were tastefully done, it was directed beautifully by Direk Soxy [Topacio].

"So Mama thank you for your courage,” natatawa pa nitong mensahe sa kanyang ina.

Naniniwala rin si BB na darating ang araw, magkakaayos din silang magkakapatid at lubusan na siyang tanggapin, para makumpleto na raw sila sa mga family reunion na madalas nilang ginagawa.



SEX CHANGE ISSUE. Nabanggit din ni Mommy Eva na napag-usapan daw nila ni BB ang tungkol sa isyung pagpapa-sex change.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ni Mommy Eva, “Nag-usap kaming dalawa, tinanong ko siya.

"Sabi niya sa akin, ‘Mama, hindi naman porke sinabi ko na magpapa-sex change ako, mangyayari na.’

“‘Maraming proseso yan,’ sabi niya, ‘Hindi naman biro-biruan ’yan.’

“So, sabi ko, ‘Hindi, gusto kong marinig sa iyo kung talagang gusto mo na babae.’

“Sabi nya ‘Mama, promise... hindi,’ sabi naman niya sa akin.”



LOVELIFE. Pati sa lovelife ng kanyang anak ay hindi naman daw ito kokontrahin ni Mommy Eva. Pero sa totoo lang, parang hindi pa siya handang tanggapin ito.

Sabi ni Mommy Eva kay BB, “Meron pa akong takot na baka magka-boyfriend ka na.

“Pero kung magkatotoo yun, wala akong magagawa, di ba?

"Pero sa tingin ko, wala pa naman yata.”

Natatawang sagot naman ni BB, “Patay tayo diyan! O, di ba, mongha lang ang peg sa akin ng nanay ko?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN