Comedian Gary Lising still counts his blessings amid struggling times: “I’m rich in friends, but I’ll say this, I need a little help... I need a job.”

Gary Lising on giving up some of life’s comforts and luxuries: “This one is hurting me... everytime I take a bus, everybody knows me. Nagdyi-jeep ako, I don’t have a choice, e... I don’t like it anymore. I hate it na... ’Uy, si Gary! Pa-picture!’... I don’t like it, e.”


Medyo atubili pa ang komedyanteng si Gary Lising na humarap sa kamera para aminin na naghihirap na siya.

Si Gary ay isa sa mga respetadong komedyante na sumikat noong early ’80s. Isa siya sa mga mainstays ng sikat na TV comedy show na Champoy, kasama sina Subas Herrero, Noel Trinidad, Tessie Tomas, at marami pang iba.

Lumabas din siya sa ilang comedy movies, at marami rin siyang naisulat na mga joke books kahit hindi na siya gaanong aktibo sa TV o pelikula.

Bagamat may kabigatan ang kanyang hinaharap na problema sa kasalukuyan, pinagbigyan pa rin nito si Butch Francisco na interbyuhin siya para sa Startalk at pag-usapan ang tunay niyang kalagayan.

Ayon kay Gary, “I don’t have a job and nakikitira lang ako sa bahay ng anak ko.

“I need a job. I’m still strong, e.

"I lost my job when I was operated by angioplasty; and then after that I had this eye thing... eye cataract operation, and I lost a lot of money…that depleted me.

“My son is graduating and his mother is supporting him. I’m so glad for that.”

Bahagyang ikinuwento ni Gary na nagsimula ang pagbagsak ng kanyang buhay nang inatake siya sa puso at kailangan niyang operahan tatlong taon na ang nakararaan.

Pagkalipas lang daw ng isang taon, inoperahan naman siya sa cataract at malaki raw ang nagastos niya roon sa tulong na rin ng mga malalapit na kaibigan.

Pati ang novelty shop niya sa Robinson’s Galleria ay nalugi na rin kaya kailangan daw niyang i-give up, kaya nasa bahay na lang ang mga goods nito.

Pero nawalan na raw siya ng trabaho, hanggang sa naubos na ang ipon nito at unti-unti na niyang naibenta ang mga naipundar.

Pati ang kotse niya ay nawala na rin dahil ibinigay na raw niya ito sa kanyang anak. Kaya nagku-commute na lang siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hanggang sa mag-isa na lang siya nakatira sa bahay dahil kailangan na rin daw niyang paalisin ang nag-iisa niyang kasambahay.

Saad ni Gary, “This one is hurting me... everytime I take a bus, everybody knows me.

"Nagdyi-jeep ako, I don’t have a choice, e... taxi is very expensive.

"I’m cutting corners now."

Patuloy niya, “I don’t like it anymore. I hate it na, ’Uy, si Gary! Pa-picture!’ I don’t like it, e.

“Even when I take the bus, people want to take pictures with me, and I say, ’I’m not on TV anymore... kokonti na lang.’”

Nairaraos lang daw niya ang mga pang-araw-araw na gastusin dahil sa tulong na rin ng mga kaibigan niya, na karamihan ay mga dati niyang classmates mula sa Ateneo.

“I’m rich in friends, but I’ll say this, I need a little help... i need a job,” sabi nito.

“Thru my friends… I cannot depend on them. Hindi ako magdedepende sa kanila for life, kasi kailangan kakayod din ako.

“Hihintayin kong matapos yung anak ko, yung anak ko will support me, malapit na, e... pero hindi rin, e, matagal pa.”

Dahil mag-isa na lang siya sa bahay, hindi na siya nakakapagluto at bumibili na lang daw siya ng ulam sa turo-turo.

“Bumibili na lang ako ng pagkain sa labas. May mga turu-turo diyan sa labas, e.

“’Gary, ba’t dito ka bumibili?’... Pare, it’s so hard to swallow, e, but I like the food, e... it’s cheap, but i still go where I used to go.”

Naikuwento rin ng komedyante na pati mga bills nito sa bahay ay nagagawa na lang bayaran ng mga kaibigan, at ilang pang bayarin sa bahay.

Kuwento ni Gary, “Kaklase ko din yung president ng Meralco, e, si Oscar Reyes.

"So, tinawagan ko, ‘Ay, huwag ninyo muna ‘kong putulan...’ So, hindi niya muna ako pinutulan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi niya, ’Gawin na lang natin na bayaran ninyo nang unti-unti.’ Pero dagdag nang dagdag, e.”

Hindi raw niya alam kung hanggang kailan pa siya pagtitiyagaan na suportahan ng mga kaibigan niya. Kaya gusto na sana niyang makapagtrabaho.

Tinulungan naman daw siya ng ilang mga kaibigan sa showbiz, gaya ni Noel Trinidad na siyang tumulong sa kanya na mabigyan ng role sa A Beautiful Affair.

Kamakailan lang ay tinulungan din siya ni Noel na makapag-guest sa Pepito Manaloto at tinulungan din ito ni Michael V.

Kaya nagpapasalamat siya sa patuloy na tulong na ibinibigay sa kanya. Pero sana makabalik daw siya sa trabaho dahil kaya pa naman daw niya.

Seryoso pang pahayag ni Gary, “Sometimes I pray to Him, as a matter of a fact I’m very religious. I go to mass every day except Sunday.”

“I don’t want to stay like this forever.

“Sometimes when I’m alone here, but my friends are cheering me always.

“They’re always here... call me up.

"But sometimes nawawalan na ‘ko ng will to live, nahihiya na ako sa anak ko, e,” malungkot na pahayag ng 61-anyos na komedyante.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN