Ate Gay accepted back by Willie Revillame; returns to Wowowillie

Pagkalipas ng mahigit isang linggo ay nakabalik na sa programang Wowowillie si Ate Gay. Ipinaliwanag ni Willie Revillame kung bakit niya muling tinanggap sa show ang stand-up comedian: "Tumatanggap ho siya ng kanyang pagkakamali. At the same time, nagpapakumbaba. Kapag nagpapakumbaba ka, dapat tinatanggap kang muli, kaya let’s welcome back Ate Gay!”


Naluha ang mga co-host ni Ate Gay sa Wowowillie nang bumalik siya kahapon, March 9, sa noontime show ni Willie Revillame pagkatapos ng isang linggo matapos ang unfortunate incident na kinasangkutan nila ni Ethel Booba.

Dahil sa insidente ay nawala sa programa si Ethel at nalagay naman sa alanganin ang katayuan ni Ate Gay sa show ni Willie sa TV5.

(CLICK HERE to read related story.)

Pinigil ni Ate Gay na maging emosyonal kaya dinaan niya sa biro ang pakikipag-usap kay Willie…

Willie: “Sino ang nag-guest sa ‘yo? Bakit ka nandito?”

Ate Gay: “Nandito ako para sa ‘yo. Mahal kita... Walang puwedeng umapi sa ‘yo kundi… ako lang.

“I love you. Hindi mababali yung sinabi ko noong mag-guest ako, noong time na kumanta ako dito. Hindi mababali ‘yon.”

Willie: “Si Ate Gay po special guest lang ngayon.”

Ate Gay: “Okay... oras ko na ba? Ano ‘yon? Tingnan mo o, natulala silang lahat.

“Ayoko... sabi ko hindi ako iiyak pag pumunta dito. Gusto ko lalong sumaya ang tanghali n’yo kasi nakikita ko ‘yong mga nanay.”

Willie: “Tutal nandito na po si Ate Gay, ako na po ngayon ang magre-resign dito.”

Ate Gay: “Yehey!”

Willie: “A, ganoon?”

Ate Gay: “Hindi, biro lang…”

Willie: “Hindi ka pa natuto noong isang linggong ‘yon?”

Ate Gay: “Natuto ako kasi marami akong ginawa. Busy kaya ako, ‘no! May Japan pa ako sa Holy Week.”

Willie: “So ginagamit mo ang show na ‘to para sa mga show n’yo?”

Ate Gay: “Ah minsan… biro lang. Ito naman.”

Willie: “Every Saturday ho siya sa show na ‘to.”

Ate Gay: “Wow… parang may schedule ako sa Sabado. Na-miss niya [Willie] ako. Tinititigan niya ako... Sabi niya, ‘Gumanda si Ate Gay, o!’"

Willie: “Mahalin ninyo ang taong nagbibigay sa inyo ng magandang oportunidad.”

Ate Gay: “Ayan na naman tayo…”

Willie: “Hindi, para matuto lang kayo dahil lahat ng staff ko, nasa ABS ’yan. Sumama sa akin lahat ‘yan dahil tinrato kong mga tao ’yan. Yun lang ang sasabihin ko sa inyo kaya ganoon din.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May 25 years, 22 years, may 18 years… doon na nabuhay at doon na nagkapamilya.

“Pero noong mawala ako, sumama.

“Bakit? Nirespeto ko ang mga taong ’yan.

“Yun lang ang dapat ninyong gagawin, respetuhin ninyo ang mga taong nagmamahal sa inyo.

“Sayang lang, may talent ka.

“Kaya ko ho siya pinabalik dahil wala siyang sinabing masama sa akin. Sa Twitter, kahit kanino…

“Noong kinausap ako ni Tita Cristy [Fermin], ‘Anak, nakita ko si Ate Gay, nami-miss ka raw niya at mahal na mahal niya yung programa…’ Kaya ko siya pinabalik.

“Ang ibig ho sabihin niyan, tumatanggap ho siya ng kanyang pagkakamali. At the same time, nagpapakumbaba.

“Kapag nagpapakumbaba ka, dapat tinatanggap kang muli, kaya let’s welcome back Ate Gay!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN