Comedienne Kakai Bautista clarifies "romantic photos" with Mario Maurer

IMAGE Instagram & Twitter

Kakai Bautista on friendship with Thai superstar Mario Maurer: "Kasi yung mga tao... porke't ba komedyante na chaka [pangit], hindi na puwedeng magkaroon ng kaibigan na sikat na superstar, na international star? Siya lang yung nagpatunay na wala talagang pinipili yung totoong pagkakaibigan, kahit ano ka pa. Marami akong kaibigan, pero di ba, sino ba mag-aakala na ako lang, si Cacai lang [ang magiging kaibigan ni Mario]."


Halos isang linggo nang pinag-uusapan sa social networking sites na Twitter at Instagram ang mga “sweet na sweet” na mga larawan ng Pinay comedienne na si Kakai Bautista at ng Thai heartthrob na si Mario Maurer.

Samu't-saring reaction mula sa mga netizens ang inani ng mga larawang si Kakai mismo ang nag-post.

Pero pinabulaanan naman ng komedyana na may namamagitan sa kanila ng Thai superstar higit pa sa pakikipagkaibigan.

Sa interview sa kanya ng Showbiz Inside Report (SIR), sinabi ni Kakai na hindi niya inaasahang maging close sila ni Mario, dahil nga isa itong sikat na international celebrity.

Nagkakilala sina Kakai at Mario sa pelikula ng Star Cinema na Suddenly It’s Magic (2012), kunsaan nakapareha ng Thai actor si Erich Gonzales.

Saad ni Cacai, "Naiiyak ako kasi sobrang bait niya talaga sa akin.

“Hindi ko kasi akalain na magiging magkaibigan kami na ganito, e.

“Kasi yung mga tao... porke’t ba komedyante na chaka [pangit], hindi na puwedeng magkaroon ng kaibigan na sikat na superstar, na international star?

"Siya lang yung nagpatunay na wala talagang pinipili yung totoong pagkakaibigan, kahit ano ka pa.

“Marami akong kaibigan, pero di ba, sino ba mag-aakala na ako lang, si Kakai lang [ang magiging kaibigan ni Mario]."

JUST FRIENDS. Nang nakita ng mga netizens ang kanilang larawan ni Mario, marami na ang naghinalang may “romantic relationship” silang dalawa.

Ayon kay Kakai, nasaktan siya sa ibang mga negatibong komento, lalo na sa diumano ay ginagamit lang niya ang pangalan ng sikat na Thai celebrity para “mas mapaangat” pa ang kanyang popularidad.

Saad niya, "Minsan natatawa ako, minsan nai-stress ako.

“Wala naman ako pakialam kahit ano pang sabihin—'ambisyosa,' 'ilusyonada.'

“Pero yung sasabihin nila na I'm using Mario to be popular...

“Kasi hindi naman showbiz yung friendship namin, e. Totoong friendship iyon, 'no."

Nanghingi na raw ng paumanhin si Kakai kay Mario dahil sa mga nagsulputang intriga sa kanilang pagkakaibigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero siya, deadma lang siya.

“Sabi niya, 'I don't have to worry. Stop worrying. You're my sister. I want you to be happy.’”

JUST FOR VACATION. Nagsimulang kumalat ang bulung-bulungan sa kanila ni Mario nang mag-post ang komedyante ng mga larawang kasama niya ang Thai actor, ng kanyang kaibigan at pamilya.

Kuha ang mga larawan sa Thailand mismo kung saan nagbakasyon ang singer-comedienne.

Dagdag pa sa ulat, ang Thailand trip nila ay hindi talaga intensiyong bumisita kay Mario kundi bakasyon lamang.

Pahayag ni Kakai, "Every year kasi, itong mga barkada ko, pupunta kami out of the country, so Thailand naman [kami ngayong taon].

“Hindi ko naman siya [Mario] ino-oblige na, 'O, pupunta ako, kitain mo 'ko. If ever na you're free, we can meet. I hope to see you,' sabi ko.

“Sabi niya, 'I hope to see you po.'”

Lahad pa niya, "Finally the next day, third day [in Thailand], text niya, 'What are you doing today?'

“Sabi ko, 'I'm just waiting for your text and your call.’

“Tapos iyon, sabi niya, 'Let's meet up sa oras na 'to.'"

Natatawa pang pag-alala ni Cacai, pawisan pa raw na dumating si Mario sa kanilang meeting place. At naka-motor lang daw ito.

"Sabi niya, 'I don't want to keep you waiting, I don't want to be late.'"

KAKAI IN LOVE? Kahit magkaibigan lang, nagsasabihan daw sila ni Mario ng “I love you” sa kanilang mga mensahe.

Pero pumasok na ba sa kanyang isipan na posible siyang ma-in love kay Mario?

Pag-amin ni Kakai, "Siyempre, sumasagi yun sa isip ko. Who wouldn't fall in love for a guy who's really nice, who has simple dreams?

"Everybody would fall in love not only with the Mario who is a superstar, but Mario as the person that he is.

“Parang, ‘Wow!’ Ako rin, may ganoon din.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero sa ngayon, gusto ko maging steady yung friendship namin."

Naiiyak pang nagpasalamat ni Kakai kay Mario dahil sa pagsiguro nitong walang magbabago sa pagkakaibigan nilang dalawa.

Mensahe niya, “Thank you for being a friend.

“I know you don’t want me to worry anymore, but [it's just] because I want to protect you.

“I love you po.

"Whatever happens, I will still be your friend no matter what, even if you're not Mario the star anymore, I promise you that.

"Thank you so much."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN