Gabby Eigenmann on being the only “straight” Eigenmann: “Kung dadagdagan ko pa, ano ba ang legacy na iiwan ng pamilya namin?”

Pinaninidigan ni Gabby Eigenmann na maging ehemplo bilang miyembro ng sikat na showbiz clan. Saad niya, “Nakaiwan na ng legacy ang lolo ko [Eddie Mesa], lola ko [Rosemarie Gil], Cherie Gil, Mark Gil... tapos sa generation namin, puro issue? Lahat, sa mga kapatid ko. Tapos, binabatikos pa ang health namin na magpipinsan. Tinitira si Geoff na kesyo ang laki-laki. Kahit naman ako, I get that na ang laki-laki ko sa TV. So, sabi ko, it’s a choice that I have to do somethi


Magbabalik sa primetime scene si Gabby Eigenmann sa pamamagitan ng bagong teleserye ng GMA-7 na Mundo Mo’y Akin.

Ang huling primetime series niya ay ang Munting Heredera, kunsaan napanalunan niya ang kanyang unang acting award (sa Golden Screen TV Awards) at na-nominate pa siya sa Asian TV Awards.

Pagkatapos nito, nagkasunod na ang dalawang panghapong serye niya—ang Broken Vow at Sana Ay Ikaw Na Nga.

Pagkatapos ng huling afternoon soap niya ay hindi nabakante nang matagal si Gabby dahil binigyan siya agad ng GMA-7 ng bagong assignment.

Ikinatutuwa naman ito ng aktor.

Aniya, “Natutuwa naman ako kasi, from day one naman, never nawala ang tiwala namin sa isa’t isa

“I’ve trusted GMA for the longest time and they trusted me for the longest time, so natuwa naman ako.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gabby sa pocket presscon ng Mundo Mo’y Akin noong isang linggo.



FOLLOW THROUGH. Noong matapos ang Sana Ay Ikaw Na Nga, nasabihan ba siya agad na may follow-up project na siya?

Sagot ni Gabby, “Hindi, hindi rin, e.

“Noong mamatay ako sa SAINN, may one week pa yun na umeere.

“Actually, prior to that, nakapagplano na ako ng vacation.

“So, noong natapos, talagang kinumpirma ko kung may bago ba ako, para alam ko kung kailan ako babalik.

“Noong una, ayaw akong payagan.

"Noong sinabi na, ‘Hindi, hindi ka puwedeng magtagal, two weeks ka lang.’ Nagkaroon ako ng feeling na, ‘Ah… baka meron ako.’

"Pero sa akin naman, kung pamimiliin ako, vacation will always be there. Kung paano mo gagamitin yun.

"Ako kasi, trabaho… trabaho. Ipon ka nang ipon para rin makapagbakasyon ka eventually, di ba?”

Ang balita namin noong una, sa bagong teleserye ni Richard Gutierrez makakasama si Gabby. Ano ang nangyari?

“Well, I think, they are banking on Sid [Lucero] for that,” sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



BROTHER SID. Speaking of Sid, kinumusta namin kay Gabby ang half-brother niyang ito.

Saad ni Gabby, “Nagkita kami noong birthday ko… he’s still trying his best to look the old Sid Lucero.

"I think, he’s almost getting there.

“Tingin ko, matagal-tagal pa ng konti kaya nga almost pa lang!

“Pero tinanong ko siya, ‘Ano, tapos ka na ba sa bakasyon mo?’

“Sabi niya, sa nakikita raw namin at sa nakikita niya sa sarili niya, hindi pa siya kuntento.”

Napag-uusapan na rin lang si Sid, anong “state of whatever” nga ba si Sid ngayon?

“He’s happy!” natatawang sagot naman ni Gabby.

“He’s happy.

"Yun ang sakit naming lahat—ako, si Geoff [Eigenmann], Ryan [Eigenmann] o buong angkan namin.

“Kapag masaya kami, walang hangganan sa amin. Hindi kami nagko-concentrate sa ginagawa namin, like trabaho.

“But of course, excluding me.

“Kasi, kapag masaya sila, kumakain sila, lumolobo sila.

"Pero ang alam ko, si Sid, he just did a movie, an indie.

“I think continuous ang indie niya. Pero sa mainstream, gusto muna niyang magpahinga—he wants to look the part.

“Hindi naman siya nag-sign sa GMA kung ano ang hitsura niya, he’s a little big now.”



LEGACY. Bilang kuya, nandoon naman daw ang suporta ni Gabby sa kapatid. Hindi rin daw siya nagkukulang ng pagbibigay ng advice dito.

“One time, nakausap ko si Tita Bing [Pimentel, Sid’s mother], ‘Alam mo, sa iyo lang nakikinig ‘yan,’ sabi sa akin.

“Pero yun nga, given the situation, kunwari may nalaman ako about him, tatawagan ko siya.

“Hindi naman ako confrontational, kakamustahin ko siya and he would always parang… not really avoid, pero ayaw niyang that day na pag-uusapan.

“Kapag medyo okay na siya… yun. Ang sa akin naman, guidance lang.

“Kunin man niya o hindi, basta nakapag-ano ako, okay na sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si Sid naman, he’s a good man.

"Kung anuman ang disposisyon ko sa buhay, kapag nakuha niya yun, he’s Gabby 2.0.

“Kumbaga, he’s a better version of me, e… malalim na artista, passionate.

“Pero ang sinasabi ko nga, palaging nangingibabaw ang pagiging professional.

“As long as makamit niya yun, he’s professional in some ways—he delivers naman.

“Pero siyempre, with regards to production, siyempre he has to wake up on time… he has to come on time.”

Sa lahat ng Eigenmann, parang si Gabby yata ang pinaka-straight.

Natawa naman ito at saka sinabing, “Sa akin kasi, kung dadagdagan ko pa, ano ba ang legacy na iiwan ng pamilya namin?

“Nakaiwan na ng legacy ang lolo ko [Eddie Mesa], lola ko [Rosemarie Gil], Cherie Gil, Mark Gil... tapos sa generation namin, puro issue? Lahat, sa mga kapatid ko.

"Tapos, binabatikos pa ang health namin na magpipinsan. Tinitira si Geoff na kesyo ang laki-laki.

“Kahit naman ako, I get that na ang laki-laki ko sa TV.

"So, sabi ko, it’s a choice that I have to do something sa akin… gagawan ko ng paraan.

“Mataba ba ako? Sige, magpapapayat ako.

"Ngayon, binibigyan ako ulit ng opportunity ng GMA to be part of the soap na balik-primetime ulit.

“So, siyempre, I don’t wanna abuse it na hindi ako nawawalan ng trabaho.

“Minsan, pinaghihirapan talaga.”



MUNDO MO’Y AKIN. Sa Mundo Mo’y Akin, si Gabby ay gaganap bilang si Ziggy Carbonel, na old rich ang pamilya at may-ari ng pagawaan ng barong.

Asawa niya si Angelika dela Cruz at nanay niya si Jaclyn Jose.

Kontrabida ba siya ulit dito?

“Yun ang maganda, parang walang masamang tao talaga rito.

"And it’s different, ngayon lang ako magpi-play safe.

“Kumbaga, I’m not leaning towards the main kontrabida. I’m in between.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But as the story goes, dahil vain ako rito, the only bad traits ng character ko, e, babaero ako o palikero ako.

“So, noong niluwal na yung anak ko, mai-in love talaga ako because I love beautiful things.”

Si Lauren Young ang kikilalanin niyang anak dito.

Sabi pa ni Gabby, “Maganda kasi first week pa lang, mari-reveal na lahat.”

FAMILY VACATION. Tuloy pa ba ang family vacation na noon pa man ay na-schedule na niya kahit may bago na siyang primetime series?

Ayon kay Gabby, “Tuloy pa rin and I’m still leaving on March 18 kasabay ng airing nito [Mundo Mo’y Akin].

“Which is, kahit paano, makakapag-promote pa rin ako. Mababawasan lang ng one week.

“Dapat one month ako, pero three weeks na lang ako.

"Matagal-tagal na rin naman akong hindi nakapagbakasyon.

“At saka, yun nga, nagtatrabaho ka rin naman para ma-enjoy mo rin yung pinaghihirapan mo.

“Kaya ngayon, tina-try naming maghabol sa taping.”



BIRTHDAY. Kailan lang ay nagdiwang si Gabby ng kanyang kaarawan. Kumusta naman ito?

“Okay naman, siyempre nandoon ang birthday blues, hindi naman mawawala yun.

“It’s been a long time na nagkaroon ako ng… well, hindi naman engrande. Isang selebrasyon na nandoon ang mga mahal ko sa buhay down to the family and friends.

“Wala lang, we went to Ryan’s [Eigenmann] house sa BF, may konting handaan lang kaming magpi-pinsan.

“Si Sid dumating, si Andi [Eigenmann], si Timmy [Sid Lucero] nandoon.

“Yung iba kasi, may taping, may out-of-town. Si Dingdong [Dantes], dumaan.

“Ano lang, very solemn lang… kuwentuhan.

“Dapat sana, gusto kong magpa-party, e, pupunta ako ng Amerika,” natawa niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN