Paulo Avelino personally apologizes to EnPress president for bad joke; admits to his mistake

Personal nang humingi ng paumanhin si Paulo Avelino sa presidente ng Entertainment Press Society na si Jun Nardo nang magkita sila sa shooting ng pelikulang The Bride and The Lover kaninang tanghali sa Fernwood Gardens, Project 6, Quezon City.


Muling humingi ng paumanhin si Paulo Avelino kay Jun Nardo, presidente ng Entertainment Press Society (EnPress) na na-offend sa biro na binitiwan ng aktor sa Golden Screen TV Awards noong March 1 sa Teatrino, Promenade Greenhills.

(CLICK HERE to read related story.)

Nagkausap na ang dalawa sa telepono noong Huwebes, March 7.

Si Paulo ang gumawa ng paraan na makausap si Jun para mag-apologize sa kanyang “bad joke.”

Matatandaang nagbiro si Paulo sa 2013 Golden Screen TV Awards, habang nagpi-present ng award. Sabi ng aktor, "Mahirap magtrabaho kung napilitan ka lang.”

Si Paulo ang nanalong Best Supporting Actor in a Drama Series para sa Walang Hanggan.

Naganap naman ngayong tanghali, March 11, ang pagtatagpo nina Paulo at Jun sa huling araw ng shooting ng The Bride and The Lover sa Fernwood Gardens, Project 6, Quezon City.

Ang The Bride and The Lover ang pelikula ng Regal Entertainment, Inc. na pinagbibidahan nina Paulo, Jennylyn Mercado, at Lovi Poe. Si Joel Lamangan ang direktor ng project.

Katabi namin si Jun nang lapitan siya ni Paulo kaya narinig namin ang paghingi niya ng paumanhin.

Sabi ni Paulo kay Jun, “Sorry, sorry… hindi ko intensiyon. Babawi ako sa inyo.

“I never realized na ganoon ang impact ng joke ko.

“I feel bad dahil hindi yun ang intensiyon ko.

“It was a mistake on my part.”

Bilang pangulo at representative ng mga miyembro ng EnPress, tinanggap ni Jun ang apology ni Paulo.

Ipinaliwanag niya na hindi lamang siya ang nagulat sa bad joke ni Paulo dahil na-offend din ang mga miyembro ng kanilang samahan.

“Walang bawian ng award, ibu-boycott na lang namin siya nang tahimik. Joke!" ang biro ni Jun sa harap ng mga TV camera na nakatutok sa kanila ni Paulo.

Nagpasalamat naman si Paulo kay Jun at sa EnPress members.

Aniya, "Maraming salamat sa parangal at sa pagtanggap sa apology ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN