Mayor Alfredo Lim commisions sculptor Jonas Roces to build Dolphy statue in Manila

Ang sculptor na si Jonas Roces ang naatasan ni Manila City Mayor Alfredo Lim para gumawa sa rebulto ng Comedy King na si Dolphy na ilalagay sa tapat ng Museo Pambata sa Roxas Boulevard, Manila. Naumpisahan na ni Jonas ang paggawa sa clay model ng 7-foot bronze statue ng King of Comedy.


Si Jonas Roces ang sculptor na naatasan ni Manila City Mayor Alfredo Lim para gumawa sa rebulto ng Comedy King na si Dolphy na ilalagay sa tapat ng Museo Pambata sa Roxas Boulevard, Manila.

Inumpisahan na ni Jonas ang paggawa sa clay model ng 7-foot bronze statue ng King of Comedy.

Sa exclusive interview sa kanya ng H.O.T. TV ng GMA-7, sinabi ni Jonas na malaking karangalan na siya ang napili para lumikha sa rebulto ni Dolphy.

“Hindi ko maipaliwanag at hindi ko masabi kung paano ang maramdaman ko, kung paano ako maging masaya.

“Noong araw, pinapanood ko lamang siya tapos sa akin ipinagkatiwala [ang paggawa ng rebulto niya].

“Yung lumapit sa akin, ang City of Manila, tapos saka kami nag-meet ni Epi Quizon [anak ni Dolphy].

“Si Epi ang nagbigay sa akin kung ano ang gusto nila. Tapos yung magandang composition para sa sculpture.

“Then, si Epi na rin ang nag-final decision ng pinakamagandang sculpture para sa kanya [Dolphy].”

Inamin ni Jonas na sobrang pressure ang nararamdaman niya sa paggawa ng rebulto ni Dolphy.

“Pero minsan, tinitingnan ko na lang yung sculpture para hindi masyadong mabigat para sa akin.

“Habang ginagawa mo siya, may nararamdaman ka para doon sa ginagawa mo."

Mahusay na sculptor at artist si Jonas.

Siya ang may likha ng pinakamataas ng rebulto ni Jose Rizal sa buong mundo—ang 22-foot bronze statue na inilagay sa Calamba, Laguna.

Creation din ni Jonas ang 9-foot bronze statue ni Fernando Poe, Jr.na matatagpuan sa tapat ng US Embassy sa Roxas Boulevard, Manila.

Nagkaroon ng katuparan ang statue ni Fernando Poe, Jr. dahil kay Mayor Lim, na naniniwala na ang King of Philippine Movies ang tunay na nanalo sa presidential election noong May 2004.

Ang rebulto ni Mang Dolphy ang next project ni Mayor Lim dahil sa kontribusyon nito sa Philippine entertainment inudustry at sa milyun-milyong Pilipino na pinasaya niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Mayor Lim din ang nagpatayo ng mga rebulto sa Maynila nina former Senator Ninoy Aquino, former President Cory Aquino, at ng ibang mga nanilbihang pangulo ng ating bansa.

“Mga tao na naging good role model lang," ang mabilis na sagot ni Mayor Lim nang tanungin ito kung may plano siyang ipagpagawa ng rebulto sina ex-Presidents Gloria Macapagal-Arroyo at Joseph Estrada.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN