Jolina Magdangal feels awkward playing mother to Alden Richards

Sa primetime series ng GMA-7 na Mundo Mo’y Akin ay gaganap si Jolina Magdangal bilang nanay-nanayan ni Alden Richards. Aminado si Jolina na naninibago siya sa ganitong role dahil sa totoong buhay ay wala pa siyang anak. Aniya, “Ang sa akin na lang, iba pa rin kasi kung nilabas mo, di ba? Ibig sabihin, nagdaan ka talaga sa ganoon. Hindi ko naman siya ipinanganak.”


Kasabayan na ni Jolina Magdangal ang mga Kapuso actress na sina Angelika dela Cruz at Sunshine Dizon sa pagganap na nanay.

Gaganap na “anak-anakan” ni Jolina si Alden Richards sa bagong primetime series ng GMA-7 na Mundo Mo’y Akin.

Okay lang ba na mommy roles na ang ginagampanan niya kahit sa totoong buhay ay wala pa siyang anak?

Tugon ni Jolina, “E, kasi iyon na yun, e.

“Yun lang, nakakatawa lang na konti lang ang age gap."

Thirty-four years old si Jolina, samantalang si Alden naman ay 20 years old.

Patuloy niya, "Pero ngayon yata, ang ano na lang, e, kung paano mo gagampanan.

“Hindi na yung ganoon na ganoon o naney na naney na ang hitsura.

“Ang sa akin na lang, iba pa rin kasi kung inilabas mo, di ba? Ibig sabihin, nagdaan ka talaga sa ganoon.

"Hindi ko naman siya ipinanganak.

“Although, naninibago ako kasi sa Daddy Dearest, si Milcah [Nacion], puwede mo pang kandungin.

“E, ‘eto, nagpa-picture kaming dalawa, parang JS [junior-senior] prom lang, parang papasa na prom.

“Nakakapanibago, pero tingnan natin kung paano ko magagawa sa ayos, sa acting, di ba?

"Doon naman yun mababase lahat, e.”

Sa pocket presscon ng Mundo Mo’y Akin noong Huwebes, March 7, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jolina.



RARE PROJECTS. Ang My Daddy Dearest (2012) pa ang huling teleserye ni Jolina at matagal-tagal din bago siya nabigyan ng kasunod.

Hindi ba isyu sa kanya na matagal ang kasunod niyang teleserye?

Sagot ni Jolina, “Kung wala akong Personalan at Party P [Pilipinas], siyempre hindi.

“Pero dahil sa Personalan at Party P, okay lang. Not so okay na okay, pero hindi naman yung naghahanap na agad-agad.

“Nasa gitna ako… parang alam ko na hindi naman ganoon din katagal na susunod.”



REUNION. Tila reunion naman nilang tatlo nina Angelika at Sunshine ang Mundo Mo’y Akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sila ni Sunshine ay nagkasama na dati sa Unang Hirit at Kahit Kailan. Samantalang si Angelika, bagamat kapatid niya sa PPL Entertainment, sa Esperanza lang sila nagkasama na teleserye noon at sa ABS-CBN pa.

Sabi ni Jolina, “First time ko kay Angelika dito sa GMA-7. At sa totoo lang, matagal ko nang gustong may makatrabaho na taga-PPL.

“So, looking forward ako. At saka kaibigan ko talaga ito [Angelika], ABS pa.

“Kaya ang chikahan namin nito, di ba? Bumalik ulit siya doon, ang chikahan namin, kung paano kami nag-start na maging magkaibigan.”



HOUSEWIFE. Kinumusta rin ng PEP ang buhay may-asawa ni Jolina, na mahigit isang taon nang kasal sa musikerong si Mark Escueta.

“Okay naman, marami na kaming mga adjustments na nagawa sa pagkilala sa ugali sa isa’t isa bilang asawa na. Hindi na bilang boyfriend na suyu-suyuin mo pa rin.

“Parang marami akong naiintindihan ngayon na, ’A, ganito pala siya kapag may kailangan ka lang ayusin by yourself.’

“Tama na muna ang daldal, stop tape na muna, stop playing na muna… ganoon pala.”

Masaya naman si Jolina na nakabili na rin sila ng lupa para sa pangarap nilang dream house.

Kuwento niya, “Alam ninyo ba, one year kaming naghahanap ng bahay at lupa?

“Pero noong 2013, nakakita kami, may nagsabi lang sa amin na meron diyan, Tivoli, sa may Commonwealth.”

Gaano kalaking lupa naman ang nabili nila?

“Ano lang siya, 300 square meters. Kabibili lang namin noong January.

"Pagtingin namin, okay naman. Pagpunta namin doon, lupa… malapit sa guard, maganda ang community, pasok sa budget.

“’Okay naman ang tulungan natin sa pagbuo ng kasal, kaya natin itong pagtulungan.’

“So, game, lupa!”

Cash daw nila itong binayaran.

“Kasi nga, parang yun din ang advice sa akin ng mahal kong manager [Perry Lansigan], nagtanong din ako.

“Kasi, kailangan mo rin magtanong sa iba. So, yun… parents niya, parents ko, advice ni Perry.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, yun, ura-urada, yun na!”

Kailan nila ito planong patayuan ng bahay?

“Dapat March, kaso hindi pala ganoon kadali ang pag-aayos ng mga titulo.

“So, nasa plano kami ng pag-aayos ng mga rooms namin.

“Plano namin, three sa taas at may isa sa baba. Okay na yun.

“Alam ninyo, simple lang akong tao. Simple lang kami ni Mark.

“At may nabasa pa akong book na mas maganda ang quality kesa sa quantity kapag magtatayo ka ng bahay.

“Aanhin mo ang dalawang dining mo, e, yung long table mo, magagamit mo lang kapag may okasyon.

“So, quality talaga. ’Wag kang magsayang ng space... I just learned that from the book and tama naman.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN