Angelika dela Cruz not challenged by Sunshine Dizon: “Hindi ka dapat ma-challenge sa kasama mo, ma-challenge ka dapat sa role mo.”

Muling magsasama sa isang teleserye sina Angelika dela Cruz (nasa larawan) at Sunshine Dizon kaya siguradong aabangan ang tagisan ng galing nila sa pag-arte. Sabi ni Angelika tungkol dito, “I’m sure naman, gagawin ng istasyon, kung sakali man, for the show, not for anything.”


Magsisismula sa pagiging pangit hanggang sa magiging maganda ang hitsura ni Angelika dela Cruz sa bagong primetime series ng GMA-7, ang Mundo Mo’y Akin.

Ito ang primetime series kunsaan muli silang magkakasama ng nagbabalik-showbiz na si Sunshine Dizon, na una niyang nakatrabaho sa Ikaw Lang Ang Mamahalin (2001).

Sa pocket presscon ng Mundo Mo’y Akin ay kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Angelika ang muling pakikipagtrabaho niya kay Sunshine.

Aniya, “Okay naman, in fairness, okay naman.

"Maayos naman ang relationship namin at okay kami, actually.”

Kapag nakakuwentuhan sila, ano ang naiisip ni Angelika?

“Nakakatuwa. Kasi after all this time, nakakatuwa kasi nakikita mo ang mga ipinagbago namin simula nang mga bagets kami.

“Hanggang sa magdalaga hanggang sa ngayon, mommy na.

“E, dati, ang pinag-uusapan namin, gimmicks, boys... mga ganyan.

“Ngayon, ang pinag-uusapan na, mga babies, mga activities ng baby... ibang-iba. Nakakatuwa.”

Masasabi ba niyang nag-mature na sila?

“Oo, totoo!" mabilis na sagot ni Angelika.

"Iba, e, iba kapag naging magulang ka na. May magbabago at magbabago sa iyo.

“Napaka-gagong tao na lang siguro na nagkaanak ka na at lahat, hindi ka pa rin magbabago. Parang napaka-selfish na tao.”



COMPARISON. Magkaibigan na parehong pangit ang mga karakter na ginagampanan nina Angelika at Sunshine sa Mundo Mo’y Akin.

Pero dahil ayaw ni Angelika na manatiling pangit kaya nagparetoke siya ng mukha.

Posibleng pagsabungin o pagkumparahin ang pag-arte nina Angelika at Sunshine dahil madalas silang magkaeksena rito. Ano ang masasabi ni Angelika rito?

“Okay lang yun. I’m sure naman, gagawin ng istasyon, kung sakali man, for the show, not for anything.

“Sa amin naman, walang problema. Kailangan talaga, ibigay mo ang best mo naman.

“Kung gagawin nila yun, walang problema.”

Mas natsa-challenge ba siya kapag ganoon?

“Hindi, hindi, e,” sagot ni Angelika.

“Hindi kasi ako ganoon, e. At saka, hindi lang naman kasi siya [Sunshine] ang nakasama kong magaling.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa lahat naman ng soap na gagawin mo, may makakasama ka at makakasama kang magaling.

“Bakit si Tita Jaclyn [Jose], siyempre hindi porke’t magaling, dapat ma-challenge ako, di ba?

“At saka, hindi dapat ganoon. Hindi ka dapat ma-challenge sa kasama mo, ma-challenge ka dapat sa role mo.

“Sa industriya natin, ang daming magagaling na artista. Kung matsa-challenge ka sa lahat, mai-stress ka.

“Ayoko nun, ‘no! Ayoko ng stress!” natatawa niyang sabi.



SPORTS COMPETITION. Masaya naman si Angelika dahil sa una niyang triathlon competition ay siya ang nanalo overall sa mga babae.

Ang triathlon ang bagong laro na kinagigiliwan ni Angelika ngayon.

Kuwento niya, “Ewan ko nga. Siguro kasi, tatlo-tatlo ang coach ko at magagaling.

“Kapag hindi pa naman ako natuto, e, ewan ko na lang.”

Ang Wetshop Newbie Tri daw ang sinaluhan ng Kapuso actress.

“Actually, hindi nga lahat baguhan. E, ako talaga, first time. Parang ang daya naman!” natatawa niyang sabi.

“Sa female, ako ang winner. Sa overall, siguro pang-apat ako.

"Si Orion [Casareo, her husband], tuwang-tuwa.

“Ang nakakatawa, sa swimming, e, pool yun, siksikan. Nasipa ako sa face.

“E, lalaki ang nakasipa sa akin. Huminto ako.

"E, may taping ako kinabukasan, paano kung pasain ako, di ba?

“Tapos, si Orion, makita mo, ‘Honey, don’t stop. You’re faster than them. Don’t let them win!’

“Ganyan talaga siya. Sabi ko, ‘Honey, may taping ako tomorrow, baka mamaga mukha ko.’

“Sabi talaga niya, ‘Tigasan mo mukha mo!’ Tigasan ko mukha ko?

“So, ang ginawa ko, pinauna ko silang lahat at saka ko sila hinabol sa bike at saka sa run. Ayokong makipaggitgitan.

"Siguro kung walang taping, e, lalaban ako.”

Ang susunod daw niyang competition na lalabanan ay sa Subic, kunsaan dagat na raw talaga ang magiging race nila para sa K-Swiss event.

“Open water na ‘yan, dagat. Enjoy ako, e,” natutuwang sabi ni Angelika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN