Governor ER Ejercito on Cesar Montano-Sunshine Cruz marital problem: “E, siguro maikli na ang pisi niya at madalas na niyang mahuli!”

Bilang malapit na kaibigan ni Cesar Montano, ito ang payo ni Laguna Governor ER Ejercito sa kinahaharap na problema ng aktor sa pagsasama nila ng asawang si Sunshine Cruz: “Ang sasabihin ko sa kanya, pinakasalan niya si Sunshine dapat panindigan niya yun. Nagkamali, humingi ng patawad.”


Nakasama ni Governor ER Ejercito sa pelikulang El Presidente si Cesar Montano, na gumanap sa role bilang si Andres Bonifacio.

Bilang kaibigan, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si ER kung ano ang masasabi niya sa kinakaharap na problema ni Cesar sa marriage life nito.

Sagot ng actor-politician, “E, alam mo kasi, pag artista ang wife mo, understanding, malawak ang pang-unawa.

“Kasi tao lang tayo nagkakamali. Dapat malawak ang pang-unawa.”

Pumapabor ba siya kay Cesar?

“Hindi... lahat nagkakamali e, di ba?

"Ako, ang adviser ko si Pangulong Erap [Joseph Estrada].

"Dapat mapang-unawa ang mga asawa natin.”

Ibig bang sabihin niya, hindi malawak ang pang-unawa ng misis ni Cesar na si Sunshine Cruz?

“E, siguro maikli na ang pisi niya at madalas na niyang mahuli!” sabay tawa ni ER.

Pero bawi rin niya, “Hindi, kaibigan ko si Cesar!”

Hindi pa raw napag-uusapan nina ER at Cesar ang problema ng huli sa kanyang asawa.

“Hindi pa, hindi. Papayuhan ko nga sana, e…

“Ang sasabihin ko sa kanya, pinakasalan niya si Sunshine dapat panindigan niya yun.

“Nagkamali, humingi ng patawad.”

Paano kung ayaw na nga ni Sunshine?

“Ligawan uli.”

Ano naman ang maipapayo niya kay Sunshine kapag nagkausap sila nito?

“E, pinakasalan niya si Cesar, dapat panindigan na rin niya.

“Kawawa yung mga bata. Dapat patawarin na niya.”

Ipinaalala namin kay ER ang naobserbahan naming biruan nila ni Cesar sa major presscon ng El Presidente noon tungkol sa pagiging pilyo nila sa babae.

Tanong namin kay ER, mukhang alam niya noong mga panahong iyon ang tungkol sa sinasabi ni Sunshine na pambababae diumano ni Cesar?

Sagot niya, “Hindi, kasi alam mo naman ang mga artista, hindi maiiwasan ang mga inspirasyon.

“Pero ang asawa ay asawa. Dapat yun ang panindigan.”

Wala siyang ideya nung mga sandaling iyon na nagkakaproblema na sina Sunshine at Cesar?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Well, kilala naman natin yung mga kaibigan natin—mga inspirasyon lang, baka nami-misinterpret lang.”

Ano naman ang reaksiyon ng misis ni ER na si Pagsanjan Mayor Maita Ejercito sa mga babaeng humahabol sa kanya?

“Ay, very understanding. Pero wala namang inspirasyon,” sagot niya.

May mga dumarating din bang tukso sa kanya?

“Wala nang time, e. Wala nang time. Nagtatrabaho ako, 24/7. Jingle lang ang pahinga,” sagot ni ER.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN