Ogie Alcasid and OPM members push for clean election in May

“I can’t replace it with anything. So, sa politics, wala ako roon at hindi ko ano [lugar] ‘yon,” says Ogie Alcasid why he cannot leave his job as a music artist to join polictics.


May listahan na raw ng mga kandidatong susuportahan si Ogie Alcasid sa darating na May 2013 elections.

Kung noong 2010 ay masigasig na ikinampanya ni Ogie si Pangulong Noynoy Aquino, ngayon naman ay tutulungan niya ang senatorial candidates na sina Bam Aquino at Risa Hontiveros.

Manganagmpanya rin daw siya para sa malalapit na kaibigang sina Dingdong Avanzado, na tatakbo bilang gobernador sa Siquijor, at Herbert Bautista, na reelectionist naman as mayor sa Quezon City.

“‘Yon lang apat na ‘yon [ang ikakampanya ko],” sabi ni Ogie nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan sa press conference ng Foursome repeat concert nila ng asawang si Regine Velasquez, Pops Fernandez, at Martin Nievera.

Tulad niya, hindi rin daw pinipigilan ni Ogie ang iba pang ka-miyembro sa Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit (OPM) na suportahan ang mga napupusuang kandidato.

“It’s their right,” sabi ng OPM president.

“Sa OPM iba-iba rin kami.

“Siyempre, wala rin naman kaming iisa lang ang kinikilingan.”

At bagamat magiging magkaiba ang pulitikong susuportahan ng mga miyembro ng OPM, magkakaisa naman daw sila sa pagsulong ng malinis na eleksyon sa darating na Mayo.

Ayon kay Ogie, “Lahat kami, we’re working with an organization that is pushing for a clean election.

“Kami sa OPM, mayroon kaming movement for clean election, mayroon kaming ganun.”


NOT INTERESTED IN POLITICS. Aktibo man si Ogie sa pangangampanya para sa mga pinaniniwalaan niyang pulitiko, wala raw itong balak na sumabak sa pulitika.

“Hindi ko hilig, e. Hindi ako enjoy sa pulitika,” rason ng local music icon.

Pabiro pa niyang sinabi tungkol sa kanyang trabaho ngayon, “I really enjoy seeing my friends, pakanta-kanta lang kami, pasayaw-sayaw.

“That’s the best job in the world, di ba? Pakain-kain lang.”

Para sa kanya, ang trabaho niya bilang isang music artist, “I can’t replace it with anything.”

Kaya naman nasabi niya sa huli, “Sa politics, wala ako roon at hindi ko [lugar] ‘yon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN