Isko Moreno calls 10-hour detention "clear political harassment"

Sa pagkakakulong niya ng sampung oras nang dahil sa bingo, ang sabi ni Manila Vice Mayor Isko Moreno: “May idea ako kung sino pero sa akin na lang yun. Pero ang mamamayang Manileño, alam nila kung sino ang nag-order. Hindi nila puwedeng lokohin yun.”


Si Manila Vice Mayor Isko Moreno ang ginawaran ng miyembro ng Philipppine Movie Press Club (PMPC) ng “Darling of the Press” award sa 29th Star Awards for Movies na ginanap noong March 10, sa AFP Theater.

Hindi masidlan ang kanyang kaligayahan nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng awarding ceremony.

“Natutuwa ako na ang movie writers ay nararamdaman pa rin nila na kahit medyo malayo na ako… hindi naman malayung-malayo sa industriya na kung saan ako ay nagsimula.

“Nararamdaman pa rin nila yung pagtangkilik ko sa kanila and, honestly, na-appreciate ko yung ginawa nila sa akin.

“Yung recognition of my efforts to bond with movie writers from time to time.

“Alam ninyo naman na malaki ang utang na loob ko sa movie writers, ‘no.

“Kung wala sila, malamang Francisco Dumagoso [tunay niyang pangalan] pa rin ako ngayon.

“Kasi these are the same people who used to write things about me, about my movies, my telesines, at marami pa.

“So, nakakatuwa lang talaga.”

Mahigit dalawampung taon na sa showbiz si Isko, na nagsimula sa That’s Entertainment ni German Moreno.

Noon pa man ay kinagiliwan na siya ng press higit pa nang magsimula na siya sa larangan ng pulitika.

Aniya, “Alam mo ang buhay ng mga taga-That’s noon ay nasa movie writers.

“Alam mo naman na about 200 kami noon, boys and girls, so you have to have a name.

“Sila yung sulat nang sulat sa akin para makilala ako nang lubos ng publiko at fans. Marami akong kaibigan sa kanila.

“Kaya nang medyo gumaganda na ang buhay natin at nagsimula na rin akong sa pagiging pulitiko, hindi ko sila kinalimutan.

“Whatever help na maibibigay ko sa kanila, hindi ko ipinagdadamot.”

TEN-HOUR DETENTION. Sa puntong ito, inalam ng PEP kay Isko ang nangyari sa kanyang pagkakakulong noong nakaraang buwan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matatandaan na hinuli siya kasama ang limang konsehal dahil umano sa illegal gambling noong February 16.

“Pawis ang kili-kili ko!” natatawa niyang sabi.

“Ten hours in detention with Councilor Yul Servo. In fact, Councilor Robert Ortega, pumunta pa para dalawin kami.”

Ano sa palagay niya ang motibo ng pagkaka-aresto sa kanila?

“May paborito na akong number ngayon sa bingo— sa letrang N, trenta’y dos. BCJ— Batang City Jail.

“It’s a clear political harassment.”

Naapektuhan ba nito ang personal at pulitikal na aspeto ng kanyang buhay?

“Hindi naman,” ayon sa kanya. “Sa tingin ko e mas lalong tumatag ang loob ko.

“Nung kinuha kami, bumaha ng taong-bayan dun sa presinto.

“Nag-vigil ang taong-bayan. Siguro natakot sila na kapag iniwanan nila ako ay may mangyari sa akin.

“Alam mo naman sa Maynila, usung-uso yung nang-aagaw ng baril ang suspect.

“People were afraid and scared. So, natutuwa naman ako sa mga kababayan natin sa lungsod kaya maraming maraming salamat sa kanila.”

May suspetsa ba siya sa pangyayari? Marami ang nagsasabing baka nga raw pakana ito ng kaaway niya sa politika.

“Basta ang sabi nila sa itaas, e,” referring sa kampo daw ni Mayor Alfredo Lim, “Ang nakikita ko din lang naman sa taas ay langit at ulap, e.

“May idea ako kung sino pero sa akin na lang yun. Pero ang mamamayang Manileño, alam nila kung sino ang nag-order.

“Hindi nila puwedeng lokohin yun.”

May ginawa na raw siyang aksiyon para sa kanyang hustisya.

Sabi niya, “Yung mga pulis na involved, nag-file na kami ng case against them.

“We let the proper agencies and court ang magdesisyon kung ano ang resulta ng complaint namin.

Ano naman ang reaksiyon ng kanyang pamilya? Na-threaten ba ito o sanay na rin sila sa mga pangyayaring ganito?

Pag-amin niya, “Siyempre, apektado ang mga anak ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi noong isa kong anak, “Why is Papa on jail, only bad people go to jail?’

“Ako naman I have to explain it carefully especially to a seven-year-old boy who doesn’t understand things.”

Pero sa tingin ba niya, dagdag pogi points itong pagkakahuli sa kanya bago mag-eleksyon?

Muling tatakbo bilang vice mayor si Isko pero this time, sa tiket ni ex-President Joseph Estrada na tatakbo naman bilang mayor.

“Hindi ko iniisip, e,” tugon niya. “In the first place kasi, hindi magandang propaganda, e.

“Can you imagine, makulong ka lang para sumikat?

“Pero kung halimbawa naka-gain man yun ng sympathy, well, nagpapasalamat na rin ako. But then, hindi namin intention na mag-create ng untoward incident.

“Kasi, ginagalang naming ang batas. Kami ang taga-gawa tapos kami pa ang hindi tutupad?

“Kaya hangga’t maaari, iniiwasan namin ang mga ganyang di magandang bagay at publicities,” pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN