Manila mayoralty candidates Joseph Estrada and Alfredo Lim get personal in their face-off on Umagang Kay Ganda

Naging mainit ang paghaharap nina Mayor Alfredo Lim (kaliwa) at dating President Joseph Estrada (kanan) nang magharap sila sa "Unang Harapan" segment ni Anthony Taberna sa Umagang Kay Ganda kaninang umaga, March 12. Parehong tumatakbo bilang mayor ng Manila ang dalawang pulitiko.


Humantong sa personalan ang paghaharap ngayong umaga, March 12, nina Manila City Mayor Alfredo Lim at former President Joseph Estrada sa “Unang Harapan,” ang segment ni Anthony Taberna sa Umagang Kay Ganda ng ABS-CBN.

Ang "face-off" ng mga kandidato na magkakalaban ang concept ng “Umagang Harapan.”

Sina Mayor Lim at President Erap ang magkaribal sa mayoralty race sa Maynila kaya sila ang nagbalitaktakan sa segment ni Anthony.

Tungkol sa kanilang mga plataporma at mga problema ng City of Manila ang topic para kina Mayor Lim at Erap, pero humantong ito sa pagbibitaw ng mga maanghang na salita nang itanong ni Anthony ang tunay na dahilan ng pagkakasira ng kanilang pagkakaibigan.

Si Mayor Lim ang Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary ni Erap noong nakaluklok ito sa puwesto bilang Pangulo ng ating bansa noong 1998 hanggang 2001.

Narito ang naging palitan nila ng salita:

Erap: “Unang-una, naawa ako sa kanya. Lumaban siya sa akin sa pagka-Pangulo noong 1998. Talo siya, pang-apat yata siya.

“Ako, kahit nilabanan niya ako, pinatawad ko na siya kaya naawa ako sa kanya, in-appoint ko siya na DILG Secretary.

“Noong nagkakagulo sa Malacañang, nagpaalam siya sa akin. ‘Sir, lalabas lang ako at aayusin ko yung mga pulis. Baka makapasok dito.’

“Tapos ang ginawa niya, dire-diretso siya doon sa Edsa Dos. At ako’y iniwan ako. Iniwan ako.

“Nung nagpaalam siya sa akin, aayusin daw niya yung mga pulis. Baka makapasok daw yung mga rallyista sa Malacañang. Pinayagan ko siya.

“Imbes na ayusin ang mga pulis, dumiretso siya sa Edsa Dos at doon, nasalubong siya ni President Cory Aquino. ‘You’re too late,’ sinabi sa kanya kaya hindi siya pinaakyat sa entablado.

“Sa madaling-salita, nagpaalam siya sa akin, iniwan niya ako. E, pinatawad ko na nga siya roon.”

Lim: “E, hindi na naman totoo ‘yon.

“Nagpaalam ako sa kanya. Sabi ko, kakausapin ko yung mga pulis ko dahil sa nangyari nga… yung reklamo ni kuwan… ni Chavit Singson.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tinawag ko yung mga pulis ko, ‘O, ano ang gagawin natin? Dedepensahan ba natin si Presidente Erap?’

“E, pinagsamantalahan ang kuwarta ng gobyerno, e.

“Kung ikaw, kaibigan ko, Anthony, pare, magkaibigan tayo, nabalitaan ko rapist ka. Magkaibigan pa ba tayo? Lalayuan kita.

“Yun ang ginawa ko, lumayo ako sa kanya. Pinagsamantalahan niya ang kuwarta ng gobyerno, e!

“O yun ang reklamo ni Chavit Singson kaya nga siya na-convict, e.

“He’s the only president who was convicted for plunder.

“Plunder ’yan ha, hindi jaywalking! Ano ba ang ibig sabihin ng plunder? Ill-gotten wealth!

“Hanggang ngayon, pinababayaran sa kanya yung more than P500 million.

“Ang naibayad lang niya P290 million. Kulang pa ng P200 million. Bayaran niya!”

Erap: “Ang sabi niya, umiwan siya sa akin dahil sa ganoon.

“Bakit nung 2004, pumunta siya doon sa Tanay, binisita ako? Umiyak pa! Huwag kang magsinungaling!

“Umiiyak, maraming testigo roon. Umiiyak siya, patawarin daw siya sa mga pagkakamali niya.

“Tapos umiiyak… sobrang umiiyak. Basang-basa na yung panyo niya.

“Sabi ko, ‘Tapos na ‘yan, kalimutan na. Hindi na natin maibabalik ‘yan.’ Pagkatapos, umiiyak pa rin.

“Tapos, nakiusap, ‘Sir, puwede ba ako makasama sa lineup ni FPJ [Fernando Poe Jr.]?’

Lim: “Kasinungalingan na naman ’yan, e!

“Para ako umiyak, kapag naaalaala ko yung lola ko.

“Pero hindi ako iiyak sa isang kriminal, sa isang magnanakaw!

“Hinuhuli ko ‘yan, iniimbestigahan ko.

“Sinasabi niya na umiiyak, e, ganoon din ang paninira niya kay Chiz Escudero, umiyak daw, e.

“Kanina iniinterbyu si Chiz, kasinungalingan daw.

“Isa lang ang linya, e, umiiyak! Ba’t ako iiyak sa kanya? Mali yung sinasabi niya, e!

Erap: “Napakasinungaling mo!”

Lim: “Ikaw ang sinungaling!”

Erap: “Alam mo, bakit ka pupunta sa Tanay na sinasabi mo na plunderer ako?

“Bakit siya pupunta sa Tanay? Bakit? Bakit? Ano’ng dahilan?

“Para magmakaawa! Humingi ng tawad!

“Bakit niya ako pupuntahan sa Tanay, e, ang layo-layo nun?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“E, noong nandiyan ako sa Veterans Hospital, hindi niya ako mapuntahan? Bakit siya pumunta roon? Para humingi ng tawad!

“Maraming testigo diyan. Maraming testigo, nakunan pa siya na umiiyak!”

Lalong naging personal ang face to face nina Mayor Lim at President Erap nang mabanggit ang kanilang mga anak na nasangkot noon sa kontrobersiya.

Erap: “Ang masasabi ko na magandang halimbawa, pintura siya [Lim] nang pintura na galit siya sa drugs.

“Pero yung anak niya, nahuli sa drugs, e.

“Ano, nasaan ‘yon? Nakulong ba yung anak niya? Ano ang ginawa niya?

“Anak niya mismo, involved sa drugs! Ayan, arestado.

“Tapos yung pulis yata, napag-initan, nawala sa puwesto yung umaresto."

Anthony: “Sino pong anak niya?

Erap: “Ha? Itanong mo sa kanya, ano’ng pangalan?”

Lim: “Yung anak ko, totoo, naging addict ‘yan. Na-frame up ’yan pero naabsuwelto.

“E, bakit pinag-uusapan natin yung anak? E, yung anak niya [Erap], naaresto din.

“May binugbog pa na babae tungkol sa drugs. Nilakad niya yung asunto.

“Huwag yung anak. Tayo ang mag-usap. Tayo ang kandidato, e.

“Yung sa pulis, forty-five na ang pinatatanggal ko sa serbisyo. Isang major, dalawang kapitan, apat na tinyente...

“Hindi ako kumukunsinti sa kalokohan. Kahit kaibigan kita.”

Erap: “Ang natanggal, yung umaresto sa anak niya.

"Lahat ng mga pulis na umaresto sa anak niya, yun ang sinasabi niya. Yun ang ibig niyang sabihin.

“Pero ano’ng nangyari doon sa kaso ng anak niya? Drugs… ‘yan ang masamang bisyo sa lahat.

“Nagpipintura pa sa mga bahay-bahay… parang kuha nang kuha [ng litrato], publicity ha, pero yung totoo, yung anak niya ang involved sa drugs.”

Lim: “E, naabsuwelto nga yung anak ko… alam mo kung bakit? Yung apat na humuli, may record pala sa PDEA [Philippine Drug Enforcement Agency].

“Na ganoon ang ginagawa, nagpa-planting ng drugs, at hinihingan yung anak ko ng P500,000 at isang .45- caliber pistol.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“In short, naabsuwelto.

“Yung apat na nahuli, natanggal sa serbisyo dahil may reklamo, doon sa Laguna, hindi sa reklamo ng anak ko.

“Doon makikita kung anong klase… na-frame up yung anak ko.

“Naabsuwelto nga, e? Bakit kinakaladkad niya dito?

“Saka ilang taon na ‘yon, singkuwenta anyos!

“E, tayo bang mga magulang, nakikialam sa mga anak natin na ganoon ang edad?”

Alam ng lahat na residente ng San Juan City si Erap kaya inungkat ni Anthony ang disqualification case na isinampa laban sa kanya. Puwede ba raw na kumandidato sa Maynila si Erap?

Erap: “Bakit hindi? Ako’y isinilang sa Tondo. Ewan ko kung saan siya [Lim].

“Sa Manuguit Maternity Hospital at sa Tondo rin ako sumikat bilang artista kaya ’yan ang lungsod na aking sinilangan. Diyan ako sumikat.

“Ito ang pagkakataon ko, itong mga huling taon ng aking buhay, e, makaganti naman ako ng utang na loob sa mga kababayan ko, lalung-lalo na sa mga kababayan ko na kapus-palad na mahihirap.”

Lim: “Pareho naman tayo sa Tondo ipinanganak, e. Taga-Tondo tayo kaya mahal ko ang Tondo.

“Katunayan, alam mo, mga tao diyan, kapag ako nakikita, e, sinasalubong ako nang napakainit. Pati mga bata, takbuhan.

“O, wala ‘yan sa kaligtasan, e. Ang Maynila e isa sa pinakaligtas na siyudad kaya lang, mahilig manira, mahilig magsinungaling.

“Paano ngayon kung puro kasinungalingan ang ating sasagutin dito? Dapat katotohanan.”


Erap: “Sasagutin ko lang kaya dala ko itong mga papeles, dokumento ito. Hindi ka puwedeng magsinungaling dito.

“Eto, kamukha nito, sinabi ko ipinanganak ako sa Tondo. Manuguit Maternity Hospital. Sa Tondo ako ipinanganak.

“Anthony, ipalabas mo sa kanya [Lim] yung birth certificate niya kung talagang sa Tondo siya ipinanganak.

“Ipalabas n’yo yung birth certificate niya. Kung talagang sa Tondo siya ipinanganak.

“Ako, eto yung birth certificate ko.”

Lim: “Hahamunin ko si President Estrada, ha? Kung maipakita ko yung birth certificate ko na ipinanganak ako sa Tondo, aatras ka ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kapag hindi ko naipakita yung birth certificate ko na ipinanganak ako sa Tondo, ako naman ang aatras.

“O ayan...ayan… Kahit bukas, ibibigay ko ang birth certificate ko!

“O, pero kapag naipakita ko, umatras siya. Kapag hindi ko naipakita bukas, aatras ako.”

Erap: “Alam mo, huwag kang masyadong maghahamon.”

Lim: “Sinungaling ka, e!”

Erap: “Ano?”

Lim: “Hahamunin kita sa katotohanan! Ikaw ang nag-ungkat ng birth certificate, e. O, e, di doon tayo magtalo!

“Sabi mo, wala akong birth certificate. Hindi ako ipinanganak sa Tondo.”


Erap: “Ang sabi ko, ako, may dala ako. Ikaw, wala kang dala.”


Lim: “Meron, a… Gusto mo mamayang hapon, e, pero kumol ka.

“Kapag naipakita ko yung aking birth certificate, aatras ka ba? Kapag hindi naipakita, ako ang aatras.

“O, I give you my word. Lahat kayo, matutuwa na kayo, aatras na ako, e.

“Pero pag naipakita ko, umatras naman siya. Di ba, simple lang ‘yon?”


Erap: “Naiiyak na, e!”


Lim: “O, tingnan mo na. Kitang-kita mo, sinungaling, e. Umiiyak ba ako?

“Nagagalit ako dahil kasinungalingan ang sinasabi. Nakita mo na?

“Ngayon sa harap n’yo, nagsisinungaling. Umiiyak daw ako.

“Galit na galit ako sa kasinungalingan niya.”

Erap: “Ang sinasabi ko, heto ang katibayan na ako, e, isinilang sa Tondo at sabi ko, heto ang birth certificate ko. Ngayon, ilabas niya yung kanya. Hindi ko naman sinabi na hindi siya ipinanganak.

“Heto, mahilig mangduro ito, e. Lahat tinatakot, lahat hinahamon.

“Kamukha noong mga konsehal, wala naman ginagawa. Nagbi-bingo lang, ipinahuli niya.

“Tapos, hinamon naman yung vice mayor [Isko Moreno] na ipinakulong niya.

“Hinamon niya na hindi siya ang nag-order ng pag-aresto.

“E, kung napatunayan na in-order mo, magre-resign ka ba?”

Lim: “Oo! Sige! Call! Call! Call ako.

“Hindi ako ang nag-utos na arestuhin.

“Yun ang katotohanan. Sinasabi niya ako ang nag-utos. O, ayan na naman. Paano natin malalaman ito?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Erap: “Ang sinasabi ko, ikaw ang naghamon. Hinamon mo si Vice Mayor na patunayan na ikaw ang nag-utos, magre-resign ka. Kapag hindi napatunayan, siya ang mag-resign."

Lim: “Uulitin ko, kung mapatunayan na ako ang nag-utos na arestuhin yung mga konsehal na hinahamon na arestuhin sila ng mga pulis, sila ang mga konsehal, sila ang mga abugado.

“Kumol naman yung precinct commander, ginawa yung bingo sa harap nila, inaresto sila.

“Saan ako naroon? Hindi ko alam ‘yon, e. Nalaman ko, gabi na, e.

“Puro kasinungalingan ang sinasabi, e. Puro pangkat ng mga sinungaling ito, e!"

CLICK HERE for related video.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN