Alessandra de Rossi denies being bitter about losing Best Actress award to Marian Rivera

Malaki raw ang respeto ni Alessandra de Rossi sa mga nominado at nanalo ng mga awards. Sabi niya, “Dapat naman na i-congratulate natin ang nanalo. Lahat naman tayo, magaling man o hindi, pinaghihirapan at pinagpupuyatan natin ‘yan.”


Umani ng batikos si Alessandra de Rossi dahil sa kanyang interview tungkol sa mga nananalo ng awards.

Sinasabihan siyang “bitter” sa pagkapanalo ni Marian Rivera para sa Amaya bilang Outstanding Actress In A Drama Series sa nakaraang Golden Screen TV Awards.

Isa si Alessandra sa mga nominado sa kategoryang ito para naman sa pagganap niya sa Legacy.

(CLICK HERE to read related story.)

Dahil sa hindi inaasahan ni Alessandra na magkakaroon pala ng isyu ang kanyang mga pahayag, nagpaliwanag siya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang makausap namin siya last Sunday, March 10, sa Party Pilipinas.

Saad ni Alex, “Ang gusto ko lang talagang malinawan, nangyari yung interview bago ako pumasok sa Teatrino.

“Hindi pa naa-award ang best actress noong time na iyon.

“Dumating kasi ako, 8:30 [p.m.]. In-announce yung best atress mga 1:30 [a.m.] na.

“Tinanong ako kung nag-i-expect ba ako na mananalo.

"Sabi ko, ‘Hindi. Kasi ilang taon na akong hindi nananalo... lampas sampung taon na yata. So, sanay na ako,’ sabi kong ganoon.

“Tapos, hindi raw ba ako nasasaktan kung hindi ako nananalo.

“Sabi ko, ‘Hindi naman. Kasi yung trabaho mo naman ang magsasalita for you, hindi naman yung award mo, e.

“’Meron nga diyang nananalo na wala namang naniniwala na nanalo sila.’

“Iyon lang ang sinabi ko. Kasi totoo namang may ganoon.

“Saka ko lang naisip after the interview, ‘Oo nga pala, lalabas iyon after ng awards night!’

“Tapos, yun na… pagkaere nga noong interview sa akin, may mga reaksiyon nang bitter daw ako.

"Kailan naman ako naging bitter?”



RESPECTED. Nakausap na ba niya si Marian hinggil dito?

“Hindi pa nga, e,” sagot ni Alex.

Ano ba ang gusto niyang sabihin kay Marian kapag nagkita na sila?

“Feeling ko naman, hindi siya galit sa akin, e. Yung fans lang niya.

“At saka si Marian, mataas ang respeto ko sa kanya. I’m sure, may mutual respect naman kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ba’t ko naman siya gaganunin, e, wala naman siyang ginagawa sa akin?”

Dagdag pa niya, “Dapat naman na i-congratulate natin ang nanalo.

“Lahat naman tayo, magaling man o hindi, pinaghihirapan at pinagpupuyatan natin ‘yan.

“Kung kanino ibigay ‘yan, sila [award-giving bodies] na ang may sagot noon.”



RECOGNITION. May opinyon ang iba na wala naman daw duda kung kalibre ng isang pagiging mahusay na aktres nina Nora Aunor at Vilma Santos ang pag-uusapan.

Pero may mga new breed of actresses din daw nga na dapat ay ma-recognize din ang galing sa pag-arte.

“Of course!” pagsang-ayon ni Alex.

“Pero ang point lang nga diyan, kung sino talaga ang deserving, doon ibigay.

"Iyon lang naman ang akin, di ba?"

Deserving din naman na magka-award ang new breed of drama actresses, di ba?

“Good!” diin pa niya.

“Deserving din naman ako na manalo sa Azucena, di ba?”

Ang tinutukoy ni Alex ay ang critically-acclaimed 2000 movie niya na umikot din sa iba’t ibang international film festivals.

Patuloy niya, “Kanya-kanyang ano lang ‘yan.

“Ang sa akin lang, kung kanino ninyo ibigay, kahit sampu pa ang award mo, kung yung trabaho mo naman, hindi naman ganoon, hindi rin.”

For the record, nakailang acting awards na ba siya?

“Dalawa lang. For Azucena and Hubog—dalawang best supporting actress.

“Wala pa akong best actress. Pero best actress ang tingin nila sa akin, e!” sabay tawang biro pa ni Alessandra.

Marami ang nagsasabing magaling naman talaga siyang artista.

“Exactly my point, why I don’t need an award!” tawa niya.

“Charot [biro] lang iyon, ha? Charot… charot!

“Pero kapag nominated ako, hindi ako nag-i-expect na manalo.

“Mas umaasa ako na tuwing napapanood yung movie ko o yung TV show ko, e, nakikita nila yung pinaghihirapan ko.

“Sabi nga nila, since nag-start ako e iyon at iyon din lang daw ang acting ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Na mapa-indie film, mainstream movie, o mapa-TV, naitatawid ko raw nang same.

“Kasi, usually nagbabago yung acting ng TV at saka sa movie, e. Pero yung sa akin daw, hindi.

“So blessing iyon sa akin, actually.”



GETTING READY. Matatapos na ang GMA-7 primetime series na Pahiram Ng Sandali, kung saan kasama ni Alex sina Dingdong Dantes, Lorna Tolentino, Christopher de Leon, Neil Ryan Sese, at Max Collins.

Ano ang sunod niyang pagkakaabalahan?

“Wala pa. Pahinga muna.”

Ano ang plano niya habang wala pang bagong project? Magbabakasyon ba siya sa Italy kung saan nakabase ang pamilya niya?

“Hindi. Dito lang ako.

“Hindi naman ako maano, e… sa bahay lang talaga ako. Masaya na ako na nasa bahay lang.”

This time, bubuksan na kaya niya ang pinto ng bahay niya para sa mga gustong umakyat ng ligaw sa kanya?

“Parang gusto ko na ngang magbukas this year, e!” nangiting sabi ni Alex.

“Pero… hindi ko alam. Bahala na. Ayoko na ring mamili.”

Gumigimik ba siya with some friends kung minsan?

“Hindi. Sa bahay lang talaga ako.”

Mukha naman siyang happy kahit walang lovelife. Ano ba ang nakapagpapasaya sa kanya ngayon?

“Kuntento ako sa sarili ko. Masaya ako sa buhay ko.”

How’s her relationship naman sa kanyang pamilya kahit magkalayo sila?

“Super-close pa in kami. Oo,” patotoo niya.

“Uuwi yung mommy ko dito next month. So… may nanay ako ulit!

“Sana tumaba ako. I don’t know kung bakit payat. Hindi naman ako nagda-diet.

“Ganito na siguro ang katawan ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN