Hayden Kho on status of relationship with Vicki Belo: "We are going out na parang just like old times, pero wala pa kami sa puntong masasabing kami na ulit.”

Sa mga naging karanasan ni Hayden Kho, marami raw siyang natutunang leksiyon. Saad niya, “Every experience naman is a lesson in life, di ba? Yung sabi nga nila na you fall, it could be embarrassing. But what is important is you stand up again.”


Naging presenter si Hayden Kho sa 29thPMPC Star Awards for Movies noong Linggo, March 10, sa AFP Theater.

Ibang-iba ang aura niya ngayon na tila nalagpasan na niya ang mga personal na problema.

Kasabay nito ang paglutang ng mga bali-balitang nagkabalikan na raw sila ni Dra. Vicki Belo.

Sa hiwalay na panayam ay ay ipinapasa na ni Dra. Belo kay Hayden ang obligasyong magkumpirma sa tunay na status ng kanilang relasyon.

Kaya naman inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Hayden kung ano ang totoo tungkol dito.

“I can say na naayos na,” nakangiting bungad niya.

“But, gaya ng sabi niya, we’re really taking it slow.

“It would be unfair for her to really put a label nito.”

Ang importante raw ay masaya silang dalawa ngayon.

Sabi ni Hayde. “Yun ang importante. Natutuwa kami sa isa’t isa. And, it’s a process.

“We’re going out.

"We are going out na parang just like old times, pero wala pa kami sa puntong masasabing kami na ulit.”



DISCOVERY. In love pa rin ba siya sa dating girlfriend?

Sagot ni Hayden, “Yung mga ganyan, private na ‘yan—too personal.

“But I think marami kaming discoveries sa isa’t isa.

“For eight years kaming nagkasama... yeah, meron kaming kailangang malaman na we don’t know yet.

“Para sa akin, it’s very delightful kasi kahit matagal kaming nagkasama, parang natututo pa rin kami sa isa’t isa.”

Paano nga pala nagsmula ang pagka-rekindle ng old flame sa kanilang dalawa?

“Wala namang nagplano nito.

“Wala namang sinabi kami sa isa’t isa, ‘Oy, kita ulit tayo.’

“We’re just enjoying each other’s company lang muna. We’re taking it one day at a time.”

Kinumusta rin ng PEP kay Hayden ang pakikitungo sa kanya ngayon ng anak ni Vicki na si Cristalle Henares.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot niya, "Okey naman. Ganoon pa din naman kami. Wala naman akong naririnig sa kanya.”

A BETTER MAN? Sa mga nangyari sa kanya, masasabi ba niya naging better person na siya dahil dito?

“I think so," sagot ni Hayden.

"Every experience naman is a lesson in life, di ba?

“Yung sabi nga nila na you fall, it could be embarrassing. But what is important is you stand up again.

“Kung paano kayo tumayo is more important than anything else.

“May ilang bagay din kasi na dapat you keep it for yourself na lang.

“At saka, hindi na rin ako tulad ng dati na complain lang ako nang complain.

“Sa dami nga namang pinagdaanan ko, di ba?.”



NO COMMENT. Nandoon pa rin ba sa puso niya ang sakit o galit ng mga babaeng nasangkot sa iskandalo niya?

“Ayaw ko naman magsalita na tungkol diyan—I’m afraid na I would be misinterpreted.

“So, ‘wag na lang,” iwas ni Hayden.

Kapapanganak pa lang ng unang anak ni Katrina Halili sa boyfriend nitong si Kris Lawrence. Any message for her?

“No comment,” mabilis niyang sagot.

“Out na ako doon. That’s too personal,” dagdag pa niya.



LENTEN SEASON. Nagsisi na raw si Hayden sa mga nagawa niya in the past.

Isa mga consequences nito ay ang pagkaka-revoke ng license niya bilang isang licensed doctor.

Nami-miss na ba niya ang pagiging isang doktor?

Matipid niyang sagot, “Yeah, nami-miss ko na.

“Pero, ganoon talaga, I have to face the fact na right now, hindi na ako licensed.”

Kasama ba sa nalalapit na Holy Week ang pagtitika kung anuman na kasalanang nagawa niya?

“Ay, hindi ko sine-celebrate ang Holy Week.

“Well, sa bahay lang talaga ako.

“Yung mga ganyang panahon, e, dapat nagdarasal lang tayo.”

May particular na kasalanan ba siyang ipinagdarasal?

“Akin na lang yun!” natatawa niyang sagot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



SHOWBIZ. Bukod sa pagiging isang negosyante ng pabango ay sasabak na nang tuluyan sa showbiz si Hayden.

Balita niya, “May ginagawa akong movie ngayon.

“Actually last shooting day na namin after this Star Awards.

“Sa akin, basta natututo ako, okay sa akin.

“Acting man ‘yan, business o pagiging doctor, ang importante e natututo ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN