Alden Richards on new project with Louise delos Reyes: “Hindi na ito childish loveteam.”

“We’re pushing the limits of what we can do as an actor and as an actress. The writers made sure na there’ll be no trace of One True Love,” says Alden Richards about his new teleserye with screen partner Louise delos Reyes titled Mundo Mo’y Akin.


Tapos na raw sa pa-tweetums na role si Alden Richards kaya mas magiging seryoso na siya sa susunod niyang teleserye sa GMA-7, ang Mundo Mo’y Akin.

“Wala na po. Tapos na po ang stage na ‘yon,” nakangiting sabi ni Alden nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press conference ng Mundo Mo’y Akin kagabi, March 12, sa Annabel’s restaurant, Tomas Morato, Quezon City.

“Siguro po we’ll be pushing the limits talaga,” sabi pa niya tungkol sa magiging role nila ng kanyang ka-loveteam na si Louise delos Reyes sa soap opera.

“We’re pushing the limits of what we can do as an actor and as an actress.

“The writers made sure na there’ll be no trace of One True Love.

“It’s gonna be different Alden and Louise.”

Nabanggit din ng 21-year-old Kapuso actor, “It’s a bit different kasi mas established po ang loveteam dito and papasok po si Lauren [Young].

“So, malilito po ako on both parts kung sino po ang pipiliin ko sa story.

“Parang, at least, ito po ay more mature than One True Love.

“Hindi na ito childish loveteam. Siguro ito po ‘yong challenge ng soap.”

Ang One True Love ang kauna-unahang primetime series ng tambalang Alden-Louise.



BACK TO LOUISE. Sa ngayon, kakaunting eksena pa lang ang nakukunan na magkasama sina Alden at Louise. Pero sabi ni Alden, maayos naman ang pagbabalik-tambalan nila ni Louise.

Huling nagkasama sina Alden at Louise sa dating patok na teleserye ng GMA-7, ang One True Love (2012). Bago ito, naging magkatambal din ang dalawa sa mga teleseryeng Alakdana (2011) at My Beloved (2012).

Sa muling pagsasama nila, sabi ni Alden, “At least ngayon, parang hindi kami matagal magkita.

“Every time naman po we discover something different sa isa’t isa.

“Kasi minsan po, sa sobrang tagal, wala nang bago.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At least, dito naman po, hindi naman po napapagod si Louise, and ako naman po ay hindi rin napapagod, to reinvent [our] craft.”

Sa tingin ba ni Alden ay marami pa ring tatangkilik sa tamabalan nila ni Louise?

“I hope so. I can’t say, e. Hindi ko po masabi,” sagot ni Alden.

Gayunman, umaasa siya na, “Sana talaga maging hit din ang Mundo Mo’y Akin, the same thing as One True Love.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN