MTRCB conducts gender-sensitivity seminars at ABS-CBN, GMA-7, and TV5

Ito ang pahayag ni MTRCB Chairman Toto Villareal tungkol sa gender-sensitivity seminars na isasagawa nila sa tatlong pinakamalalaking networks sa bansa: “Sa pamamagitan ng mga seminar na ito, dito natin maririnig yung side ng nag-i-express at yung side na rin ng mga nag-i-express naman ng concern. So, lahat ay may freedom, e. Ganun ang batas natin. Ang batas ay yung pagbabalanse ng lahat ng may freedom.”


Sumalang na sa gender-sensitivity seminar ang GMA-7 noong Linggo, March 10, pagkatapos na pagkatapos ng live airing ng Party Pilipinas sa Studio 7 ng GMA Network.

Hindi lang mga staff ng Party Pilipinas ang dumalo kundi ilan din sa mainstays ng show; gaya nina Rocco Nacino, Diva Montelaba, at Steven Silva.

Naroon din ang consultant ng programa na si German Moreno.

Sina Maxene Magalona at KC Montero ang nagsilbing hosts bago sinimulan ang show.

Matatandaang nakatanggap ng reklamo ang tanggapan ng MTRCB dahil sa dance number nina Rocco at Lovi Poe sa opening number ng Party Pilipinas noong January 27 episode.

Ito ang dahilan kaya nagpatawag ng gender-sensitivity seminar ang MTRCB sa pamunuan, cast, at staff ng Party Pilipinas.

(CLICK HERE to read related story.)



GENDER-SENSITIVITY SEMINAR. Bago pa nag-umpisa ang seminar, nagpaunlak muna ng panayam si MTRCB Chairman Toto Villareal sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang TV crew.

Para saan ang seminar na ito?

Saad niya, “Ito’y bahagi ng kampanya ng MTRCB na itaguyod yung tinatawag nating ‘portrayal of women in media and film.’

“Nagkaroon po ng memoramdum of understanding dati—at effective pa ngayon—ang MTRCB at ang mga network, kasama ang GMA.

“At meron po tayong mga trainers dito doon sa larangan ng gender-sensitivity.

“Ang hangad nito ay yung portrayal ng women na dapat ay nirerespeto sila.

“Tinuturuan rin yung mga kababaihan kung ano yung tama rin na akma sa kanilang personalidad, na kung paano sila ipu-portray rin sa kanilang mga roles at sa mga live shows na rin.

“So, gender sensitivity ang aim nito.”

Ito ba ay hindi lang para sa mga kababaihan kundi para sa lahat ng kasarian?

“Yes, all genders. Nakaugat kasi ito sa respect for human person.

“At alam natin na meron tayong magna carta protecting women at meron rin tayong law na pinuprotektahan ang mga kabataan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Of course, lahat dito ay sakop dito.

“Ang pinakaimportante na kapag ang media… very powerful medium ‘yan, dapat lahat ay…

“Kumbaga, walang pagyurak sa pangalan ng bawat isa.”

Patuloy niyang paliwanag patungkol sa gagawing seminar sa GMA-7 at Party Pilipinas, “Eto po, isasagawa natin ay mas advance ito.

“Kasi nagkaroon na tayo ng gender-sensitivity conference na rin, preliminary with GMA.

“Ito ay bunga ng effort ng GMA sa pakikipagtulungan sa MTRCB at sa ating pamahalaan para sa pagtataguyod na rin ng…

“Kasama na rin dito yung matalinong panonood na aming itinatawid na dapat ay appropriate sa edad yung mga content na ipinapalabas natin, ayon rin sa ating timeslot.”



WOWOWILLIE. Ngayong araw, March 13, ang programa naman ni Willie Revillame sa TV5 na Wowowillie ang sumalang sa seminar bunga ng paraan ng pagsermon ni Willie sa co-host nito na si Ethel Booba sa harap ng kamera.

(CLICK HERE to read related story.)

Pahayag ni Atty, Villareal sa isyu ng Wowowilie: “Nagpatawag rin kami ng gender-sensitivity and decorum conference para doon sa nasabing programa.

“I’ll take this opportunity rin to inform yung ating mga taong-bayan na jurisdiction po ng MTRCB ay nakasentro ang programa. Doon mas interasado.

“Kaya this Wednesday ay magkakaroon ng gender-sensitivity and decorum conference kung saan ang ating mga executives at officers nung nasabing programa [Wowowillie]."



ASAP. Kamakailan ay nag-react din ang MTRCB sa shower scene ni Anne Curtis sa ASAP noong birthday celebration nito.

Naging issue ang sexy outfit ng actress-TV host na siyang dahilan ng reklamo ng ilang viewers na siya namang ipinaabot sa opisina ni Atty. Villareal.

(CLICK HERE to read related story.)

Sabi ni MTRCB Chairman tungkol ditto, “Slated ito sa March 15.

“Subalit inaayos pa natin ito dahil merong naging request rin na palawakin na yung training para sa ibang aspeto ng mga regulasyon at batas na ipinapairal ng MTRCB.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, malamang na magiging expanded training o seminar yung sa ABS [CBN]. At pati sa GMA, patuloy rin yung ating mga pakikipag-ugnayan.”

Paano kung hindi dumating yung mga celebrity na pinukulan ng gender-sensitivity issue, gaya ni Anne Curtis? May penalty ba ang MTRCB para sa kanila?

“Ganito ‘yan, e, ang aming kausap ay producers. Sila naman yung responsible for their talents.

“Yung bagay na tungkol sa mga artist, except GMA, ang KBP [Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas] ang bahala diyan.”

Ni-require din ba nila yung mga artist na sumama o dumalo sa seminar?

“’Yan ay inisyatibo ng mga producers. Depende doon sa… alam nila yung kanilang mga organisasyon at kung paano ika-cascade. Unti-unti ‘yan.

“Of course, matutuwa kami kung pati mga artist… dahil ultimately sila yung lumalabas sa telebisyon.”

Dagdag ni Atty. Villareal, “Gusto kong magpasalamat rin sa GMA dahil gumawa ng ganitong iniative na yung mga artist, crew ay participants dito.

“Nandito rin yung top brass, yung mga executive producers, at VP for Entertainment.

“Kasi yung level ng responsibility sa pagmu-monitor ng mga palabas, iba-iba ‘yan.

“Iba ang concern ng producer, iba ang concern ng mga writers, iba yung concern ng mga artista.

“At dapat ia-address natin yung buong paggalang doon sa kanilang mga papel sa pagpapahatid ng magandang palabas sa kanilang trabaho.”



THE INITIATIVE. Paano nangyari yung initiative? Sa kanila ba galing ang initiative o sa GMA-7 na kailangang magkaroon ng seminar?

“As far as GMA-7 is concerned, naging bunga ito nung pinag-usapan, inimbistigahan yung episode ng Party Pilipinas.

“Subalit, tama lang, nagkataon naman na ito rin talaga ang aming programa.

“Dahil kaakibat doon sa matalinong panonood, in-empower namin yung audience at gusto rin namin na i-empower rin naman ang networks tungkol sa awareness sa mga ratings, awareness sa patakaran, at doon sa maaaring ipalabas at sa maaaring hindi puwede dahil sa mga applicable loss.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ibig bang sabihin nito, bago pa man sumulpot ang isyu sa sexy dance number nina Lovi at Rocco sa isang episode ng Party Pilipinas ay meron na silang nakalatag na seminar-program?

“Oo. Sabihin na nating blessing in disguise dahil in-announce na rin namin doon sa iba’t ibang network rep na, ‘Alam n’yo po sa MTRCB ngayon, mas aktibo po yung mga network rep…’

“May maliit silang parang informal organization at sila… isa sila sa nagpanukala na patuloy yung ganitong klaseng programa.

“Would you believe na yung inyong mga network rep, sila pa ang nag-isip sa ganitong programa?

“At kami naman, naisip na rin namin ito, itinataguyod namin.

“Kasi yung programa, part na rin ng programa namin.”

Kasama rin ba sa gender-sensitivity seminar ang tungkol sa pagsusuot ng revealing dresses, gaya ng mga damit na litaw ang cleavage o sobrang ikli ng mga shorts?

Sagot ni Atty. Villareal, “Kasama yung decorum na maselan na aspeto ‘yan sa entertainment. We take into consideration.

“First, kasama ‘yan sa punto de vista nung nagsusuot, di ba?

“Merong kultura diyan at merong tamang manners, kumbaga. Tapos yung mga nakakapanood.

“Kasi yung mga nagdadamit, expression ng sarili niya ‘yan, e.

“Subalit may nakakapanood naman. So, kailangang pakinggan lahat.

“Ang tawag dito sa ating exercise ngayong hapon na ito ay developmental ito.”

Hindi pa nasasakal yung creative freedom ng programa sa gender-sensitivity program ng MTRCB?

Sagot ni Atty. Villareal, “Kung kaya nga binabalanse natin lahat ‘yan, e.

“Sa pamamagitan ng mga seminar na ito, dito natin maririnig yung side ng nag-i-express at yung side na rin ng mga nag-i-express naman ng concern.

“So, lahat ay may freedom, e. Ganun ang batas natin.

“Ang batas ay yung pagbabalanse ng lahat ng may freedom.”

Bago natapos ang interview, nagbigay pa ng kanyang mensahe si Atty. Villareal:

“Dahil ditto, sinabihan na namin ang mga network na bawat network o entertainment outfit ay magkakaroon ng gender-sensitivity point person na ia-appoint.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Para in the future, ito na ang magiging kausap namin, minimize yung bulabog but, at the same time, nagiging responsable, patuloy.

“So, lahat ng network ay magkakaroon. So, yun ang isang magiging resolution po dito.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN