Carlo Aquino inspired by his latest acting award; happy for ex-girlfriend Angelica Panganiban

Si Carlo Aquino ang itinanghal na Movie Supporting Actor of the Year sa 29th Star Awards for Movies. Sabi ni Carlo tungkol sa kanyang award, “Ilang beses din akong naging nominee… actually mas marami pa akong naging nominations. Pero happy ako, nadale ko din. On my part, big deal sa akin ito kasi pinagtrabahuhan ko talaga yung role ko dun sa Mater… Pero di ko naman inisip na para sa acting awards yun. Ginawa ko lang yung trabaho ko. M


Perfect timing para sa young actor na si Carlo Aquino ang pagkakapanalo niya ng Movie Supporting Actor of the Year sa 29th PMPC Star Awards for Movies na ginanap sa AFP Theater noong March 10.

Role ng isang drug dependent na anak ni Gina Alajar sa pelikulang Mater Dolorosa ang nagbigay sa kanya ng pangalawang award sa nasabing award-giving body.

Ang una ay para sa pelikulang Bata, Bata Paano Ka Ginawa? bilang Best Child Performer of the Year noong 1999 pa.

Hindi maitago ang sobrang katuwaan ni Carlo nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos tanggapin ang kanyang acting trophy.

“Lalo talaga akong na-inspire!” bulalas niya.

“Ilang beses din akong naging nominee… actually mas marami pa akong naging nominations.

“Pero happy ako, nadale ko din.

“On my part, big deal sa akin ito kasi pinagtrabahuhan ko talaga yung role ko dun sa Mater

"Pero di ko naman inisip na para sa acting awards yun. Ginawa ko lang yung trabaho ko.

“Masaya ako na-recognize ako.

“Actually, wala sana akong plano na pumunta. Pero in-encourage ako ako ng mga kaibigan ko sa press. So, yun, dito ako.

“Kinabahan din siyempre ako. Lahat naman yata kaming nominees, kinabahan.

“Kanya-kanya na lang siguro kami ng ways kung paano tanggalin yun,” nangingiting sabi pa niya.



BACK WITH ABS-CBN. Sa panahong hindi siya naging aktibo sa pag-arte, pagbabanda naman ang inatupag niya. Miyembro siya ng bandang Kollide.

Later on ay kinuha siya ng GMA Network para gumawa ng ilang teleserye dito. Ilan sa mga ito ay Makita Ka Lang Muli (2006), Sinasamba Kita (2006), Maging Akin Ka Lamang (2008), Dapat Ka Bang Mahalin? (2009), Tinik Sa Dibdib (2009), at Diva (2010).

Sa ngayon, balik-home studio si Carlo.

Saad niya, “Yeah, I’m back sa ABS-CBN.

“I’m doing Dugong Buhay right now. Kasama ko dito sina Ejay Falcon, Valerie Concepcion… at alam ko na ilalabas ito sa April.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Masaya ako na nakabalik where I started, pero I’m grateful sa GMA.

“Those times na feeling ko, e, di na ako makakabalik sa TV, sila naman yung nagbalik ng opportunities sa akin.

“Yung sa banda naman, it’s still there. Kung kinakailangan, tutugtog pa din kami.”

Ang huling teleserye na ginawa ni Carlo ay ang Utol Kong Hoodlum sa TV5 noong 2011.

Bakit ang tagal niyang nawala sa pag-arte?

“I don’t know nga, e... Tsaka, choice ko na rin siguro na magpahinga muna. Para makahinga-hinga ng konti.

“Ngayon, heto na uli ako. Bumabalik sa pag-arte.

“Nagpapasalamat ako na nabigyan uli ako ng pagkakataon.”



LOST OPPORTUNITIES. Hindi ba siya nanghinayang sa mga nawalang opportunities kung sakaling nagtuluy-tuloy siya bilang isang drama actor?

“Hindi naman,” sagot niya na medyo nag-isip pa.

“Sa ngayon, ginagawa ko naman lahat. Kung ano ang trabahong ibinibigay nila sa akin, okey ako.

“Kung anuman yung talent na meron ako, ibinibigay ko sa lahat ng mga tagapanood.

“For them na ma-appreciate yun, malaking bonus yun para sa akin.”

Ilang actors ang nagsisipagbalikan ngayon sa show business, tulad ni Hero Angeles na kasama sa pelikulang The Fighting Chefs nina Ronnie Ricketts at Chef Boy Logro.

“Well, that’s a good sign,” reaksiyon ni Carlo.

“I think, di naman talaga sila yung totally nawala.

“Sa tingin ko kasi, depende din ’yan sa opportunities, e.

“Yung iba kasi nawawala dahil wala naman sigurong magandang offers sa kanila, di ba?

“Yung iba, personal choice. Baka kasi may iba silang gustong i-explore tapos pag nakuha na yun, babalik uli.”



CARLO’S GIRLFRIEND. Aminado naman si Carlo na meron siyang girlfriend ngayon.

“Love, love,” nangingiting sabi niya.

“Lagi namang may love sa buhay ko.

“Right now, meron akong girlfriend. Non-showbiz siya.”

Mabuti naman at naiintindihan ng girlfriend niya ang kanyang trabaho sa showbiz?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Carlo, “Understanding naman siya.

“Before ko naman siya niligawan, alam niyang isa akong artista.

“Nasa pagpapaliwanag mo din kasi ‘yan, e.

“Siya din naman, bago niya ako sinagot, sabi niya sa akin, mas maganda nga raw na balikan ko ang pag-arte.

“May mga napanood siyang movies ko, natatawa siya.

“Pero, I think, okey sa kanya yung trabaho ko.

“Minsan, may konting discussions, pero normal naman yun sa relationship, di ba?”



ANGELICA PANGANIBAN. Hindi naman maiwasang hindi pag-usapan ang ex-girlfriend ni Carlo na si Angelica Panganiban.

“Im happy for her,” bulalas niya.

“Alam ko naman kung ano ang gusto niyang mangyari sa career niya.

“And I know, right now, kuntento siya.

“Lalo nga siyang gumagaling at gumaganda.”

Hindi siya naiinggit kay John Lloyd Cruz na boyfriend ni Angelica?

“Masaya ako for both of them,” nangingiti sabi ni Carlo.

“Nakikita naman natin she’s happy. Hayaan na lang natin silang dalawa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN