Migz Zubiri says resigning as senator in 2011 was "the proudest moment of his life"

Si Migz Zubiri (kaliwa) kasama ang presidente ng Nagkakaisang Manggagawa ng Pelikulang Pilipino na si Direk Joel Lamangan.


Pinasalamatan ng Nagkakaisang Manggagawa ng Pelikulang Pilipino (NMPP) ang si Migz Zubiri dahil sa suporta nito sa organisasyon.

Pinangunahan ng presidente ng NMPP na si Direk Joel Lamangan ang pagpapakilala sa mga estudyanteng nakapagtapos sa tulong ng scholarship grant mula kay Migz.

Ang labinlimang scholars ay anak ng mga nangangailangang miyembro ng NMPP na nagtatrabaho sa industriya ng pelikula.

ANOTHER FILM FEST? Samantala, noong nagbitiw sa pagka-senador si Migz noong 2011, isa sa mga naudlot na plano nito at ng NMPP ay ang pagsasagawa ng isa pang film festival na dapat sana’y magaganap sa kalagitnaan ng taon.

Ang sabi ni Migz, “Kung makakabalik ako, we’re going to make that our next project, that we’ll come up with a mid-year film festival na hindi lamang end of the year, which is Christmas, New Year, gagawa po tayo ng June, pag pasukan, nang sa ganun ay buhay po ang industriya.

“Every six months nagtatrabaho po ang industriya. Kasi kung maghihintay po kayo ng isang taon, napakatagal naman.

“Marami po sa kanilang miyembro, hindi nakakatrabaho dahil seasonal nga yung pelikula, e.

"So if we have two film festivals a year, busy po lahat, buhay na buhay po ang industriya. Mabubuhay talaga ang industriya.

HOSTING CAREER. Noong 2005 ay naging host si Migz ng weekly show na Team Explorer sa Studio 23 kasama si JC Castro.

May balak ba siyang buhayin ang kanyang hosting career matapos ang panahon ng kampanya?

Walang pag-aalinlangang sagot ni Migz, “Why not? Why not? Gusto ko environmental show, environmental and eco-tourism show, katulad ng ginawa ko dati sa Team Explorer.”

Nakikita ba niya ang kanyang sarili sa showbiz?

Wika ni Migz, “Siguro sa hosting, hanggang hosting lang siguro. Mahilig din tayong mag-host noon at magpakita ng iba’t-ibang istorya na galing sa iba’t-ibang parteng Pilipinas.

“Lalong-lalu na sa pag-educate ng ating mga kababayan sa environmental protection. Siguro hanggang doon lang, more documentaries.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I want to produce a film. Gusto kong mag-produce ng film kung saan iha-highlight po namin ang minartir, namatay na environmentalist, si Father Neri Satur.

“Siya po yung nabaril na pari sa Bukidnon in the 1980s kung saan nag-mitsa ang environmental awareness ng ating mga kababayan doon, kaya ngayon walang mining sa Bukidnon at walang logging.

“Bawal po mining at logging. That was during the time of Cardinal Rosales, when he was still our bishop, Bishop Rosales.

“And there is now an award for him in DENR sa mga yumaong... namamatay na mga environmental officers: it’s the Father Neri Satur Award for Public Service.”

Mariing isinusulong ni Migz ang pangangalaga sa kalikasan kaya binuo niya ang Pilipinas Ecowarriors.

Kumusta na ang nasabing organisasyon?

Ayon kay Migz, “Yeah, actually, tuluy-tuloy po yung pagtakbo ng grupo, ng movement.

“Pero siyempre medyo nag-detach lang muna ako dahil nasa pulitika po tayo at nagkampanya.

“Pero tuluy-tuloy pa rin sila, sila ni Doc Nielsen Donato, sila ni Chris Tiu, sila ni Rico Blanco at yung mga kasamahan namin, sila po ang nagpapatakbo ng aming grupo na yun.

“Online naman siya, e. Online-based, so it’s okay.”

RESIGNATION. Matapos ngang maiproklama bilang ika-labindalawang senador noong 2007 elections, nagpasiyang magbitiw si Migz sa posisyon noong August 2011.

Ito ay bunsod ng protestang inihain ng kandidatong si Koko Pimentel na inakusahan si Migz ng pandaraya sa eleksyon.

Si Migz ang naging kauna-unahang senador sa kasaysayan ng Pilipinas na nag-resign mula sa kaniyang posisyon.

Wika niya, “Well, alam mo, parang sa akin, tapos na yung chapter ng history, ng kasaysayan ko, yun....

“Uhm, nanalo nga ako nung 2007 pero yun nga, may mga lumabas na witness na sinabing isang lalawigan dinaya po nila ang resulta na wala naman po tayong kinalaman, hindi naman natin sila kinausap.

“At kung meron mang ebidensya, matagal na rin akong nakulong. Kaya wala talaga kaming kinalaman dun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero dahil sa paglabas nila, hindi na ko nagtagal sa pwesto. Hindi katanggap-tanggap yung ganung klaseng panalo because I really feel that the public office is a public trust.

“Pag meron pong bahid-dungis ang pagkaupo mo diyan sa puwesto, mabuting ibalik mo na lang sa taumbayan out of delicadeza.

“Kaya ’yan ang ginawa ko. Mahirap na desisyon pagka-pulitiko, para sa isang pulitiko ang mag-resign.

“Pero alam niyo, that was the proudest moment of my life.

“And yun sana gusto kong gawin…kung gagawa ako ng pelikula, that would be the highlight of my film, yung aking resignation sa puwesto: for family, for dignity and for honor.”

Hindi ba siya nababahala na maulit ang pangyayaring ito ngayong 2013 elections?

Sagot ni Migz, “Hindi naman kasi automated na tayo. Thank God, wala na sa mano-manong halalan.”

Ano naman ang natutunan niya mula sa nasabing pangyayari?

Wika niya, “Work harder para hindi ka maging number 12. Mahirap yung number 12, talagang pag-iinitan ka.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN