Lorna Tolentino: “Naubos ang stem cell ko dahil sa Pahiram Ng Sandali!”

Pagkatapos ng kanyang role sa Pahiram Ng Sandali, ano ang gustong gampanang role ni Lorna Tolentino sa susunod niyang teleserye sa GMA-7? Sagot ng aktres, “Kung sana merong iba naman na ano… siyempre kapag mabait na mabait ka, gusto mo naman mas salbahe ka sa susunod, di ba? Para naman medyo may variety, na medyo kakaiba dun sa natapos ko. Sana mabigyan ako ng medyo offbeat naman.”


Magtatapos na ang primetime series ng GMA-7 na Pahiram Ng Sandali sa Biyernes, March 15.

Pangunahing tampok dito sina Lorna Tolentino, Dingdong Dantes, Max Collins, Alessandra de Rossi, Neil Ryan Sese, at Christopher de Leon.

“Isa ito sa hindi ko malilimutan na teleserye,” sabi ni Lorna nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Party Pilipinas last Sunday, March 10.

“Napakaganda ng istorya.

"Sa story, yung ending, hindi ko talaga iniisip na ganun ang mangyayari. Ang ganda ng pagkakasulat ng mga writers.

“At siyempre, maganda rin yung pagkakadirek ni Direk Maryo J. de los Reyes.

“At sa cast, wala talagang hindi nagbigay ng kanilang one hundred percent.”



WISH FOR NEXT PROJECT. Pagkatapos ng Pahiram Ng Sandali, ano ang sunod na klase ng project na gusto niyang gawin sa GMA-7 pa rin?

“Kung sana merong iba naman na ano… siyempre kapag mabait na mabait ka, gusto mo naman mas salbahe ka sa susunod, di ba?

“Para naman medyo may variety, na medyo kakaiba dun sa natapos ko.

“Sana mabigyan ako ng medyo offbeat naman.”

Okey lang sa kanya na kontrabida naman ang kanyang role sa next project para sa kanya?

“Sana. Or kung hindi naman… kung gusto nila na mabait ulit, okey lang.

“Yung araw-araw na umiiyak, sanay na ako!” sabay tawa niya.

Sino pa sa mga Kapuso stars ang gusto niyanga makatrabaho?

“Ang dami, e. Gusto kong makasama si Maxene [Magalona]… gusto ko ring makasama si Senator Bong [Revilla].

“Lahat ng mga hindi ko pa nakasama sa teleserye, sana makatrabaho ko.”

Si Maxene ang girlfriend ng bunsong anak ni Lorna na si Renz Fernandez.

Si Renz ay Kapamilya actor na, habang ang panganay naman niyang si Ralph Fernandez ay na Kapuso network.

“Yes. Si Rafael ay kasama sa cast ng Bukod Kang Pinagpala,” pagtukoy nita sa panghapong serye ng GMA-7.

“Kasama niya ang Kuya Mark [Anthony Fernandez] niya doon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And yun din, gusto kong makasama si Mark. Alam kong mahusay siya.

“At saka si Gabby Eigenmann… ang daming magagaling dito sa Channel 7 na sana makasama ko.”



MAXENE AND RENZ. Sa simula pa lang na maugnay si Renz kay Maxene ay very vocal na si Lorna na gusto niya si Maxene para sa anak. Parang kapamilya na nga raw ang turing niya sa young actress.

Sabi ni Lorna, “Oo naman, part na siya ng family.

“Kung anuman, sana… yung maging maganda yung ano nila.”

Totoo bang mas nahilig sa exercise at naging sporty si Renz mula nang maugnay kay Maxene?

“Si Renz, ano ‘yon, e, talagang mahilig mag-ensayo.

“Siya ang nakapag-convince kay Maxene na parati silang magkasama sa badminton, ganyan. O kaya running.

“Si Renz ang nang-engganyo kay Maxene na maging exercise buddy niya.”

Natural sa mga nagkakaroon ng special friendship o relationship ang nagkakatampuhan. Sa kaso nina Renz at Maxene kaya?

“Ay, siyempre naman! Natural lang ‘yon. Mga bata pa sila, e.

“At saka getting to know… hindi ba? Natural lang ‘yon,” sabi ni Lorna.

Gina-guide naman niya ang mga ito o binibigyan ng advice kapag nagkakaroon ng tampuhan ang mga ito? Ina-approach ba siya ni Renz o ni Maxene sa mga ganung sitwasyon?

“Tahimik lang sila, e, pero malalaman mo.

“At ang sinasabi ko lang, ‘Ooops, LQ [lovers’ quarrel]? LQ ba? LQ?’” sabay tawa ni Lorna.

Habang naghihintay ng panibagong project, nagpaplano raw si Lorna na magbakasyon.

“Yes, break muna bago ang isa project ulit.

“Naubos ang stem cell ko dahil sa Pahiram Ng Sandali!” tawa ulit ni Lorna.



STEM CELL. So magpapa-stem cell ulit siya?

“Oo, sa Belo po. Kami ni Inay Lolit [Solis, her manager],” pagkumpirma ni Lorna.

Yung vacation na pinaplano niya, saang destinasyon?

“Kami ni Inay Lolit, punta kami ng Hong Kong.

“Tapos iniisip ko rin, Boracay, tapos Bangkok [Thailand]. At saka Paris [France].”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Itong darating na Holy Week, saan naman siya pupunta?

“Sa farm namin sa Cavite. Yung apo ko kasi, haping-happy ‘yon sa farm, e.

“So the entire Holy Week, nando’n kami,” sabi ni Lorna.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN