Neil Coleta on beating Daniel Padilla for New Movie Actor: "Yun nga, e, may nangunguwestiyon yata..."

Napagwagian ni Neil Coleta ang New Movie Actor of the Year sa 29th Star Awards for Movies para sa kanyang pagganap bilang closet gay sa I Do Bidoo Bidoo. Sabi ni Neil, “Ako naman, kapag nagtatrabaho, lagi kong ibinibigay ang best ko—kahit gaano pa kaliit yung role. Kasi nandito na ako, e. Sayang kung hindi ko pagbubutihin.”


Si Neil Coleta ang nanalong New Movie Actor of the Year sa 29th PMPC Star Awards For Movies.

Ito’y para sa mahusay niyang pagganap sa I Doo Bidoo Bidoo, kung saan nominated din siya for Movie Supporting Actor of the Year na napagwagian naman ni Carlo Aquino para sa indie film na Mater Dolorosa.

“Sobrang nakaka-proud ng feeling. Lalo kang gaganahang magtrabaho,” masayang pahayag ni Neil nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa AFP Theater pagkatapos ng awards night noong Linggo, March 10.

Patuloy niya, “Mas nai-inspire ako ngayon. Mas gusto kong ibigay pa ang best ko hindi lang dahil nakuha ko ang award na ito.

“Sa akin, gagamitin ko ang award na ito bilang inspirasyon.

“Kahit hindi na ako nanalo sa best supporting category, happy na ako talaga.

“Mabibigat din kasi ang mga kalaban ko sa best supporting actor.

“Nakakatuwa na yung double nomination na nakuha ko. At least, napatunayan ko na kaya ko rin.

“Eto nga, nakuha ko yung isa [Best New Movie Actor]. At nagpapasalamat ako sa PMPC [Philippine Movie Press Club].

“Ako naman, kapag nagtatrabaho, lagi kong ibinibigay ang best ko—kahit gaano pa kaliit yung role.

“Kasi nandito na ako, e. Sayang kung hindi ko pagbubutihin.”

Hindi ba siya magtataas ng talent fee dahil awardee na siya?

“Hindi. Kung anuman yung ano ko, eto muna,” nakangiting sagot ni Neil.



BEATING DANIEL PADILLA. Tinalo ni Neil sa kategoryang New Movie Actor of the Year si Daniel Padilla. Ano ang pakiramdam?

“Yun nga, e, may nangunguwestiyon yata.

“Actually, ayoko na lang magsalita dahil siyempre, mahirap na.

“Kapag nagsalita ako, baka mamaya may masabi akong hindi maganda.

“And… best friend ko si Daniel, e.

“Nagkita nga kami sa ASAP before ng awards night. Sabi niya sa akin, ‘Tol, ikaw na mananalo.’

“Sabi ko naman, ‘Hindi, ano ka ba? Kung sino man sa atin, magkaibigan pa rin tayo.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sobrang naging friends kami sa Growing Up, e. Kahit ano pa ang mangyari, magkaibigan kami.

“Hindi ko nga ini-expect na matatalo ko si Daniel. Kasi alam mo naman, sa fans, sa popularity, sa lahat… Daniel is Daniel.

“Napakalakas ng karisma niya sa tao.”

Daniel is a star, Neil is an actor—iyon siguro ang kanilang kaibahan.

“Ay, ayoko nang magsalita din!” napahalakhak na reaksiyon ni Neil.

“Mahirap na. Basta magkaibigan kami ni Daniel, sobra!”



LOVELESS. Kumusta naman ang lovelife niya ngayon?

“Loveless!” sabay tawa niya.

Walang pumapasyal o nagpupunta sa condo unit niya?

“Ay, wala. Wala.”

Bakit wala siyang lovelife ngayon?

“E, masaya muna ako na naka-focus sa trabaho.

“Lalo ngayon sa Juan dela Cruz, wala na akong time kasi every day, e.

“Best friend ako ni Coco sa story at maganda yung role ko.

“Kaya super thankful ako kay Sir Deo [Endrinal] at saka sa ABS dahil hindi sila nagsasawa na bigyan ako ng trabaho.”

Dahil tumatagal na wala siyang girlfriend o nililigawan man lang, baka pagdudahan na ang kanyang gender at intrigahin siyang bading?

“Ay, hindi!” sabay tawa niya.

“Kumbaga, ako naman, hindi naman porke ano, e, kailangang may lovelife. Hindi naman gano’n.

“Mas maganda yung kung ano ang tinutuunan mo. Like ako, pamilya ko, trabaho.

“Kung anuman ang meron ako ngayon, iyon muna ang dapat kong pagtuunan. Mahirap kasi, e.”

Hanggang kailan na titiisin niyang loveless siya alang-alang sa kanyang career at pamilya?

“Hindi naman bibilang ng taon, months lang siguro,” sagot ni Neil.

O talagang hindi pa lang niya nakikita ang babaeng magpapatibok ulit ng puso niya?

“May mga nakaka-text naman ako, eron akong mga nakakausap. Pero… hanggang do’n lang muna.”



FROM COMEDY TO DRAMA. May pagka-comedy ang role niya sa Juan dela Cruz at marami ang nagsasabi na effective naman siya pagdating sa pagpapatawa. Pero kailan siya magda-drama ulit?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi sa akin ni Kuya Coco, huwag muna. Kumbaga, mag-concentrate muna daw kami dito sa Juan dela Cruz.

“Sa drama, nandiyan lang naman ‘yan. Kung mabigyan ako ng magandang poject, e, di sige… go!

“Pero mas itinutuon ko muna ang sarili ko dito sa Juan dela Cruz na ginagawa ko ngayon.

“Kasi eto ako, e. Eto ang sarili ko na komeding-comedy. Eto talaga ako.”

Mas madali para sa kanya ang mag-comedy kesa mag-drama?

“For me, napakahirap mag-comedy. Kasi hindi mo alam kung ano ang magiging tingin ng tao sa ‘yo.

“Kung korni o baduy. O hindi nakakatawa… OA, ganyan.

“Ang drama kasi, kaya mong i-motivate ang sarili mo.

“So, for me, hindi man ako kagalingang umiyak o magdrama, kumbaga kung aanunihin mo is… kaya naman natin.

“Kahit sino kayang magdrama. Pero yung magpatawa ka, na minsan hindi naman nakakatawa, e, medyo mahihirapan ka talagang magpatawa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN