Mayor Herbert Bautista on daughter’s interest in showbiz: “Gusto ko pag pumasok siya, parang Jodie Foster, yung ganun."

Bilang film producer, naniniwala si Herbert Bautista na papatok sa takilya ngayong taon ang mga pelikulang may temang comedy at action. Sabi niya, “In fact, for the year, mauuso ang comedy, tapos babalik ang action. I have a strong feeling na 2013, babalik ang action. In fact, I’m planning to do one even without me as an actor, kung hindi man ako ang artista, I will produce it.”


Inamin ni Quezon City Mayor Herbert Bautista na lahat ng kanyang apat na mga anak ay nagpapakita ng interes at hilig sa pag-aartista.

Hindi naman ito nakapagtataka dahil pawang mga artista rin ang pamilya ng kanilang ama—mula kay Herbert hanggang sa mga kapatid nitong sina Harlene at Hero.

Sabi ni Herbert, “Lahat ng mga anak ko, e [gustong mag-showbiz]. Apat ang anak ko, e—isang babae at tatlong lalaki.

“Yung panganay, musical—yung ate, nag-iisa [babae].

“Ayoko nung teeny-teeny, e, yung teenybopper.

“Gusto ko pag pumasok siya, parang Jodie Foster, yung ganun.

“Pag pumasok siya, yung artista, talagang artista, hindi yung pa-cute lang."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Herbert sa shooting ng pinagbibidahan niyang pelikula, ang Raketeros, sa ilalim ng produksiyon ng Heaven’s Best ng kanyang kapatid na si Harlene Bautista-Sarmenta.

Big scene ang kinunan sa shooting nila kahapon, Marso 12, sa Leviste Farm sa Lipa, Batangas.

DREAM FOR HIS DAUGHTER. Sixteen years old na si Athena, ang nag-iisang babae anak ni Herbert kay Tates Gana. Ito raw talaga ang gustong mag-artista.

“Right now nga, nagwo-workshop siya sa ABS-CBN.”

Dahil nagpo-produce naman si Harlene, ayaw ba nilang isama si Athena sa ginagawa nilang pelikula?

Sabi ng actor-politician, “Pinapahanapan ko nga ng role kay Harlene.

“Gusto ko nga sa next project namin, e, yung Burgos, baka may role.

“E, kasi yung anak ko, matangkad, e, malaking babae.

“Sinabihan ko nga siya magpapayat siyang konti. Biniro ko nga baka maging kontrabida siya at hindi bida!”

Pati ba ang pagla-loveteam ay ayaw niya para sa anak?

“Eventually she will have to get there. Pero gusto ko pag pumasok siya, yung may impact agad.

“Kaya ayoko nung pa-tweetums. Kasi hindi naman yun ang gusto kong maging mold niya.

“So, ang training ko sa kanya ngayon, marunong siya ng instrument, gitara, piano, at saka nag-voice lesson.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko sa kanya, sa mga komedyante [noon], tingnan mo si Ogie [Alcasid] naiwan, kasi singer din siya.

“Kunwari walang pelikula ngayon, so magko-concert ako.

“As solo artist, puwede akong pumunta sa abroad, kikita rin ako doon.

“So, pag okay na rito, babalik na ulit ako rito.

“So, gusto ko may musicality din siya.”

Posible kayang maging stage father siya?

“Puwede, hindi maiwasan, e,” biro ni Herbert.



REVIVING HIS ACTING CAREER. Bukod sa pagiging tatay sa kanyang mga anak at pagiging ama ng lungsod ng Quezon, isa ring aktor si Herbert.

Matagal din siyang namahinga sa pag-arte para pagtuunan ang career niya sa politics, na nagsimula sa pagiging presidente niya ng Kabataang Barangay National Federation noong 1986, hanggang nahalal na councilor ng Quezon City noong 1992, vice mayor ng Q.C. noong 1995, at ngayon ay alkalde ng naturang lungsod nang manalo noong 2010.

Matapos kumbinsihin nina Mother Lily Monteverde ng Regal Entertainment at Vic del Rosario ng Viva Films, nagbalik sa pag-arte si Herbert sa pamamagitan ng Regal movie na Shake Rattle & Roll 14, na napanood noong Disyembre sa 2012 Metro Manila Film Festival.

Ngayon ay muli na namang abala sa paggawa ng pelikula ang actor-politician. Tinatapos nga niya ang shooting ng comedy movie na Raketeros.

Tuluy-tuloy na ba ang paggawa niya ng pelikula?

“Sinabi ko nga, at least one movie a year ay makagawa ako.

“May mga naka-lineup na rin akong pelikulang gagawin, may pinapaluto na ako.”

Gusto namang ipaalala ni Herbert na kahit aktibo na ulit siya sa showbiz ay hindi naman daw niya pababayaan ang pagiging mayor niya.

Higit sa lahat ay priority pa rin daw niya ang pagseserbisyo sa kanyang mga kababayan sa Quezon City.



REUNION MOVIE. Malaking reunion nga kung ituring ni Herbert ang Raketeros dahil makakasama niya rito bilang mga bida ang mga kaibigan niyang komedyante na sina Ogie Alcasid, Andrew E., at Dennis Padilla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Una na silang nagsamang apat sa pelikulang Pitong Gamol noong 1991.

“Ang saya dahil nagkasama-sama kami sa pelikula ni Andrew, Pitong Gamol. It was in 1991, so more than twenty years na.

“I’m very thankful na nagkasama-sama. Bihira e, hindi mo mapagsasama-sama e.

“Tapos puro big scenes kami rito, walang maliit na eksena,” pagmamalaki ni Herbert.

Nabuo raw ang konsepto ng Raketeros nang magkasama-sama at magkakuwentuhan silang magkakaibigan sa isang event.

Ang kaibigan din nilang si Randy Santiago ang napili nilang magdirek ng pelikula.

Nilinaw naman ni Herbert na hindi indie movie ang Raketeros kundi mainstream movie.

Lumaki daw ang production cost ng pelikula dahil bukod sa gastos sa mga gamit at set, maraming mga artista rin ang kasama sa pelikula.

Ang iba pang kasama sa cast ay sina Joey Marquez, Cherry Pie Picache, Janice de Belen, Pen Medina, Nova Villa, Jay Manalo, Roi Vinzon, Buboy Garovillo, Long Mejia, Eula Caballero, Tippy dos Santos, Rodjun Cruz, Markki Stroem, IC Mendoza, Ryan Boyce, Karen Reyes, Nina Jose, at marami pang iba. Plus may big stars pa na may cameo role.

Nanghihinayang naman si Herbert na hindi nila nakasama sa movie ang isa pa nilang kaibigan na si Janno Gibbs.

“Oo nga, e, siya lang ang wala rito. Medyo nagkaroon ng conflict sa schedules, e.

“Hopefully, kapag pumutok ito e magkaroon ng kasunod at makasama na namin siya.”



HELP FROM HIS FRIENDS. Hindi raw naging lubos na mahirap ang paggawa ng Raketeros dahil tinulungan siya ng kanyang mga kaibigan.

Sabi ni Herbert, “Ang maganda kay Ogie, kay Kuya Randy, at sa mga artista, sinabi nila sa akin, ‘Pare, gagawin natin ito. Aalagaan namin yung pera mo. We will do our very best to ensure na we work within your budget.’

“At na-appreciate ko yun.”

Napag-usapan din ba nila na mahirap talagang kumita ang mga local movies ngayon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo, pero sa tingin ko ang uso ngayon, yung comedy.

“In fact, for the year, mauuso ang comedy, tapos babalik ang action.

“I have a strong feeling na 2013, babalik ang action.

“In fact, I’m planning to do one even without me as an actor, kung hindi man ako ang artista, I will produce it.”

Confident ba siya na magiging positibo sa box-office ang Raketeros?

“Of course, you have Ogie, you have Andrew, nandiyan si Dennis, you have a very strong support.

“You have Randy Santiago. Tapos we have Star Cinema.”

STAR CINEMA AS DISTRIBUTOR. Speaking of Star Cinema, kinakausap daw ngayon nina Herbert at Harlene ang naturang film company para mag-distribute ng kanilang pelikula.

“I’m just talking with Star Cinema and hopefully maging okay sa kanila.”

Bakit Star Cinema ang napili nila?

“Well, I analyze 2011, 2012, top ten box-office sa Google, lahat Star with combination of Viva.

“So, who’s the best to distribute this but Star Cinema?

“And I hope maisarado ni Harlene yung partnership with Star Cinema.”

Hindi ba magtatampo si Mother Lily na hindi Regal ang napili nila?

“Hindi naman, nagpaalam ako sa kanya. Kahit kina Boss Vic [del Rosario ng Viva].”

Ang target playdate daw ng Raketeros ay either June or July this year.

Hindi raw talaga ito intended na ipalabas agad dahil magsisimula na ang campaign period para sa May 2013 elections.

Muling tatakbo si Herbert para sa kanyang ikalawang termino bilang mayor ng Quezon City. Kaya ang promo at showing ng movie ay talagang pagkatapos na ng eleksiyon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN