Lapid family now back to "normal" after decision on smuggling case of matriarch Marissa Lapid

Ito ang pahayag ni Maynard Lapid (nasa larawan) nang matanong tugkol sa kaso ng kanyang ina na si Marissa Lapid: “Tapos na po yung issue na yun. Masaya naman po kami. We celebrated Christmas na isang buong pamilya, dito sa Pilipinas.”


Ipinaliwanag ni Maynard Lapid sa PEP.ph (Philippine Entertainment Poirtal) kung bakit hindi nakarating ang kanyang ama na si Senator Lito Lapid upang tanggapin ang Nora Aunor Ulirang Artista Award nito sa 29th PMPC Star Awards for Movies noong March 10.

Ayon kay Maynard, maraming commitments ang kanyang ama kaya siya ang inatasan nitong tumanggap ng award.

“Alam ninyo namang bilang senador, marami hong ka-meeting and then kausap na mga ibang importanteng tao…

“Kaya siguro ho wala naman hong puwedeng mag-represent sa kanya kundi kaming mga anak niya, di ba? Kaya ako po ang nakapunta.

“Hindi rin po nakadalo ang kuya ko dahil may trabaho rin ito bilang COO ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority [TIEZA].”

Ang tinutukoy ni Maynard ay ang kanyang kuya na si Mark Lapid.



INTO POLITICS. Gaya ng kanyang ama at kuya, suimabak na rin sa mundo ng pulitika si Maynard at ngayon nga ay tumatakbo bilang councilor sa bayan nila sa Porac, Pampanga.

Sinusundan ba ni Maynard ang yapak ng tatay niya sa pulitika?

“Opo, opo! Siguro po ganoon din naman yung pupuntahan namin,” kumpirma niya.

“Kasi sabi nila, kung ano ang ipinakain sa iyo, paglaki mo, yun din naman sa larangan ng showbiz at sa larangan ng pelikula.”

Bagamat nakagawa na noon ng pelikula si Maynard—gaya ng Tatlong Baraha (2006)—ay hindi niya itinuluy-tuloy ang pag-aartista dahil mas nag-concentrate daw siya sa family business.

“Ako yung naga-asikaso ng negosyo ng pamilya dahil ho… pero, hoping pa rin ho pag may break.

“Sana… siyempre, gusto ko rin po na sumubok sa showbiz,” asam niya.



CONTROVERSIAL. Isa sa kontrobersiyal na isyu na pinagdaanan ng pamilya Lapid ay ang kasong cash smuggling sa Las Vegas ng ina ni Maynard na si Marissa Lapid.

Tinanong ng PEP si Maynard kung ano na ang kalagayan ng pamilya nila matapos ang pagbaba ng hatol sa kanilang ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Okey naman po, okey naman po," tugon niya.

“Tapos na po yung issue na yun.

"Masaya naman po kami. We celebrated Christmas na isang buong pamilya, dito sa Pilipinas.”

Totoo bang hindi makukulong ang kanyang ina sa Amerika?

“Hindi naman po,” sagot niya.

Tumanggi lang magbigay si Maynard sa detalye ng sentensiya ng ina para makaiwas sa isyung puwedeng pasimulan sa kaso.

Sabi niya, “Actually, hindi ko po ma-explain right now, kasi mahirap na.”

Nakasaad sa mga balita na magbibigay umano ng cash penalty ang kanyang ina sa korte at hindi na rin nito mababawi ang perang nakumpiska ng authorities sa Las Vegas noong maaresto ito. Totoo ba ito?

“Wala naman hong… hindi ko ho talaga alam yung case talaga…

"So, ayoko rin hong magsalita dahil baka makaano rin sa case nila.

“So… pero okey na ho yung case,” pahayag ni Maynard.

Nandito ba sa Pilipinas ngayon ang mommy niya?

“Opo! And then bumalik lang ng States, kasi po may inayos lang sandali… normal na ho.”

Ibig sabihin pala nito, puwedeng magpabalik-balik ang mommy niya sa Pilipinas, taliwas sa usap-usapan na hindi na ito puwedeng tumuntong ng Amerika?

“Hindi naman po, pabalik-balik naman po,” paglilinaw ni Maynard.

Ano ang pakiramdam nila na finally ay natapos na rin ang kaso?

“Siyempre po, masaya na po. Kasi for almost a year, ako yung kasama niya doon, sa States…

“Lagi rin po akong nasa States, sinasamahan siya.

"Pero ngayon, okey naman po. Masaya na ang lahat."

Dagdag pang sabi ni Maynard, “Pabalik-balik po ako sa States noon, hindi naman yung the whole time nandoon po ako.

“Sandali lang ako dito sa Pinas, then balik uli sa States.”

Ano ang natutunan nila sa pinagdaanang pagsubok ng kanilang ina?

“Actually, pinalaki naman po kami ng nanay ko at tatay ko na isang buong pamilya, nagtutulungan tulad po naming magkakapatid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pag may problema yung isa sa magkakapatid, hindi magsusumbong sa nanay o sa tatay dahil sa amin pa lang magkakapatid, nagtutulungan, aayusin na naming magkakapatid.

"Dahil kung hindi, mapapagalitan kami.

“Pag may nagsumbong lang sa parents, pagagalitan kami sigurado.”



CLOSE TIES. Mas naging malapit daw sa isa’t isa ang buo nilang pamilya, ayon pa kay Maynard.

“Opo, sabi nga, in times na may problema, sino ba ang magtutulungang magpapamilya kundi kami-kami rin?”

Tahimik daw nilang hinaharap ito.

“Actually, okey naman po kasi ang mommy ko, okay naman po.

“Hindi naman po talaga nakulong, which is nasa balita na nakakulong ho ngayon. Hindi naman po.

“And then, we’re hoping na finally matapos na pong lahat…

"So, finally, natapos naman po.

“Nakauwi naman yung mom ko noong Christmas. Masaya naman po ang Pasko at pagsalubong sa Bagong Taon.”

Isa sa mga lumabas na balita noon ay ang pagpapagamot ng kanyang ina sa Amerika kaya raw nagdala ito ng malaking halaga.

Wala raw credit card si Mrs. Lapid dahil hindi ito naniniwala sa ganitong paraan ng pagbabayad.

Kumusta naman ang kalusugan ng mommy niya?

“Okay naman po, pero medyo may sakit pa rin po… alam naman po ninyo yun,” sabi ni Maynard.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN