RR Enriquez files complaint against former PBB housemate for unpaid debt

Inakyat na ni RR Enriquez (nasa larawan) ang reklamo niyang estafa laban sa dating PBB housemate na si Jen Da Silva dahil sa pagkakautang nito na nagkakahalaga ng halos dalawang milyon.


Limang araw ang ibinigay ng actress-businesswoman na si RR Enriquez at ng kanyang lawyer para mabayaran ng reality-show contestant na si Jen Da Silva-Geisler ang kanyang utang na aabot ng milyones.

Ito ay mula nang ireklamo ni RR ng estafa si Jen sa CIDG Anti Fraud and Commercial Crimes Division sa Camp Crame noong March 12.

Si Jen ay dating housemate sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2 at dating miyembro ng 26K Girls ng Kapamilya Deal Or No Deal.

Si Jen ay asawa rin ng dating athlete na si Donnie Geisler, na kapatid naman ng aktor na si Baron Geisler.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si RR.

Saad niya, “Dalawang milyon yung hiniram niya [Jen] sa akin last year.

“Hindi ko siya kilala. She’s not my friend, ipinakilala lang siya sa akin ng friend ko.

“That day na na-meet ko siya, nanghiram siya sa akin ng one million.

“Then after three weeks, nanghiram siya ulit sa akin ng one million. Gagamitin daw sa gym ni Donnie.

“Ibinigay ko pa rin sa kanya dahil ang alam ko naman, hindi niya ako tatakbuhan.

“Since alam kong artista siya at artista rin yung asawa niya at kamag-anak niya si Baron, alam kong hindi niya ako lolokohin..

Patuloy ng sexy comedienne, “After two months, yung check niya nag-bounce.

“So, yun nga, dapat last year ko pa siya idedemanda. Pero siyempre, dahil nakiusap yung husband niya sa akin, si Donnie…

"Tao namang kausap talaga kaya pinagbigyan ko sila.

“I want to help Jen kaya kahit may utang pa siya sa akin, binigyan ko ulit siya ng another chance.

“Binigyan ko siya ng alahas ko na worth 1.350 [million]. Total na nasa kaya ngayon ay 3.350 [million].

“Pero sa two million na cash na yun, nung tinakot ko siya na idedemanda ko siya, binayaran niya ako ng mga 1.3 something.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, utang na lang niya sa akin ay 840,000 pesos.

“Ang kinu-complain ko ngayon, bukod sa 840,000, may utang pa siya sa akin na 1.350 million na alahas.

“Tumatalbog na naman ang mga tseke.

“In all fairness, hindi naman niya name ang nakalagay, pero as a guarantor kasi, may pinirmahan siya sa akin na siya ang guarantor ko, siya yung inirereklamo ko.

“At the same time, yung isang girl na irereklamo rin namin na nakapirma sa tseke.

“Si Jen talaga yung number one na kinu-complain ko dito kasi siya lang naman yung kausap ko dito.

“Siya rin naman yung pinautang ko ng two million at siya rin yung binigyan ko ng alahas na worth 1.350 million.”

Si Donnie ba ay madadamay rin at kakasuhan niya?

Sagot ni RR, “Actually, si Donnie nandoon lang siya sa tseke. Kasali siya dun sa tseke na inisyu sa akin ni Jen.

“Nadamay siya pero siya ang nakikipag-usap sa akin.

“In fairness to Donnie, siya yung taong nakikiusap talaga nang maayos. Sinasabi nga niya na babayaran nila yung utang nila sa akin.

“Nabayaran naman nila, may kulang lang sila na 840,000.”

Bakit umabot sa point na nagreklamo na siya sa Camp Crame?

Paliwanag ni RR, “Kasi, parang ang nangyayari, paulit-ulit ang story, e.

“Since napapakiusapan ako… kasi si Donnie mabait, e. Pag nakita mo naman siya, mabait talaga siyang tao.

“Ako, naaawa ako sa kanya kasi siyempre, pamilya niya artista rin, di ba?

“Pero dumating na ako sa point na parang paikut-ikot na lang ang nangyayari.

“Parang nakuhanan na nga ako ng two million, pati ba naman sa alahas ko, ganito pa rin ang mangyari?

“Ang kinu-complain ni Jen, niloko rin siya ng tao kaya nade-delay siya ng pagbabayad sa akin.

“Pero ang isyu namin ay ako at siya talaga, di ba?

“Sabi ko naman sa kanya, I’m willing to help kung talagang nagsasabi siya ng totoo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi may ibinigay silang tseke na nakapangalan dun sa girl na irereklamo rin namin.

“But for now, ang isyu namin ay mabayaran talaga niya ako.

“Nakikipag-usap naman si Jen. Willing siyang i-settle.

“Pero sabi ko, ‘Gawin na lang sa legal way. Kasi kung puro usap tayo, walang mangyayari.’

“At least, kung halimbawang may justice na namamagitan, mababayaran ako, maayos niya kung ano yung problema namin at kung ano ang dapat bayaran.”

Bago nagreklamo si RR sa CIDG, pinadalhan na rin daw si Jen ng demand letter ng kanyang lawyer.

May limang araw pa raw para ayusin at kung hindi ay itutuloy na sa korte ang reklamong ito ni RR kay Jen.

Bukas naman ang PEP sa panig nina Jen at Donnie Geisler kaugnay ng mga pahayag ni RR tungkol sa kanila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN