Max Collins denies going steady with Benjamin Alves: “Hanggang dating lang kami, but never naging kami.”

“Actually, we both realized that we didn’t get along… as much as we thought we did. Na parang… noong una, ang akala talaga namin na magkasundo kami. Tapos nung tumagal, na-realize namin na we really don’t have much in common. So, hindi kami bagay sa isa’t isa! Siguro dahil sa mga roles namin sa Coffee Prince dati kaya kami nadala. And when the show ended, that’s what ended our friendship,&rd


Nagkasama sina Max Collins at Benjamin Alves sa GMA-7 primetime series na Coffee Prince.

Naging close ang dalawa dahil sa madalas nilang pagsasama sa taping ng nasabing remake ng Korean romance-comedy series sa GMA-7 na naging balik-tambalan nina Kris Bernal at Aljur Abrenica.

May balita pa ngang naging mag-on daw sina Max at Benjamin. Pero sandaling panahon lang daw ang kanilang affair at naghiwalay rin agad.

“Naghiwalay? Wala namang ganun!” reaksiyon ni Max nang makausap namin siya sa 6th anniversary party ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, March 14, sa Aracama resto-bar sa The Fort, Taguig City.

Patuloy niya, “Hindi po kami naghiwalay, kasi hindi po naging kami. Never naging kami.”

Pero sa napabalita, naging sila nga pero short-lived lang daw ang kanilang affair?

“Siguro short-lived ang friendhip namin—yung closeness, yung dating namin.

“Hanggang dating lang kami, but never naging kami.”

Ano ang dahilan at naging panandalian lang ang closeness at pagdi-date nila?

“Iyon ang hindi ko alam,” sagot ni Max.

“Naging busy po ako sa trabaho and I decided to focus on my work.

“E, siya naman, he has his own priorities as well. So, hindi nagkatugma yung landas namin.

“Actually, we both realized that we didn’t get along… as much as we thought we did.

“Na parang… noong una, ang akala talaga namin na magkasundo kami.

“Tapos nung tumagal, na-realize namin na we really don’t have much in common.

“So, hindi kami bagay sa isa’t isa!

“Siguro dahil sa mga roles namin sa Coffee Prince dati kaya kami nadala.

“And when the show ended, that’s what ended our friendship.”



THE REASON. Yung biglang pagkaudlot ng napapabalitang pagkakamabutihan na sana nila ni Benjamin, iniintriga lately. Hindi raw kaya may ikina-turn-off siya sa aktor na pamangkin ni Piolo Pascual?

“Ay, wala naman po. Wala naman,” sabi ni Max.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May isyu ring pinagdududahan kasi ang gender ni Benjamin? Ano ang tingin niya rito?

“No, I wouldn’t say that. I wouldn’t say that.

“Especially after the show, hindi na po kami nagkita. Hindi na po kami nagkausap after that.

“So our relationship… our friendship ended with the show.”

Max is one of the prettiest faces now in showbiz. Marami bang nanliligaw sa kanya ngayong nahinto na ang pagdi-date nila ni Benjamin?

“Ay… no! Wala po akong oras.

“May mga nagpaparamdam, pero hanggang do’n lang po sila!” sabay tawa ng Kapuso actress.

Mas gusto ba niya ang boyfriend na isang private individual kesa artista rin na gaya niya?

“Sa ngayon po, iniiwasan ko lang ‘yon dahil mas gusto ko nga pong mag-focus sa work.

“Ayokong may makagulo sa trabaho ko,” sagot ni Max.



LAST EPISODE. Ngayong gabi, March 15, ay magtatapos na ang primetime series na Pahiram Ng Sandali, kung saan kasama ni Max sa cast sina Dingdong Dantes, Lorna Tolentino, Christopher de Leon, Alessandra de Rossi, at Neil Ryan Sese.

Meron daw siyang natutunan sa kakaibang istorya ng kanilang teleserye.

“Save your every moment because you’ll never know when it would be the last.

“And this Friday nga will be the last episode ng Pahiram… so we save every scene.

“And it’s sad that we’re coming to a close because napakahalaga ng proyektong ito para sa akin.”

Dagdag ng Kapuso actress, “Working with Dingdong? Amazing!

“He’s such a joy to work with and I’ve learned so much from him.

“So, mami-miss ko siya.”

How about working with Lorna who played her mother?

“Mami-miss ko siya. Mommy ko siya. I’ll miss her like being a mother to me.

“Parang… nasanay ako sa kanya. And I would always ask her advice for everything.

“I’ll treasure all the memories that I’ve had with her.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’ll also miss her giving me tips on everything and educating me more about life.”

What’s her next project after Pahiram Ng Sandali?

“An indie film po with Direk Maryo J. de los Reyes. Makakasama ko rito sina Neil Ryan Sese and Diva Montelaba.

“In the making pa po ang script nito. This is for Sineng Pambansa.

“I think it’s dramatic. It has to be dramatic for the competition.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN