PEP celebrates sixth anniversary and launches The PEP List

Kasabay ng selebrasyon ng ika-anim na taon ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), pormal na inanunsiyo ni PEP Editor-in-Chief Jo-Ann Maglipon ang The PEP List. Ito ang pagpaparangal ng PEP sa mga artistang naging malaking bahagi ng showbiz industry sa loob ng isang taon. Nakatakdang ganapin ang kauna-unahang recognition night sa February 2014.


Ginanap kahapon, Marso 14, ang pagdiriwang ng ika-anim na anibersaryo ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) sa Aracama restaurant sa The Fort, Taguig City.

Dinaluhan ito ng mga artista at miyembro ng media.

Sa kanyang speech, nagbalik-tanaw ang PEP Editor-in-Chief Jo-Ann Maglipon sa pagsisimula ng website na ito.

Saad ni Jo-Ann, "Kung titingnan ninyo ngayon ang PEP, aakalain ninyo, lahat napakadali.

"Page views mataas, unique users di naman bumababa, maraming stars at sources ang nagtitiwala na, tuluy-tuloy lang ang daloy ng mga balita.

"Pero, mali. Hindi madali.

"Masaya, exciting pa nga, high alert parati, buhay na buhay ka—pero walang dudang iginapang, trinabaho, pinaghirapan.

"Hindi madali."

Ikinuwento ni Ms. Jo-Ann ang ilan sa mga hindi malilimutang karanasan ng staff sa loob ng anim na taon— mula sa pagbuo ng istorya hanggang sa pagkakasangkot mismo ng staff sa ilang kontrobersiya na humantong pa sa korte.

Pero dahil na rin sa pagtutulungan ng bawat staff— sa pag-iimbestiga, sa pagharap sa libel suits na natanggap ng buong team— mas lalong naging responsable ang PEP sa pagbabalita ng mga impormasyong nakakalap.

THE PEP LIST. Kasabay ng selebrasyon ng anim na taon ng PEP ay inilunsad din angThe PEP List.

Ito ang pagbibigay-parangal sa mga artista, pelikula, TV shows, at maging staff at contributors ng PEP.

Sampu ang kategoryang sasailalim sa verification ng isang legitimate auditing firm. Labindalawang kategorya naman ay pipiliin ng PEP staff.

At ang lahat ng mga categories ay magkakaroon ng PEPsters’ Choice version. Ibig sabihin nito, kung hindi sang-ayon ang mga PEPsters sa resulta, may paraan para maiboto ang kanilang idolo.

Ang mga parangal na Newsmaker of the Year (Male and Female), Single Most-Read PEP article, at Most-Watched PEPtalk (kasama na ang dami ng page views sa YouTube channel ng PEP) ay base sa dami ng page views.

Samantala, ang dami ng shares sa iba’t ibang social networking sites at bilang ng comments sa isang artikulo ang basehan para sa mga parangal na Love Team of the Year, Teen Star of the Year (Male and Female), Photo of the Year, at Most Talked-About Personality.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang parangal na Hot Movie of the Year ay ibabase sa datos na makukuha ng PEP mula sa malalaking cinema sa Metro Manila.

Face of the Year naman ang mapapanalunan ng artistang mayroong pinakamaraming magazine covers at billboards sa loob ng isang taon.

Sa tulong ng fans, maaaring manalo ng Razziest Award ang isang artista na mayroong pinakamaraming materyal galing sa fans na lalabas sa PEParazzi section ng PEP.

Ang nalalabing labindalawang kategorya ay pipiliin at bubusisiin ng PEP staff.

Ito ay ang mga sumusunod:

TV Show of the Year, TV Male and Female Star of the Year, Showbiz Treasure of the Year, Child Star of the Year, Breakout Star of the Year, Pinoy Pride, OPM Artist of the Year, FAB Award, The Good Samaritan, Staff Reporter of the Year, Top Three Contributors, at Star with the Most Exciting Interview.

Ang pagpili at pagsusuma-total ng mga bilang ay magaganap sa loob ng isang taon, mula Enero 1 hanggang Disyembre 31.

Ang mismong araw ng pagpaparangal ay magaganap sa Pebrero 2014.

Samantala, ang event ay co-presented by Hapee toothpaste, na namigay ng gift packs sa lahat ng guests.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN