Rocco Nacino remains close to Lovi Poe after their soap; plans to take solo vacation in Cambodia

Desidido na si Rocco Nacino na bumiyaheng mag-isa papuntang Cambodia pagkatapos ng Holy Week. Aniya, “This will gonna be my second time to travel alone. Pero it’s gonna be my first time na out of the country alone. I guess I needed a vacation after everything. There came a time na for two or three weeks, every day akong nagtrabaho. Every day, different person ako so it was really stressing sa utak. So, sabi ko, after these projects, magbabakasyon muna ako kahit one


Marami ang napahanga sa galing mag-drums ni Rocco Nacino.

Nakatuwaan kasi ng Kapuso actor na maki-jam sa tumugtog na band during the rockeoke sa 6th anniversary party ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) held last night, March 14, at Aracama resto-bar in The Fort, Taguig City.

Pagkatapos nito ay nakausap namin siya. Masaya niyang naikuwento na nag-last taping na sila para sa six-episode series ng GMA News TV 11 na Bayan Ko noong Miyerkules, March 13.

Lahad niya, “It’s really tiring! Lalo yung eksena ng mga rescue operations na ginawa namin kaya nakakapagod.

“Halos nagkasakit na ako kagabi. Kasi I spent the whole afternoon in the water do’n sa river—sa Wawa Dam sa Montalban.

“Tapos, may isang eksena na kailangan kong buhayin yung isang four-year-old na batang ire-rescue. And then lalangoy ako sa tubig.

“E, umuulan pa. Ang lakas ng agos ng tubig.

“Sumabit ang isang paa ko sa mga bato kaya medyo may bruise yung leg ko.”

Simula nang umere ang Bayan Ko, Rocco has been getting good reviews sa kanyang pagganap bilang 35-year-old mayor ng isang bayan. Very convincing daw.

Reaksiyon dito ng 25-year-old actor, “That’s a good thing for me, na positive yung feedback.

“Na-portray ko naman nang maayos yung character. Tinanggal ko na Rocco yung makita do’n sa mayor na ‘yon.”



HOLY WEEK IN CAMBODIA. What’s his next project after Bayan Ko?

Sabi ni Rocco, “Bawi muna ako sa pamilya ko this Holy Week and then magbabakasyon muna ako.”

Saan niya planong pumunta?

“Sa Cambodia.

“Fascinated ako lagi sa mga temples, e. I like nature. I like visiting places like that.

“So, sabi ko, gusto kong isa ‘yon sa mapuntahan ko. Isa ‘yon sa bucket list ko.

“I’m gonna spend siguro mga five days doon.”

Who’s going with him sa Cambodia?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako lang, backpacker ako.

“This will gonna be my second time to travel alone.

“Pero it’s gonna be my first time na out of the country alone.

“I guess I needed a vacation after everything.

“There came a time na for two or three weeks, every day akong nagtrabaho.

“Every day, different person ako so it was really stressing sa utak.

“So, sabi ko, after these projects, magbabakasyon muna ako kahit one week lang. Then I’ll go back to work.

“Kasi kailangan nang mag-start ng shooting para sa Ibong Adarna,” pagtukoy niya sa pelikulang sunod niyang pagkakaabalahan.



LOVI POE. Hindi niya niyaya si Lovi na sumama sa kanyang magbakasyon sa Cambodia?

“I know she’s gonna be busy with her next soap, e. Tapos she has movies coming up.

“And, a… hindi magkatugma ang schedules namin, e.

“At saka this trip, I’m really planning to go alone talaga.”

Kumusta naman ang na-estbalish na closeness nila ni Lovi sa ngayon? Tuloy pa rin ba kahit natapos na ang panghapong serye nilang Yesterday’s Bride?

“We’re good,” sambit ni Rocco.

“Nagkita kami sa Party Pilipinas, so maraming tawanan. Na-miss ko siya.

“A… puro tawanan lang kami, masaya. Masayang makita ko siya ulit.

“The other day din, we got to see each other again sa birthday ng isang kaibigan. Kaso saglit lang.

“Hindi pa kami nakakapag-hang out lately kasi nga busy.

“I have to finish Bayan Ko. Talagang napagod ako sa tapings namin and I had so much to do.

“But I’m still looking forward na magawa pa rin naming mag-hang out together kapag may time na, oo naman.

“Nakaka-miss din yung closeness na meron kami. Seeing each other every day, hanging out with each other every day.

“Uhm… gano’n talaga, e. We have to work. We have to prioritize our work.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s nice na kahit natapos na yung Yesterday’s Bride, hindi nawawala kung anuman yung meron kami.”



THE MARVEL OF IT… Ano ba talaga ang meron sa kanila ni Lovi na wala sila ng ibang female friends niya?

“I don’t know… that’s the marvel of it siguro.

“Hindi rin namin alam kung anong meron, basta very at ease ako kay Lovi.

“At saka, siya yung pinaka-close sa akin ngayon dahil siguro nakaka-relate ako in our personalities.

“We just jive,” saad ni Rocco.

He likes her a lot?

“Well, who wouldn’t like her?”

Iyon naman pala, so ano pa ang nakakapigil sa kanya na ligawan nga ang dalaga?

“My priorities in life… I have to work. I have to think of my career first.

“Saka na yung mga ganyan, darating naman ‘yan, e.”

Sa obserbasyon ng iba, si Rocco ang tipo na hindi naman kaagad umaamin kapag nagkakaroon ng karelasyon.

Gaya raw ng sa kanila ni Sheena Halili, deny sila nang deny noong una tapos aamin din pala na naging mag-on sila nang nag-break na.

“Hindi ako ganyan! Hindi naman ako ang sumagot ng gano’n, e!” natatawang sabi ni Rocco, na ang ibig sabihin ay umamin na naging sila.

Alam ba niya na magsasalita si Sheena tungkol sa naging relasyon at breakup nila? Nagsabi ba ito sa kanya?

“I’d rather not talk about it,” iwas ni Rocco.

Pero nasaktan ba siya nang maghiwalay sila ni Sheena? Ininda ba niya ang kanilang breakup?

“Like I said, huwag na nating pag-usapan ‘yon. We have other things to talk about.

“Halimbawa, yung movie’ng Ibong Adarna na sunod kong gagawin.

“Ako yung gaganap na prinsipe na maghahanap sa ibong adarna para sa ikagagaling ng ama kong hari.

“Malapit na kaming mag-shoot, nag-costume fitting na kami.

“Ang layo nga ng unang target na location ng shooting namin, lampas Benguet pa, e. Pero binago, sa Laguna na raw,” pag-iiba ni Rocco ng topic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



READY TO BARE. Malaki na ang iginanda ng katawan ni Rocco. Kailan naman siya magiging ready to bare his body o gumanap ng mga daring o sexy roles?

“I can be open for that,” sagot niya.

“Pero there are many other roles to explore on. Roles like… I wanna play a policeman, a priest… iba-ibang klase.

“Marami pa. We have so much roles to choose from.

“So sexy is just one of the options.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN