BB Gandanghari on being accepted by brother Robin Padilla: "I feel it’s gonna happen one day... I hope it’s soon."

“Of course, yung sa amin ni Robin is one thing. Pero mayroon din namang part ng family, like si Rommel, who’s also very understanding as far as the present situation is concerned. For me, it’s a blessing already. Hindi na ako nag-e-expect. Yung ano sa reyalidad ngayon, kung ano ang nandiyan, yun na lang," pahayag ni BB Gandanghari tungkol sa pagtanggap sa kanya ng pamilya Padilla.


Gaya ng kanyang ina na si Eva Cariño Padilla, wish din daw ni BB Gandanghari na matanggap na siya nang tuluyan ng kanyang kapatid na si Robin Padilla.

Pahayag ni BB sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Wish ko din naman yun.

“I wish for that, too. Pero sabi ko nga, hindi yata puwedeng i-push, hindi puwedeng ipilit.

“But I feel it’s gonna happen one day... I hope it’s soon.

“Balansado lang naman, hindi nga lang gaya dati, everytime there’s a reunion or there’s a get-together, we’re all there.

“Ngayon, pag nandiyan yung isa, iiwas muna.

“Pero alam ko, maaayos din ito.”



PADILLA BROTHERS. Isa si Mommy Eva sa mga nanood ng katatapos na stage play na pinagbidahan ni BB, ang Halik Ng Tarantula.

Ayon kay BB ay nagustuhan naman ng ina ang napanood nito.

“Yes, she did, masaya naman siya after. Naintindihan niya yung play, e.”

Isa rin sa nanood at nagbigay-suporta kay BB ay ang kapatid na si Rommel Padilla.

Ikinatutuwa naman ni BB ang pagtanggap na nakikita niya sa kapatid sa bago niyang katauhan.

“Hindi ko nakausap after, I hope okay sila—si Rommel, mga pamangkin ko, at mga anak niya.

“Of course, yung sa amin ni Robin is one thing.

“Pero mayroon din namang part ng family, like si Rommel, who’s also very understanding as far as the present situation is concerned.

“For me, it’s a blessing already. Hindi na ako nag-e-expect.

“Yung ano sa reyalidad ngayon, kung ano ang nandiyan, yun na lang.”

Sinabi rin ni BB na sumubok si Rommel na maging tulay para magkabati sila ni Robin.

“Lagi namang ganun yun, pero ngayon, talagang dumating na sa puntong hindi na rin namin pinag-uusapan.

“Kasi alam namin na maayos na lang ‘yan one of these days,” sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masaya ring sinabi ni BB na hindi siya nagkaroon ng problema sa isa pa niyang kapatid na si Royette.

“I think, oo, nagkita na rin kami niyan months ago. Wala siyang issue sa akin, e.”



DANIEL PADILLA. Panay naman ang papuri ni BB sa pamangkin niyang si Daniel Padilla, anak ni Rommel Padilla sa aktres na si Karla Estrada.

Saad ni BB, “That boy is very respectful everytime I see him.

“Nung nag-guest ako sa The Buzz at nagkasalubong kami dun, natutuwa nga ako sa kanya kasi sabi niya, dadalawin daw niya si Mama [Eva] right after.

“Tinawagan ko si Mama, ‘O, pupunta daw sa inyo si Daniel.’

“Sabi niya, ‘Hindi naman.’

“Tumawag ako after two hours after, nandun na, sinurprise [surprised na] na… Mabait na bata.”



HALIK NG TARANTULA. May mga pumuri at mayroon din namang nagbigay ng puna sa Halik Ng Tarantula.

Para kay BB, tanggap niya na may mga tao na hindi magkakagusto dito.

Sabi niya, “Very risky yung project and all, but we were just so happy in everything we’ve done and presented—na lahat naman ng nakapanood ay nag-enjoy.

“Ganun talaga, you can’t please everyone.

“But one thing for sure, we gave everything that we can give—one hundred percent and even one hundred fifty percent.

“So, ganun naman talaga, e, di mo lahat mapi-please.

“But I think, from the bottom of my heart, we know we did a good job.”

May ilan ding nagsabi na nakulangan sila sa ilang sexy scenes sa Halik ng Tarantula.

Sagot ni BB dito, “Yun ba, sorry to disappoint them... not called for, actually.

“Yung love scene, of course, yun ang gusto nating gawin para maisip nila na tama lang naman yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN