Part 2. Alden Richards almost gave up dream of being an actor after being eliminated early in StarStruck

Inamin ni Alden Richards na ang kanyang kuwarto ang pinakapaborito niyang parte ng bahay. Paliwanag niya, "Kasi kahit ano po puwede kong gawin, e."


Marami ang nagpapantasya kay Alden Richards, kaya naman sa pagpapatuloy ng panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya ay siya ang tinanong namin kung sino ang pinapantasya niya.

Hiningan namin ng tatlong pangalan si Alden.

Sagot niya, “Una, si Alessandra de Rossi. Basta ano po, iba yung… masarap kasama.

“Nagkikita lang naman po kami tuwing Party Pilipinas every Sunday.

“Tapos, kalog po kasi, yung personality niya nakaka-attract, e.”

Hindi pa raw niya nakakatrabaho si Alessandra.

Pangalawa sa listahan ni Alden: “Of course, Anne Curtis. Lahat na nasa kanya!

“Tapos, never ko pa siyang na-meet.

“Iyon yung… kaya siguro po yung eagerness ko na lang to fantasize her is there.

“Kasi sa two years ko po sa showbiz and ever since sa buong buhay ko, hindi ko pa siya nakita sa personal.”

Patuloy ng Kapuso actor, “Sa Hollywood naman po, siguro Megan Fox. She puts the S in sexy!”



ALDEN’S BEDROOM. Dahil light lang ang kuwentuhan namin with Alden, naitanong namin sa kanya kung ano ang paborito niyang parte ng bahay at bakit.

“Kuwarto ko po. Kasi kahit ano po puwede kong gawin, e.”

Ano na ang pinakagrabeng nagawa niya sa loob ng kuwarto niya?

Pilyong tumawa muna si Alden bago sinabing, “Kailangan ko pa bang sabihin?

“Ano ba? Siguro dun ko po binabasa yung mga magazines ng daddy ko.”

Mga men’s magazine?

“Opo mga men’s magazine ni Daddy, dun lang po, iyon lang po.

“Basa-basa lang!” at muling tumawa si Alden.

Ano ang most recent na men’s magazine na binasa niya?

“Iyon pong kay LJ po.”

Si LJ Reyes ang cover girl ng March issue ng FHM.

Bakit wala si LJ sa list niya ng mga pinapantasya niya?

“Kung may number four po, si Madam LJ, si LJ.

“Yung FHM niya, sobra kasing sexy, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



ALDEN’S BODY. Ano ang pinakagutso ni Alden na parte ng katawan niya?

“Hmmm… siguro po itong tiyan ko po.

“Kasi sakto lang po siya, walang abs, pero hindi naman din po masyadong malaki. Sakto lang.”

Ano ang pinakaayaw niya?

“Wala po, wala naman, gusto ko po lahat.

“O siguro ito lang pong maliit kong peklat sa mukha, gusto ko lang po sanang maalis.”

Nakakadagdag naman iyon sa sex appeal niya.

“Iyon nga po, parang character ko rin daw po ito kasi very… ‘yan po ang napapansin,” sabi ni Alden tungkol sa maliit na marka sa mukha niya bunga ng chickenpox.



OBJECT OF FANTASY. Ano ang nararamadaman niya kapag nalalaman niyang marami ang nagpapantasya sa kanya?

“Overwhelmed po siyempre,” sagot ni Alden.

“Masaya po ako na… kasi pag sinabi naman pong pantasya, hindi naman po necessarily na iyon agad yun, e.

“Kumbaga, siguro puwede rin pong iniidolo, parang naa-appreciate.

“Kaya po naa-appreciate po yung trabaho ko so kaya po nila ako pina-fantasize.”

Hindi pa naman daw naligawan ng bading si Alden.

“Hindi pa po, sa buong buhay ko wala pa po.”

Pero nahipuan na raw siya ng bading!

“Meron po, nahawakan na po! Yes, nahipuan na po ako.

“Sa Iloilo, fiesta, tapos na po kaming mag-perform then medyo hindi po naano ng security yung crowd.

“Dinakma po talaga!” natatawang kuwento niya.

Ano ang ginawa niya?

“Wala na po, ang bilis, e! Nagulat na lang po ako.

“Naka-black po na malaki ang katawan.

“Wala na po akong magawa hindi ko na po mahabol, ang dami na pong tao.”



TWO WOMEN. Sa Mundo Mo’y Akin, bilang si Jerome ay si Alden ang pag-aagawan ng dalawang babae—sina Louise delos Reyes (bilang Marilyn) at Lauren Young (bilang si Darlene).

“Yes, para iba naman po.

“Challenge din naman po para sa akin kasi dito po, yung attention ng dalawang babae nasa akin, so ako yung mahahati ang attention.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi yung before sa One True Love, yung attention ko kay Louise lang. Nagko-compete ako with Lucho [Ayala] which is si Troy.

“So ngayon po, challenge sa akin kung paano po magiging different yung treatment ko kay Darlene tsaka kay Marilyn, kung paano yung dating ni Jerome sa dalawang babae po.”

Type ba niya si Lauren; may interes ba siya dito?

“Wala namang interes, kayo naman, baka sabihin na naman ng mga makakabasa nito, ‘Si Alden kung sinu-sino na lang ang gusto.’

“Pero, hindi naman, of course interes din siguro na maka-close pero hindi naman siguro yung…

“Pero si Lauren po, since hindi pa naman po nag-i-start ang Mundo Mo’y Akin, nag-meet na po kami outside.

“Pag parties tapos pag may mga events po na mga magazine, nagpupunta rin po siya.

“Kasi si Elmo [Magalona] po common friend namin so na-introduce na rin po kami.”

Baka awayin siya ng mga fans ni Elmo since nali-link sina Lauren at Elmo?

“Naku, hindi naman po siguro,” reaksiyon ni Alden.

Handa naman daw si Alden kung sakali.

“Handa naman po ako. Nasanay na rin po ako.

“Sa two years ba naman po na meron at meron kang mababasa na hindi maganda, so kumbaga na-get used to na ako sa pakiramdam.

“So hindi ko na lang po pinapatulan.”

Sa Mundo Mo’y Akin, madalas din daw niyang kaeskena si Jolina Magdangal na gumaganap naman bilang si Aida.

“Siya po kasi yung nanay-nanayan ko dito.

“Actually, sa amin po ni Ate Jolens, matagal na pong nawala yung pressure and yung tension kasi nagkakilala na po kami sa Party Pilipinas, nag-meet na po kami.

“And then itong Mundo Mo’y Akin, because of this, lalo po kaming nagkakilala, naging magka-close, kasi nga po nanay-nanayan ko siya.

“And nararamdaman ko pong hindi magiging mahirap yung pagpo-portray namin as mother and son.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



STARSTRUCK HOPEFUL. Bago sumikat ay sumubok sumali si Alden sa StarStruck Batch V, kung saan nagmula sina Sarah Lahbati, Steven Silva, Enzo Pineda, Diva Montelaba, at Rocco Nacino.

“Yes, top sixty lang po,” sabi niya.

Ano ang masasabi niya na ngayon ay mas sikat pa siya sa ibang StarStruck survivors and avengers?

“Siguro po parang lesson yun para sa akin, na not to give up.

“Kasi nung after po nung StarStruck, talagang umayaw na po ako, e, ayoko na, tapos na, pagod na ako!” sabay tawa ni Alden.

Dagdag niya, “Napagod na po ako.

“And parang siguro naiisip ni Lord na, ‘Sige tanggalin kita diyan, tingnan natin kung hanggang saan ka.’

“Umayaw po ako, bumalik po akong school, nag-stop po akong habulin yung showbiz, yung showbiz po yung lumapit.”

Three years pa ang kontrata ni Alden sa Kapuso network bilang in-demand leading man and matinee idol.

“Nakadalawa na po ako, bale five years po yung contract, minus two.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN