Camille Prats on eventually finding her new love: “I’m not looking, I’m waiting.”

Camille on the current status of brother John Prats and rumored girlfriend Isabel Oli’s relationship: “I don’t want to talk about their status. Ayoko lang na sa akin manggaling. Hindi ko na call yun. Dapat kay Liv [Isabel] manggaling yun o kay John.”


Simula noong namayapa ang kanyang mister, bumalik na si Camille Prats kasama ang kanyang anak na si Nathan sa bahay ng kanyang mga magulang.

Pero ang bahay talaga nilang mag-asawa ay sa Alabang. Tuwing weekends, umuuwi raw sila ng anak sa sarili nilang bahay.

ANTHONY’S LEGACY. Ang bahay daw na yun ay ibinigay na ng kanyang mga in-laws sa kanilang anak ng namayapang asawa.

“It was actually given to us by my in-laws for Nathan. Sa parents ni Anthony [Linsangan] galing yun noong kinasal kami,” kuwento ni Camille.

“Para sa amin yun. But when he passed away, bilang namatay na ang asawa ko, parang binigay na nila yun sa akin for Nathan.

“But when Nathan turns eighteen, ipalilipat ko na sa pangalan niya ang bahay na yun, sa kanya yun.”

Kaya labas daw sa usapan para kay Camille ang ibebenta niya ang bahay nila.

Sabi pa niya,”Nandoon lang siya. Pero, wala... wala. I think, that’s his father’s legacy for him.”

Yun nga lang, kapag weekdays, sino ang nakatira sa bahay nila?

“May yaya ako na nagme-maintain.”

Dugtong pa niya, “I actually have plans to rent it out, pero siyempre, I have to ask permission from my in-laws. Kasi, parang gusto ko rin na kumita yung bahay para rin naman sa savings ng anak ko.”

Sa iisang subdivision lang din daw ang bahay ng mga biyenan niya kaya tuwing weekends, dumadalaw raw sila ng anak niya sa mga ito.

“Kapag weekends na bumi-visit kami sa bahay, nabi-visit ko rin ang in-laws ko.”

WAITING, NOT LOOKING. Nasabi nga namin kay Camille na sa ngayon, wala pa talaga siyang nagiging kapalit sa buhay niya sa namayapang asawa. Kahit na nandiyang na-link siya noon kay Sam Milby at sa Philippine Volcanoes rugby player na si Kenneth Stern.

Pero naiisip na rin kaya niya kapag talagang nakahanap na siya ng bagong mamahalin?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Feeling ko naman, they [her in-laws] are open with the idea of me finding somebody else.”

Napag-uusapan nila?

“Well, siyempre, sensitive rin naman yun sa kanila. Hindi ko rin naman alam if it’s too soon to talk about it. Hindi rin naman ako sigurado.”

Mahigit isang taon na rin ngang wala ang kanyang mister.

At ayon kay Camille, “I also don’t know how to talk to them. Siguro, mararamdaman ko naman yun kung dapat ko ngang sabihin o dapat pag-usapan.

“Pero, as of now, wala pa namang dapat pag-usapan, so, hindi ko pa siya iniisip.”

Wala pa nga ba talaga?

“Wala pa, wala pa talaga,” saad niya.

“Wala pang dapat ipakilala. Wala pang umaabot sa puntong yun,” paglinaw niya.

Pero nasa proseso siya ngayon na nakikipag-date?

“Actually, hindi talaga. I tried, I did... sinubukan ko.”

Nilinaw naman ni Camille na hindi siya naghahanap, sa halip ay naghihintay lang daw siya kung meron ngang lalaking posible niyang mahalin din o maka-relasyon.

Ayon kay Camille, “I’m not looking, I’m waiting.”

BUKOD KANG PINAGPALA. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Camille sa taping ng Bukod Kang Pinagpala sa Tagaytay noong Miyerkules, March 13.

Umiikot na nga raw ang kuwento ng kanilang afternoon prime teleserye sa kung sino na nga ba sa kanilang tatlo nina Jackie Rice at Jennica Garcia ang talagang may karapatan sa bata na ginagampanan naman ni Mona Louise Ray.

“Bale ngayon kasi, nagkakalabasan na ang sikreto ng mga babae. I found out Jackie’s affair with Leandro [Mark Anthony Fernandez] and Lara’s true identity— yung bata; na siya pala ang anak ni Leandro sa labas, kay Jackie.

“Natuklasan ko rin ang betrayal ni Jennica, na tinago niya yung bata sa amin.

“So, ngayon, we’re fighting sa custody ng child. Kung kanino siya dapat mapunta at kung sino ang may karapatan sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, it’s a battle as to who gets to win the custody of Lara. Bale ako naman, ang pinaglalaban ko, ang karapatan ni Leandro sa bata.”

Silang tatlo nina Jennica at Jackie, kumusta naman ang working relationship nila?

“Okay naman... more chika, more fun,” nakangiti niyang sabi.

Madalas maintriga si Mark Anthony bilang co-star. May ilang isyu na lumabas din noong panahong ginagawa pa nila ang Munting Heredera.

At ngayon nga, mag-asawang muli ang karakter nila.

Kumusta naman ito ngayon?

“Okay naman, ganoon pa rin,” nakangiti niyang sabi.

Pero dugtong din ni Camille, “Pero alam niyo, mas masarap siyang katrabaho ngayon.”

Paano niya nasabi yun?

“Kasi, we did a couple of scenes na mararamdaman mo na kaeksena siya. Lalo na kapag kailangan mong humugot sa kaeksena mo. Yung mga iyakan naming scene.”

Dati ba, hindi ganoon si Mark na kaeksena?

“Mas nararamdaman ko siya ngayon.”

MUM ON JOHN-ISABEL RELATIONSHIP. Kung noon, naging vocal si Camille sa pagkukuwento sa lovelife ng kapatid na si John Prats at sa panliligaw pa lang nito noon kay Isabel Oli, ngayong muli namin siyang tinanong tungkol sa status ng lovelife ng kapatid, mabilis itong nagsabi na, “I don’t know. Hindi ko alam.

“I don’t want to talk about their status. Ayoko lang na sa akin manggaling. Hindi ko na call yun. Dapat kay Liv [Isabel] manggaling yun o kay John.”

Dugtong pa niya, “And I don’t see them. I barely see them. I barely talk to them.”

Hindi nag-a-update sa kanya ang kapatid?

“Minsan po, may konting chika. Pero, bihira po talaga kaming magkita at saka mag-usap. Text-text lang, ganyan,” pagtatapos niyang saad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN