Teejay Marquez stars in his very first indie film; signs up with GMA Artist Center

Teejay Marquez on being personally handpicked by the indie film’s producer for starring role: “Kung hindi ko raw tatanggapin si Mohammad, hindi raw matutuloy ang pelikula. Wow, di ba?”


Nagsimula bilang commercial model si Teejay Marquez hanggang sa pasukin na nga niya ang mundo ng showbiz.

Bukod sa Tween Hearts noon, napapanood hanggang ngayon si Teejay sa panggabing programa ni German Moreno na Walang Tulugan with the Master Showman.

Magda-dalawang taon pa lang daw si Teejay sa showbiz.

“Sa Walang Tulugan pa lang po ang regular show ko sa ngayon sa GMA.

“Supposedly po, kasama po sana ko sa Haram noon, kaso naharang,” biro niyang kuwento nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng kanyang kauna-unahang indie film, ang Pagari, sa Max’s Restaurant noong March 12.

Kung kasabayan niya halos ang mga tween stars, wala bang pagkainip sa kanya pagdating sa takbo ng career niya?

“Actually, hindi naman po naiinip. Minsan lang po, parang nagugutom ka lang talaga. Yung hungry ka. Yung nakikita mo na everyone is stepping up, so, talagang dapat kang hindi matulog.

“Gumawa ka ng paraan.

“You do better, dapat galingan mo pa lalo na ngayon sa Walang Tulugan. Parang parami kami ng parami. Kahit Walang Tulugan sa panggabi, meron pa rin healthy competition,” saad niya.

Kung ganoon, ano ang ginagawa niya sa part niya para mapansin nga siya?

“Siguro, nakatutok din po ako sa mga kaya kong ibigay. Kung ano ang good traits ko, mas dapat ko pang galingan.”

Diretsahan naman namin siyang tinanong kung nakikita niyang ang Walang Tulugan ay nakaka-boost nga ng career niya.

Ayon naman kay Teejay, “Siguro po, yes, kasi ako naman po, kahit na ang Walang Tulugan ay panggabi, may nanonood pa rin, there’s a market.

“I think, even with small details, someone will notice you and you know, tiwala lang po talaga.”

NEW MANAGER. Sa ngayon, pipirma pa lang daw siya sa GMA Artist Center.

“Nagkaroon din po ng problema sa GMA Artist Center kaya ako lang din pong makisabay.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang manager ni Teejay ay si John Fontanilla.

Pero bago pa raw siya mapunta kay John, si Ogie Diaz daw ang unang naging manager niya.

“Yung road manager po niya, messaged me on Facebook na gagawa raw po ng parang group talent si Sir Ogie.

“And we are like thirteen na talents na nagwu-workshop kay Ms. Malou de Guzman. Umabot din kami ng thirteen na talents.

“Siguro, I feel like five months is too long for waiting.

“So, I asked him kung puwede po ba akong mag-look ng ibang opportunity sa ibang manager and then, pinayagan naman po niya ko at yun nga po, nakilala ko si Tito John.”

Tinanong naman si Teejay kung hindi raw ba ito nanghinayang na baka kung nag-stick kay Ogie, posibleng kasama siya sa Star Circle Batch 13 ngayon.

Sabi naman ni Teejay, “Sa tingin ko naman po, in every decision naman po, may magandang result.

“But for me, itong nangyayari sa akin ngayon is a blessing in disguise. Sa GMA, napansin po ako. Kung ano man po ang narating ko ngayon is my decision.”

Sa Tween Hearts daw, naging ka-love interest din niya si Kylie Padilla at naging triangle rin silang tato ni Derrick Monasterio. Ang parehong binanggit niya ay mga nagli-lead na ngayon sa Kapuso network.

Walang inggit?

“Siguro po hindi inggit. Healthy competition po siguro. Kasi, sila rin naman dumaan doon.

“Naghintay rin sila. Like Alden Richards muna, then si Derrick, si Kristoffer [Martin]. So, I think, tiis lang. Kung talagang para sa ‘yo naman, mapapansin nila yun.

“Kung gagalingan mo, they will get you.”

LEADING MAN PEG. Sa ngayon, ang pinaka-peg daw niya o gustong tularan sa mga aktor ay si Dennis Trillo.

Ang katwiran niya nga rito, ”Nakikita ko ang sarili ko as Dennis Trillo.

“I mean, not as a leading man, ayokong tumutok as leading man, gusto kong maging character actor like Dennis, puwedeng as leading man, puwedeng ibang role.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Puwedeng bad guy but still, may flair pa rin ng pagiging leading man.

“I mean, siguro kasi, mga Filipino kapag leading man, gusto nila Aljur [Abrenica] mas matangkad.”

PAGARI. Sa Pagari naman, tumatalakay ang pelikula sa pagkakaibigan ng dalawang lalaking Muslim (brotherly love).

Si Teejay ang gumaganap sa papel ni Mohammad. At siya raw talaga ang nasa isipan ng producer ng pelikula na si Robby Tarroza ng Goldmine Entertainment Productions at the same time, director rin kasama si Bing F. Nellasca.

Sabi nga ni Teejay, “Kung hindi ko raw tatanggapin si Mohammad, hindi raw matutuloy ang pelikula. Wow, ‘di ba? Pero sa totoo lang, kakaiba yung story, sobrang interesado ako.”

Bukod dito, si Teejay rin ang kumanta ng buong soundtrack ng Pagari.

Kaya masayang sabi nga niya, “May album na ako.”

Pero noong ialok daw sa kanya ang Pagari, kahit na gusto niya ng exposure, may naging concern din daw siya.

“Actually, siyempre, gusto ko ng exposure, tapos bida ko. So, sino ang hihindi ro’n? Pero, tinanong ko at first, maghuhubad ba? Ayoko. Hindi naman bagay, e,” natawang sabi niya.

“So, para maging seryoso ang usapan, pinakausap ko sa manager ko. At siyempre, kapag manager at producer ang magkausap, nagkaintindihan sila, totoo yun.”

Anong aral ang makukukuha ng manonood ng Pagari na magkakaroon ng premiere night sa SM Megamall sa March 19 at simula nang ipapalabas sa March 20.

“I think siguro, lesson lang naman nito sa bullying, family issues and then, religion din. I think, lahat ng sector... problema, madadala rin. Hindi lang naka-focus sa magkaibigan. Hindi lang manonood diyan mag-bestfriend.

“Puwedeng may isyu sa family, sa kaibigan.”

PARENTS. Hiwalay daw ang mga magulang ni Teejay. Ang nanay daw niya ay nagta-trabaho sa Japan at isang taon pa lang daw siya, hiwalay na ang mga magulang.

Hindi na raw nag-asawang muli ang parents niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero nang kumustahin namin ang tatay niya, mabilis namang sinagot ni Teejay ng, “May bisyo. You know, alcohol… kasi, third year high school pa lang sila noong pinanganak ako.”

May girlfriend ba siya ngayon?

“Wala po,” saad niya.

“Very focused po ako ngayon. Like what I said, hindi naman po ako pinanganak with a silver spoon. I really worked hard to live.”

Hindi naman siya ang breadwinner?

“For myself, yes. We have an apartment, pero, sa needs ngayon, hindi ka lang naman mabubuhay sa P300. So, I worked hard for what I want.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN