Billy Crawford denies getting upset over Nikki Gil’s suggestive love scene in Apoy Sa Dagat; asserts, “There’s no point na pag-awayan namin yun.”

Billy on Nikki’s stellar performance in Apoy Sa Dagat: “Ako, nabitin lang ako for her performance, I hope bigyan siya ng break coz she really deserves it. Alam ko yung pinagtrabahuhan niya nun... sobrang drained siya. Pero yung performance, kitang-kita kung paano niya inatake and I think she deserves more.”


Tumatak at pinag-usapan ang mahusay na performance na pinakita nila Patrick Garcia at Nikki Gil sa pilot episode ng Apoy Sa Dagat.

Sa nasabing episode din napanood ang suggestive love scene na wala mang ipinakita ang dalawa ay mahusay namang naitawid ng direktor kung kaya’t lumabas na artistic at makatotohanan.

Pero kung hinangaan man ng marami, may mga balitang lumabas na pinag-awayan daw nila Nikki at ng boyfriend nitong si Billy Crawford ang maselang eksenang ito.

Ilang araw daw na hindi kinausap ng TV host/actor si Nikki dahil sa nasabing eskena, isyu na agad namang binigyang-linaw ni Billy na walang katotohanan.

NON-ISSUE. “Ang layo naman. Unang-una, siya ang unang-unang lumapit sa akin nagtanong kung okay daw ba, siguro bilang respeto niya sa akin bilang karelasyon,” panimulang bungad ni Billy.

“Pero trabaho niya yun, wala naman akong magaawa. Di ko napanood kasi wala ako dito, may trabaho ako at bakit ko papanoorin?

“It’s not my cup of tea, I would say, pero there’s no point na pag-awayan namin yun. Walang ganun.”

Para nga kay Billy ay nabitin pa siya para sa girlfriend dahil sa pilot episode lang ng Apoy Sa Dagat lumabas si Nikki.

DESERVING BIGGER BREAKS. Naniniwala siya na dapat lang mabigyan ng break si Nikki dahil alam niya ang galing at dedikasyon na binibigay ng girlfriend sa trabaho nito.

“Ako, nabitin lang ako for her performance, I hope bigyan siya ng break coz she really deserves it,” saad niya.

“Alam ko yung pinagtrabahuhan niya nun... yung umuuwi siya ng alas diyes ng umaga from being there from 6 o’ clock in the morning, kinabukasan na ng 10 ng umaga ang uwi niya... sobrang drained siya.

“Pero yung performance, kitang-kita kung paano niya inatake and I think she deserves more.”

GOING STRONGER. Sa recent interview ni Nikki ay nabanggit nito na ilang taon na lang ang bibilangin ay nakikita niya na mauuwi na sa kasalan ang ilang taon na rin nilang relasyon ng boyfriend. Agad naman itong sinang-ayunan ni Billy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Going on five years. As much as people want to for kung anuman ang desisyon we’re trying to do it right,” patuloy niya.

“Dito rin naman mapupunta at gusto namin mapunta sa sitwasyon na yun but right now Nikki and I, we still have our jobs, our careers... we still have things to fulfill.

“When the time is right, alam mo yung ayaw namin i-rush kasi diyan nagkakaproblema pag minamadali ang mga bagay.”

Walang bagay na sigurado sa mundo at kahit si Billy ay naniniwala dito. Maraming puwedeng mangyari pero ang importante ay ang goal nila ni Nikki na ma-work out talaga ang kanilang relasyon.

“You can’t really assure, di mo naman puwedeng pilitin, it’s just yun ang goal. Siguro being just a guy, yun have to expect na hindi iba yung intensiyon ko sa kanya,” dagdag niya.

“That’s how I approach her, mahirap na, iba-iba kasi ang mga trips ng mga relationships, e. In and out medyo mabilisan ngayon, to hold on into something real and great is a great feeling.

“Pinapa-assure ko lang sa kanya na I love this relationship.”

SAVING. Ayon kay Nikki, kailangan pa nilang mag-ipon sa ngayon ng boyfriend kung mauuwi nga talaga sila sa pagpapakasal at pagbuo ng sariling pamilya.

“Sana kasi kung gastos kami ng gastos magkahiwalay kami o magkasam kami, it’s for our own good, it’s for our future.

“We both don’t handle our money together, baka isipin ng tao may joint account— hindi. We’re totally independent... her money is her money, my money is my money but we’re both saving for our future,” diin niya.

SECRET TO LASTING RELATIONSHIP. Ang pagiging pribado ng kanilang relasyon ang pinakadahilan kung bakit masasabing tagumpay ang relasyong Nikki at Billy.

“Blessed kami, I couldn’t ask for more sa relationship namin. Di naman siya perfect, wala namang relationship na perfect but it’s more than perfect for me,” pasasalamat ni Billy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala namang selosan. Sino ba namang relationship ang walang away, walang tampuhan... normal yun. Sometimes mababaw, sometimes malaki, it all depends, depende din naman.

“Sometimes, I might be having a bad day or she might having a bad day... may masabi kaming di maganda.

“Siguro the reason why we’re keeping our relationship strong kasi di namin pinag-uusapan sa lahat kung ano ang mga pinag-aawayan namin.

“It’s our relationship so kung anuman ang mali ng taong sa relasyon na ‘yun, sa amin na lang yun.”

PARIS-BOUND AGAIN. Umalis ng bansa noong nakaraang taon para gumawa ng album sa Paris, ngayong taong ito ay aalis muli ng bansa si Billy patungong Paris para naman sa launching ng kanyang single.

“September or October aalis ako uli. That I don’t know kung ilang buwan ako, lalabas kasi yung single ko,” masaya niyang ibinalita.

“Siyempre kontrata ko nasa ABS-CBN, kahit ano ang mangyari di ba? So maglalabas lang ako ng kanta.

“Matagal na kasi akong di nagre-release dun, e... mas marami pa akong ginagawa dito so nagkataon. Hopefully, God willing... everything will be okay.

FOCUS. Naunang maging artista bago maging isang performer si Billy. Nang tanungin namin kung may balak pa ba siyang balikan ang pag-arte lalo na sa drama, mas uunahin daw muna ng TV host ang pagpe-perform na malapit talaga sa puso niya.

“Uunahin ko muna kaya ang performing. I’ve been hosting, may ASAP pa naman ako, PGT [Pilipinas Got Talent] kami, Showtime. It’s nice to get back into singing and dancing.”

“Pag sitcom madali lang naman yun. Hindi naman ako madrama kahit noong bata pa ako, e.

“Ang last drama ko na ginawa ay Pahiram Ng Isang Umaga. Yun ang pinaka-drama ko yatang nagawa but apart from that, halos lahat fantasy, comedy.

“Ayoko kasing mag-jump ng trabaho, gusto ko mag-concentrate sa isa, kung gusto kong mag-perform sige ipapasok ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ayoko ng sabay-sabay kasi dun ka maloloka, dun magugulo ang mga desisyon mo... ang performance mo... kasi di ka focused sa isa.

“Like si Nikki... when she’s doing a play, walang ibang gagawin yan... rehearsal for about a month and a half... diretso sa play.

“Nung ginagawa niya yung soap, MWF yun lang ang ginagawa niya, di siya nagpe-perform, dun lang siya naka-focus. Siguro logic naman yun,” masusi niyang paliwanag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN