Arkin del Rosario clears misconceptions about his first indie film

Arkin del Rosario on the misconception that Pagari has gay elements: “Sa story, merong gay characters pero hindi kami yun. We’re straight na friends, na magkakaroon ng misconceptions. Sa characters naming dalawa, secure kami... straight kami pero yung nakapalibot namin, sila yung magti-trigger sa tragedy dito sa story.”


Hindi naman daw nakikisakay sa kasalukuyang gulong namamagitan sa Sabah at Pilipinas ang pagpapalabas ng indie movie na Pagari (Mohammad-Abdulahh), sa mga sinehan sa March 20.

Ito ay "pure coincidence" lang daw ayon sa director at producer nitong sina Robby Tarroza at Bing Nellasca.

Ang Pagari ay pelikula na tumatalakay sa misconception sa mga Muslim at ang totoong pagkakaibigan at pagmamahal kay Allah. Ito ay pinagbibidahan ng XLR8 member na si Arkin del Rosario at Teejay Marquez.

Ang salitang “pagari” ay isang salitang Muslim na ang ibig sabihin ay pagkakaibigan.

Sa presscon ng pelikula last Tuesday, March 12 sa Max’s Fried Chicken, Shaw Boulevard, inamin ng isa sa mga bidang si Arkin na halu-halo daw ang kanyang nararamdaman sa nalalapit na pagpapalabas ng kanilang pelikula.

Aniya, “Yes, halu-halo po, e... excited, masaya, kinakabahan... sa magiging resulta, sana kapulutan ng aral ’tong indie movie na ginawa namin.”

Ano naman ang role niya sa Pagari?

Kuwento ni Arkin sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at sa Ang Latest ng TV5, “Ang role ko dito, ako si Abdullah, isa akong Muslim teenager dito.

“Ang meron sa amin dito ni Mohammad (Teejay), dalawang magkaibigan, magkababata, sobrang close kami na brothers ang turingan. Sabay kaming lumaki.”

NOT A GAY FILM. Kadalasan sa mga indie movie, laging nati-tema ang tungkol sa pagiging bakla.

Bagamat may mga gay characters sa Pagari, sinabi ni Arkin na hindi ito gay film.

Aniya, “Sa story, merong gay characters pero hindi kami yun. We’re straight na friends, na magkakaroon ng misconceptions. Sa characters naming dalawa, secure kami... straight kami pero yung nakapalibot namin, sila yung magti-trigger sa tragedy dito sa story.

Wala naman daw mga maseselang eksena ang pelikula kundi, “Meron kaming eksena na cuddling-cuddling, pero walang malisya.”

Secure naman daw si Arkin sa kanyang pagkalalaki.

Lahad niya, “Opo. Bago ko po tanggapin yung role binasa ko yung script, kailangan talaga bago mo tanggapin ang ganitong role, e, secure ka sa pagkatao mo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN