John Lloyd Cruz wants early retirement; gets emotional at the presscon of his latest movie

Naka-relate daw si John Lloyd Cruz sa kanyang karakter bilang Miggy Montenegro sa tatlong pelikula na pinagsamahan nila ni Sarah Geronimo. Saad ni John Lloyd tungkol sa leksiyon na natutunan niya sa kanyang role, “You want to be the best. You want to be number one. Yun ang gusto niya, ma-conquer niya. He wants to conquer the world. But in the end, yun ba talaga? Yun ba talaga ang magpapasaya sa ‘yo? Yun ba talaga ang importante?"


Sa simula pa lang ng presscon ng ikatlo at huling installment ng pelikula nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo na It Takes A Man and A Woman sa Dolphy Theater kahapon, March 18, napansin ng ilang entertainment press na iba ang timbre ng boses ng aktor na tila may ubo o sipon ito.

Ipinaliwanag naman ni John Lloyd na umaga na raw kasi sila natapos sa shooting at wala pa siya halos tulog.

Pero nagulat ang marami nang maging emosyunal ang aktor sa tanong kung ano ang natutunan nilang dalawa ni Sarah sa kanilang mga karakter bilang Miggy Montenegro at Laida Magtalas sa loob ng tatlong pelikula—A Very Special Love (2008), You Changed My Life (2009), at ito ngang It Takes A Man And A Woman.

Ayon kay John Lloyd, “Si Miggy naman, si John Lloyd, isa sa pinakaimportante—hindi na importante, understatement yun.

“Yung pinakamahalaga na natutunan ko, you know, lahat ‘to, lahat ng nangyayari ngayon—success, fame, money.

“Alam mo, sinabi sa akin noong isang karakter sa ano…”

Sa puntong ito ay hindi na napigilan ni John Lloyd ang mapaluha.

Nang mahimasmasan ay saka niya itinuloy ang kanyang pahayag.

“In the end, sa lahat ng nangyayaring maganda, yaman, success, in the end, sasabihin sa ‘yo, just be a good person.

“Yun lang, that’s all that matters. Yun lang, just be a good person.

“Lahat secondary.”

Sinegundahan ito ni Sarah na hindi madali ang maging good person—choosing between being the best or good person.

Sabi naman ni John Lloyd, “Yun kasi, e, that’s Miggy.

“You want to be the best. You want to be number one.

“Yun ang gusto niya, ma-conquer niya. He wants to conquer the world.

“But in the end, yun ba talaga? Yun ba talaga ang magpapasaya sa ‘yo? Yun ba talaga ang importante?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And then, isang importanteng tao sa buhay ko in the story told me, ‘You know what, I just want you to be a good person. That’s all that matters.’

“Yun ang natutunan ko.”

Nang makausap naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang entertainment press si John Lloyd pagkatapos ng question and answer, tinanong siya kung may pinagdadaanan ba siya ngayon dahilan para maging emosyunal sa pagsagot sa naturang tanong.

Sabi ni John Lloyd, “Yung character ko, naging very, very close to my heart.

“Yung naging process namin as character, talagang pinagdaanan din namin, so naging mahirap para hindi maging emosyunal.

“Masyado lang akong naka-associate sa pelikula.

“Kasi, kakatapos lang namin at talagang very emotional kaming lahat.

“I’m very much okay,” paninigurado pa niya.



THE SECRET. Kahit walang romantic involvement sina John Lloyd at Sarah sa totoong buhay ay marami pa rin ang sumusubaybay sa kanilang tambalan.

Sa katunayan, kabilang sa Top 10 highest-grossing films of all-time ang kanilang naunang dalawang pelikula.

Ano sa palagay ni John Lloyd ang sikreto at ganun kalakas ang chemistry nila ni Sarah?

Sagot niya, “Sa amin, ang hirap sagutin. Napaka… para siyang mystery until now.

“Ilang taon na rin umabot and, until now, hindi ko alam kung saan nanggagaling yun.

“Napakamisteryoso na hindi mo alam kung nangyayari ba siya in real life o hindi. May ganun.

“Ewan ko, I think, it’s something… ang hirap ipaliwanag, e.

“Hindi ko nga alam kung chemistry ba ang tawag doon. Pero definitely, malamang chemistry.

“But I think it’s beyond that. It’s beyond chemistry. It’s magical, e.

“Hindi ko alam kapag magkasama kami, kung anu-anong nangyayari, e.”

Napatili naman ang ilang fans ni Sarah, ang Popsters, na nasa balcony ng Dolphy Theater sa huling tinuran ni John Lloyd.

Pero paglilinaw ng aktor, “Ang ibig kong sabihin, kapag magkasama kami, sa mga eksena, yung mga hindi plinano, biglang lumalabas nang hindi naman namin sinasadya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Para sa akin, siguro isa yun sa mga pinakamaganda or the best na gift na puwedeng maibigan sa isang tandem.”

Tila “clueless”naman si John Lloyd nang tanungin sila sa naging tampuhan daw nila ni Sarah noon kaya yun din ang dahilan kung bakit matagal bago nagawa ang third movie nila.

Sabi niya, “Kailan po yun? Wala po akong maalala.”

Biro pa niya, “Baka naman po ibang lalaki yun.”



SARAH GERONIMO. Kumusta namang katrabaho muli si Sarah?

Sinabi kasi ni Sarah sa presscon na para rin siyang si Laida Magtalas, ang karakter na ginagampanan niya, dahil marami rin siyang pinagdaanan sa totoong buhay.

Sabi ni John Lloyd, “Gusto kong sagutin ‘yan ng hindi ganoon kaemosyunal.

“Kasi si Sarah, has been perceived by many na Sarah Geronimo, Pop Star Princess na sikat na sikat, nagkakamali.

“Nakaka-encounter ng kung anu-anong problema sa pag-ibig, sa trabaho, ganyan and, at the end, si Sarah is Sarah, tao.”

At saka nito tinanong si Sarah ng: “Ilang taon ka na ba ngayon?”

Sagot naman ni Sarah na natatawa: “Twenty-five… in a few months.”

Hirit naman ni John Lloyd, “Twenty-five ka na pala. Puwede na.”

Dugtong pa ng Kapamilya actor, “Bibilib ka sa kanya. Pupunta ‘yan sa trabaho, gagawin niya ang gusto niyang gawin. Gagawin niya ng one hundred percent. Yung dedication niya, hindi nawawala.

“So, I mean, yung mga pinagdadaanan niya ay pinagdadaanan ng normal na 25-year-old girl.

“Siguro, part din ng trabaho natin na madali tayong mahusgahan at si Sarah kasi masyado siyang totoo. She’s very candid.

“Kung ano ang gusto niyang bitawang salita, maaaring hindi napag-isipan kaagad, so sometimes kailangan din natin na, give her a break.

“Babae rin siya. Nasasaktan.

“Minsan, nadudulas ang dila. May nasasabing hindi maganda.

“But ganoon talaga. Kailangan mong palagpasin.

“Lahat naman tayo dumadaan diyan. Wala namang perfect na tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang maganda dun, on how she rise above it, di ba?

“Kaya niyang mag-apologize. Kaya niyang tanggapin kung mali ang nagawa niya.

“And then move on. And then, be a better person.

“Yun din ang nakita ko sa kanya in this movie. Yung professionalism, mas umangat pa.

“Yung dedication sa paggawa ng magandang pelikula, hindi nabawasan, mas tumaas din.

“And wala akong masasabi na para bang nabawasan sa pagtingin sa kanya, totoo yun.”

Tatlong beses na silang nagsasama ni Sarah sa pelikula, kaya marami ang nagtataka kung ano ang wala sa singer-actress at hindi ito niligawan ni John Lloyd.

Paglilinaw ng aktor, “No, hindi sa wala. Lahat nasa kanya.

“It’s just that… you have to respect kung ano yung kanyang sitwasyon.”

Nabanggit ba ni Sarah sa kanya ang mga sitwasyon na pinagdaanan nito?

“Obvious naman po and you have to respect kung ano ang desisyon niya.

“And you know, talk about priority, alam naman natin na ang priorities, e, you know, trabahuhin nang husto ang kanyang career. Be the best that she can be.

“Kasi, bakit mo ipipilit?

“Kaya nga ako, minsan, naiinis ako sa ibang lalaki. Alam n’yo naman na, bakit n’yo pa pinipilit?” saad ni John Lloyd.

Biniro naman ni Sarah si John Lloyd kung hindi ba raw nito ipinilit.

Sagot naman ni John Lloyd na natatawa, “Alam mo ‘yan, alam mo ‘yan!”

Sabi pa ng aktor, “For me, it’s hard to talk about love. Yung romantic love.

“I know one thing for sure, ngayon at hanggang tumagal, I know in my heart, we will always be special to one another, alam ko yun.”



FALLING IN LOVE. Hindi man direktang inamin ni Sarah sa press conference, tila may pagkakataon na na-in love rin ang dalaga kay John Lloyd. Ano ang masasabi ng aktor dito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Naku, hindi ako ang dapat sumagot nun,” iwas niya.

Pero naramdaman ba niya yun kay Sarah dati?

“Ang alam ko lang, kami ni Sarah, we have this very special connection na walang… mahirap ipaliwanag.

“Na kaming dalawa lang ang makakaintindi.

“Hindi mo alam kung paano nagsimula. Hindi mo alam kung matatapos o saan papunta.”

Pero pinigilan niya lang ba ang sarili na ligawan si Sarah dahil na rin sa alam niyang sitwasyon nito?

Sagot ni John Lloyd, “Oo, e, kasi at that time, talagang hindi naman talaga puwede.

“May rules ang kanyang nanay at tatay and you have to respect that, di ba?

“Kung hindi puwede at hindi ninyo kayang panindigan…

“Halimbawa, isang lalaki, alam ninyo naman ang rules, kung alam mo, don’t try to break it, nandoon yun sa simula, e.”



ROMANTIC-COMEDY. Bukas naman sa publiko ngayon na sa totoong buhay ay sina John Lloyd at Angelica Panganiban.

Mas masarap bang gumawa ng romantic-comedy movie kapag masaya rin in real life?

Sagot ni John Lloyd, “You know, isa sa minamaliit na genre yung romcom.

“Akala nila parang, ‘Naku, romcom na naman. Romcom lang ‘yan. Same formula, same ganyan.’

“But I tell you, isa sa pinakamahirap na gawin ang romcom.

“Hindi ninyo po alam kung gaano kahirap magpakilig.

“It’s a talent na hindi lahat… bibilangin mo ang merong kakayahan na magpakilig.

"At doon ako saludo kay Direk Cathy [Garcia] at kay Ate Carmi [Raymundo].

“Akala ninyo kasi, romcom, ganoon-ganoon lang.”

Mas iba ngang magpakilig sa pelikula kapag masaya rin sa totoong buhay ang lovelife?

“Sa akin kasi, wala namang pinagkaiba.

“Kung pagbabasehan natin ang material, I mean, hindi kasi dapat i-associate ang personal na relasyon sa ginagawa ko.

“Kasi, kapag ginawa mo yun, you know, baka hindi siya mag-work.

“Try to focus kung ano ang hawak mong materyal at kung ano ang hawak ninyong chemistry ng ka-partner mo at ng director mo at writer mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At pagtulung-tulungan ninyo para ma-achieve ninyo ang isang pelikulang magpapasaya ng maraming tao.”



EARLY RETIRMENT. Tinanong din si John Lloyd on what would it take for him to settle down?

Sagot niya, “Konti pang stability—sa pamilya, sa finances… financial stability.

“In time, hindi ko alam kung dapat kong sabihin… I’m thinking of early retirement.

“Gusto kong ma-enjoy ang buhay ko kasama ang magiging pamilya ko.

“I want to spend more years, quality, and actually quality life, you know, with my family and would-be family.

“Siguro, kapag dumating yun, on the side, pili tayo ng mga projects.

“Kung meron tayong ganoong privilege, yun sana ang magawa ko.

“Sa edad, hindi ko pa masabi kung anong edad.”

Hindi raw niya talaga masabi kung anong edad siya magre-retire.

“Again, hindi naman age mo ang magdi-dictate nun.

“Kapag dumating na siya at naramdaman mo na, baka puwede na.

“Mahirap magbigay ng edad,” sabi ni John Lloyd.

Na-curious naman ang marami sa entertainment press na dumalo sa presscon kung bakit nasabi ni John Lloyd na gusto niyang magkaroon ng early retirement.

Sagot ng aktor, “No, it’s basically all about achieving quality in life.

“When you are in this business, talagang medyo toxic.

“Kung kakayanin na to have an early retirement and enjoy more quality time with my family—with my mom especially, with my love ones.”

Kasama na rin ba rito ang pag-aasawa?

“Hindi naman, hindi naman po.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN