Christine Bersola-Babao still gets attacked by critics after apologizing over column about homosexuality

Patuloy pa rin ang pag-atake ng mga kritiko sa TV host na si Christine Bersola-Babao kaugnay ng isinulat niyang kolum tungkol sa homosekswalidad. Ito ay sa kabila ng paghingi na niya ng paumanhin.


Patuloy pa rin ang atake kay Christine Bersola ng ilang miyembro ng LGBT (Lesbian, Gay, Bisexual and Transgender) community pagkatapos mag-apologize ng TV host via Twitter dahil sa lumabas sa kanyang column na “ParenTin Talk” sa Philippine STAR titled “Being Gay.”

(CLICK HERE to read related story.)

Sa huling pakikipag-uusap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Christine last March 15, via the social networking site Facebook, sinabi niyang ginagawa niya ang kanyang next column na lalabas this Wednesday (March 20) bilang sagot sa lahat ng mga katanungan at sa mga kumukuwestiyon sa kanyang isinulat sa column na lumabas noong March 11.

Sa pamamagitan daw ng kanyang column ay maipapaliwanag na niya ang lahat na sana’y maging malinaw na para sa LGBT community.

“Less said, the better,” sabi ni Tintin, palayaw ng TV host.

Inabisuhan din daw kasi si Tintin na sumagot na lang pagkatapos lumabas ang kanyang column sa Wednesday.

“It’s an editorial advice. Since it all started sa column ko in Philippine STAR, dun din ako sasagot.

“I guess many will get my answer there.

“But if there are still questions. I am willing to answer basta mauna lang lumabas ang column,” sabi pa niya.

ANG LADLAD. Ang LGBT group na Ang Ladlad ay nagpahayag ng kanilang disappointment sa diumanong “homophobic” point of view ni Tintin.

Isa sa tatakbo bilang party-list ang naturang LGBT group sa May elections.

Ito ang bahagi ng reaksiyon ng Ang Ladlad sa isinulat ni Tintin na lumabas sa kanilang Facebook page last March 13:

“While Ang Ladlad appreciates the efforts by media personalities to discuss LGBT issues more openly, these discussions should be enlightened and respectful of the equal rights of LGBT persons.

“Outdated and destructive gender stereotypes are not helpful and can have adverse effects on children’s sexual orientation and gender identity development.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mrs. Bersola-Babao’s moral condemnation of same-sex relations is unfortunate, and her advice to parents on how to deal with their effeminate sons is wrong-headed, woefully inadequate, and potentially damaging. In our view, it makes questionable her role as a dispenser of good parenting advice.”

PAP DEFENDS TINTIN. Mabilis namang ipinagtanggol ng Psychologist Association of the Philippines (PAP) si Tintin.

Nagsimula kasi ang lahat ng ito dahil sa ginawang interview ni Tintin sa kanyang resource person, ang psychologist na si Dr. Camille Garcia.

PAP reaffirms their position against discrimination of the LGBT community.

“The Psychological Association of the Philippines (PAP) wishes to reaffirm its position borne from scientific knowledge that being gay is not a disease or disorder.

“The PAP enjoins Filipino psychologists to stand by their professional and ethical commitments to affirm the rights and wellbeing of all individuals.

“Its position paper on Non-Discrimination Based on Sexual Orientation, Gender Identity and Expression reads, ’The PAP Code of Ethics (2010) is clear in its stance against discrimination. Filipino psychologists are called upon to recognize the unique worth and inherent dignity of all human beings; and to respect the diversity among persons and peoples.’

“This means that Filipino psychologists should not discriminate against or demean persons based on actual or perceived differences in characteristics including gender identity and sexual orientation.”



LEA SALONGA. Last March 14 ay may isinulat naman si Lea Salonga sa kanyang column sa Philippine Daily Inquirer tungkol sa pagtingin ng ibang tao sa mga gay people.

Heto ang nilalaman ng column ni Lea:

“That’s what gay people ultimately are—men and women on this adventure we call life, navigating it with much uncertainty, fear, anxiety and hope.

“They are our friends, lovers, mothers, fathers, sons, daughters, aunts, uncles, nephews, nieces, coworkers, rock stars, doctors, lawyers, lawmakers, teachers, artists, actors, writers, directors, musicians, authors, businessmen, store owners, designers, athletes, singers, dancers, and students. They are all ultimately human.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Marami ang nag-assume na tila pinapatamaan ni Lea si Tintin dahil sa isinulat nito sa kanyang column.

Nang banggitin namin ito kay Tintin, hindi siya aware sa isinulat na iyon ni Lea.

Magkaibigan sina Tintin at Lea dahil naging schoolmates sila noong elementary years sa OB Montessori Greenhills.

Sa gitna ng kontrobersiyang ito, nagpapasalamat si Tintin sa suporta na binibigay sa kanya ng marami, lalo na sa mga matagal nang nakakakilala sa kanya na alam na hindi siya isang homophobic na tao.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN