John Lapus on popularity of KathNiel loveteam: "Nakakaloka ang mga tao! Hindi magkamayaw kapag nakikita nilang magkasama ang dalawa."

Naging saksi raw si John "Sweet" Lapus sa off-screen romance ng ilan sa pinakasikat na loveteams sa bansa, tulad ng Jolina-Marvin, Judy Ann-Wowie, John Lloyd-Sarah, at Marian-Dingdong. Sabi ni Sweet, “’Yang mga loveteam-loveteam na ‘yan, diyan nagsisimula ‘yan."


Kabilang ang TV host-comedian na si John “Sweet” Lapus sa natutuwa dahil certified box-office hit ang launching movie nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, ang Must Be Love.

Kasama si Sweet sa pelikulang ito ng Star Cinema bilang ang tulalang tiyahin ni Daniel na si Baby.

Noong sinu-shoot pa lang nila ang pelikula ay naloloka raw si Sweet sa maraming fans ng dalawa, lalo na kay Daniel na grabe raw ang appeal sa mga kababaihan at kabaklaan.

Sabi ni Sweet sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Naku, saksi ako sa grabeng pagtanggap ng mga fans sa dalawang ‘yan!

“Nakakaloka ang mga tao! Hindi magkamayaw kapag nakikita nilang magkasama ang dalawa.

“Lalo na itong si Daniel, siya pa ang lumalapit sa mga fans kaya lalong kinikilig ang mga impakta!

“Tuloy, ang shooting namin, hindi matapus-tapos dahil kailangan i-control ang mga fans.

“E, ang mga impakta, mga pasaway! Ayaw magpatahan!

“Pero sa totoo lang, noong makiusap na si Daniel sa kanila, ayun, nag-behave na sila.

“Pero noong matapos ang eksenang kinukunan namin, nagtilian na naman ang mga impakta!"

Nakausap ng PEP si Sweet via FaceTime sa iPhone last March 16.

HOTTEST LOVETEAM. Kaya nang maging box-office hit ang Must Be Love ay hindi na nagulat si Sweet dahil kitang-kita niya ang suporta ng mga fans nito noong premiere night pa lang.

“Hindi nga ba’t muntik nang magkagulo ang mga fans noong premiere night sa SM Megamall?

“Matagal nang hindi nagkaroon ng ganyang kaguluhan na kailangan pa ng matinding security, di ba?

“Kaya walang duda na hottest loveteam nga ang KathNiel and I am so proud na nakasama ko sila at naging bahagi ng first movie nila as a loveteam,” nakangiting saad ni Sweet.



LOVETEAMS. Marami nang nasaksihan si Sweet na loveteams na tila nagkatuluyan sa kanilang pagtatambal sa pelikula.

“Ay, oo naman. Marami na akong nasaksihan—mapa-TV man o pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Yang mga loveteam-loveteam na ‘yan, diyan nagsisimula ‘yan.

“Tulad na lang noong mga early movies ko, tulad ng Flames: The Movie, hindi ba sila Marvin Agustin at Jolina Magdangal ang loveteam?

“Twice ko silang nakasama at yung isa ay yung Kung Ayaw Mo, Huwag Mo.

“Ewan ko lang kung bakit walang umaamin sa kanilang dalawa na naging sila. E, 1997 at 1998 pa iyon.

“Kung sabagay, may mga kanya-kanya na silang mga pribadong buhay kaya mahirap na kung may aminin sila. Pero sa totoo lang, ang sweet nila nun, ha!

“Saksi rin ako sa Judy Ann Santos at Wowie de Guzman love affair.

“May ginawa kami, yung Muling Ibalik Ang Tamis Ng Pag-ibig at Dito Sa Puso Ko. In fairness, maasikaso si Mareng Juday kay Wowie.

“Pero ngayon siyempre, may sarili na silang mga dyowa. Pero in fairness, nakakakilig ang Juday-Wowie loveteam noon.

“Sa TV naman," patuloy ni Sweet, "nakasama ako bilang guest sa Marimar noon.

"May tsismis na before kina Dingdong Dantes at Marian Rivera, di ba, kahit na meron pa silang mga ibang partners.

“E, matindi ang radar ko, di ba? Kaya may-I-ask ako sa mga tao doon kung ano ba ang real score. Walang nagsasalita.

“Pero kita n’yo naman, six years na ang nakakaraan at sila Dong at Yan-Yan pa rin.

“Isa pang saksi ako ay kina Sarah Geronimo at Gerald Anderson sa I Won’t Last A Day Without You.

“Dyusko, kilig-kiligan si Sarah kapag nandiyan si Gerald!

"Napaka-gentleman kasi ni Gerald. Akala ko ako ang hinihintay sa set, yun pala si Sarah!

“Hay, ang haba ng hair ng impaktang Sarah na ‘yan! Halos matapilok ako sa haba ng buhok niya.

“Bagay na bagay silang dalawa, in fairness.”

Huling nasaksihan ni Sweet na pamumuo ng pagtitinginan sa set ng dalawang artista ay sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati sa taping noon ng Makapiling Kang Muli.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento niya, “Witness ako sa pagkahumaling ni Chard kay Sarah.

“Ang Sarah naman kasi, maganda na, matangkad, tapos nagsasalita pa ng French at Swiss. Foreigner ang lokah! Kinabog ako!

“Kaya ayun, na-in love si Chard sa kanya.

“Nanghinayang lang ako kay Sarah kasi nandoon na siya. Leading-lady status na.

“Pero pag-aaral naman ang ipinagpalit niya sa career kaya okey lang.

“Siguro naman, anytime puwede pa siyang makabalik dahil artista talaga ang dating niya.”

ANGELINE QUINTO. Abala rin si Sweet sa taping ng Kahit Konting Pagtingin sa ABS-CBN.

Maganda raw ang takbo ng kanilang show at natutuwa si Sweet sa pakikipagtrabaho kay Angeline Quinto.

Saad niya, “Masarap katrabaho si Angeline. Walang kiyeme sa katawan at nanghihingi ng opinyon tungkol sa acting.

“Willing siya matuto kaya magandang attitude iyon para sa tulad niyang bago pa lang sa industriya.

“Basta tutukan n’yo ang character ko na si Milo kasi paiba-iba siya.

“Hindi mo alam kung kakampi ba siya or kaaway. Basta every week may mari-reveal na lihim sa show.”

TALENTADONG PINOY. Masaya rin naman si Sweet sa kanyang pagiging busy para sa award-winning talent show na Talentadong Pinoy ng TV5. Bumalik na raw kasi ito sa original nitong araw na Sunday sa Kapatid network.

Sabi ni Sweet, “Maraming salamat sa mga sumusubaybay parati sa Talentadong Pinoy, lalo na sa Talentadong Pinoy Worldwide.

“Happy kaming lahat kasi madami pa din tumututok sa show namin kahit na may iba pang mga pagpipilian na mga talent shows na panonoorin.

“Siyempre, the original is always first. Bago pa man magkaroon ng mga franchise ang mga international talent shows, nandito na ang Talentadong Pinoy. The first and the original.

“Kaya sobrang saya ko na kasama ako sa show na ito at ka-tandem ko si Direk Jose Javier Reyes at Ms. Amy Perez.”

Wala raw nagiging problema kay Sweet kung lumabas man siya sa anumang TV network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Thankful ako kasi blessing lahat ito.

“Gano’n yata talaga kapag hindi ka nagsusunog ng tulay.

“Willing naman ako na maging exclusive. Pero wala namang offer so might as well work with all networks.

“Sabi ko nga sa mga friends ko sa GMA, e, puwede naman ako mag- guest basta hindi katapat ng Kahit Konting Pagtingin at Talentadong Pinoy Worldwide.

“The more, the merrier, di ba?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN