Nikki Gil denies boyfriend Billy Crawford gave her the silent treatment for doing suggestive scene in Apoy Sa Dagat

Ipinagtanggol ni Nikki Gil ang boyfriend niyang si Billy Crawford sa balitang nagalit daw ito sa kanya dahil ginawa niyang suggestive scene. Aniya,“Hindi na bagets si Billy, hindi na rin naman ako bagets. Saka alam naman niya na hindi ako ganoon sa totoong buhay.”


Napabalitang ilang araw na raw hindi kinakausap ni Billy Crawford ang girlfriend niyang si Nikki Gil.

Ayon pa sa report, nagtampo raw ng singer-TV host dahil sa suggestive scene na ginawa ni Nikki at ni Patrick Garcia sa ABS-CBN primetime series na Apoy Sa Dagat.

Sa huling interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Billy, agad nitong nilinaw na walang katotohanan ang lumabas na balita.

(CLICK HERE to read related story.)

Bagay na agad sinag-ayunan ni Nikki nang makapanayam siya ng PEP at Cinema News noong Linggo, March 17, sa ASAP.

Sabi niya, “Hindi naman niya napanood, pero hindi ‘yan totoo.

“Hindi na bagets si Billy, hindi na rin naman ako bagets. Saka alam naman niya na hindi ako ganoon sa totoong buhay.

“Alam naman niyang role lang yun… siyempre for any real-life couple."



PERMISSION. Tulad ng sinabi ni Billy, ipinaalam muna ito ni Nikki sa boyfriend bago niya ginawa ang nasabing eksena.

“Alam niya at saka alam niya na ngayon maipapalabas ‘yan.

“Sabi niya sa akin, ‘Maiintindihan mo naman siguro kung di ko na lang papanoorin ‘yan.’

“Sabi ko, ‘Oo naman, okay lang kung di mo mapanood.’

“It takes a matured man to handle that and I’m very thankful na si Billy, e, matured… alam niya ang trabaho ko.

“Siyempre, in any real-life couple, kahit naman siguro madalas nang ginagawa yun, e, di pa rin madaling tanggapin for a real-life partner.”



SUGGESTION. Ayon din sa boyfriend, sana raw ay mabigyan ng mas magagandang proyekto si Nikki dahil bukod sa husay nito sa pag-arte ay alam din niya ang pagmamahal at dedikasyon nito sa trabaho.

“Of course, he will say that… he’s my boyfriend!” sabay tawa ni Nikki.

“Sana, any artist would hope na magpatuloy kung anuman ang magagandang nangyayari sa karera nila.

“Sana nga magdilang-anghel si Billy.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



AIRING. Pinag-usapan at hinangaan ng marami ang ipinakitang husay nina Nikki at Patrick sa pilot episode ng Apoy Sa Dagat.

May nakalinya na ba siyang serye na gagawin?

Sagot ni Nikki, “Wala pang nasasabi sa akin, siyempre mga chika-chika lang.

“Ako, basta di umeere. Kasi minsan, kahit na-shoot mo na, di pa naeere. So habang di umeere, I’d rather wait na iere ito.”



THEATER. Isa rin sa pinagkakaabalahang gawin ni Nikki ay ang mga stage plays kung saan kamakailan nga ay napanood siya They’re Playing Our Song.

Aniya, “Okay naman, it was successful… tapos na siya.

“Siyempre, salamat sa lahat ng nanood. May pinag-uusapan na re-run, pero tingnan natin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN