Khalil Ramos on pursuing Julia Barretto: “Wala pa naman ako sa level na ‘yan... mapipigilan ko pa naman.”

Ito ang sagot ni Khalil Ramos sa intrigang kumukuwestiyon sa kanyang kasarian: "I know people will be talking about me. Lalo na kami na exposed kami sa lahat ng intigues, di ba? Anyone can… yung iba kasi para may masabi lang. Sa akin naman kasi, whenever I step on stage or be in front of the camera, I need to please everyone. If I do bad, alam ko na pag-uusapan ako.”


Matapos maging finalist sa third season ng Pilipinas Got Talent (PGT), tuluy-tuloy na ang pagpailanlang ng career ni Khalil Ramos.

Napasama na siya sa toprating primetime series na The Princess And I at ngayon ay bahagi na siya ng Star Magic 2013 contract artists.

Higit pa sa saya ang kanyang nararamdaman nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Khalil nitong Linggo, March 17, sa studio ng ASAP Live!.

Sabi niya, “It goes to prove that dreams do come true.

“I’m really thankful to those who supported me.

“Right now, I’m doing good—pa-shower nang pa-shower ang mga blessings.

“And I just happy and it’s very overwhelming.”

Any word of encouragement sa mga aspiring PGT contenders?

“Doon sa mga aspiring singers na sumasali sa PGT, just continue your passion with your craft.

“Maniwala kayo sa sarili ko. You also have to be professional...

"Continue drawing inspiration from us ‘coz who knows, di ba? Wala namang imposible.”

KATHNIEL LOVETEAM. Showing na ang Must Be Love ng Star Cinema na first movie ni Kathyrn Bernando at Daniel Padilla. Reportedly ay isa itong box-office hit.

Bilang kaibigan ng dalawa at co-stars sa Princess and I, inalam namin kay Khalil ang kanyang reaksiyon.

“Hindi ko pa nga siya napapanood,” sabi niya.

“Pero, I’m really happy for them.

“Alam ko naman na malaki na rin ang following nila, so more or else ay di naman nagulat sa result.

“So, congrats sa kanila."

Bakit hindi siya nakasama sa cast ng Must Be Love?

Sabi niya, “I was offered a role sa movie pero hindi ako available.

“Tinatapos ko kasi ang high school and if I accepted it, I would be gone for two months.

“Hindi ako puwede kasi ga-graduate na ako next week.”

Madalas silang nagkakasama sa taping ng Princess and I, totoo bang may relasyon na sina Daniel at Kathryn base sa nakikita ni Khalil?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“If they are together?” patanong niyang sagot.

“I’m not sure, but I guess they treat each other very special. I can see naman na close na close sila... masaya sila.

“I think that’s the right term for them—they’re happy together."



COMPETITION. Bilang member ng bagong batch ng Star Magic, ano sa palagay ni Khalil ang chance niyang sumikat?

“Nasa sa akin na yun kung paano ako sisikat,” positibo niyang pananaw.

“It’s a choice, it’s my choice to do my best.

“I’ll give myself a 100 percent and the rest will follow.”

Individually kasi ay may kanya-kanya qualities ang mga Star Circle actors na pagkakaguluhan at mamahalin ng mga tagahanga.

Is he in competition sa ibang guys ng batch niya?

“Sa tingin ko ay hindi naman maiiwasan ang competition,” nag-aalangan pang pahayag niya.

“Hindi ko naman inisip na, ‘Heto, dapat talunin ko ito.’ Hindi ganoon.

“Ako, I just have to do my best, di ba? For me kasi you just have to stand up.”



GENDER ISSUE. How about intigues? Paano niya iha-handle ito? Lalo na silang mga baguhan na masyadong prone to intrigues.

“So far, wala pa namang intriga sa akin,” nangingiting sambit niya.

“Wala pa, e. Hindi ko pa na-experience.

“If ever naman, sasagutin ko honestly. Kasi naman, hindi naman maiiwasan ‘yan.”

Pero, as early as now, may kumukuwestiyon na sa kanyang gender preference, any reaction?

Bulalas niya na parang nagulat pa, "I know people will be talking about me.

“Lalo na kami na exposed kami sa lahat ng intigues, di ba? Anyone can… yung iba kasi para may masabi lang.

“Sa akin naman kasi, whenever I step on stage or be in front of the camera, I need to please everyone.

“If I do bad, alam ko na pag-uusapan ako.”



SHOWBIZ CRUSH. Inamin na dati ni Khalil na ang ka-batch niya na si Julia Baretto—anak nina Marjorie Baretto at Dennis Padilla—ang kanyang showbiz crush.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nasabi ko naman na sa press na siya ng crush ko,” kumpirma niya.

“I find her really pretty at naku-kyutan ako sa kanya.

“Anyway, we’re still both young.”

Nag-react ba si Marjorie sa revelation niyang ito?

Natatawang saad niya, “I’m not sure. Hindi naman namin napapag-usapan. Love naman ako ni Tita Marjorie.

“Super-bait naman niya... super fun. And... okey naman kami.

“I don’t know. Di ko pa naman nakikita ang reaction niya.”

May plano ba siya na i-pursue ito?

“Hindi pa naman. Wala pa naman ako sa level na ‘yan—mapipigilan ko pa naman.

“I know I have to set my priorities.”

Paano naman tinanggap ni Julia ito?

Nahihiyang tugon ni Khalil, “Nagulat lang siya. Parang hindi niya kasi alam na sasabihin ko siya.

“Hindi ko pa siya natatanong nang harapan kung ano ang comment niya.”

Buti hindi nagbago ang pakikitungo nito sa kanya?

“No, no,” pag-a-assure niya.

“Pinag-usapan na namin na walang magbabago sa amin—we’re friends—we’re really good friends.

“And we’re getting to know each other more.

"I’m just happy na pareho kaming nasa Star Magic so we get to see each other more.

“Masaya,” pahabol niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN