Alessandra de Rossi on plans to quit acting: “Kung hindi magbabago ang sistema, magbabago na ako ng ibang gagawin na mas makabuluhan.”

May feeling of guilt si Alessandra de Rossi sa mga kontrabida roles na ginagampanan niya. Paliwanag niya, “For so many years, yung mga viewers walang nakitang maganda galing sa akin… Walang nai-contribute sa society o sa humanity ang mga klase ng mga characters na ginampanan ko… So, medyo concerned na ako.”


Magpapahinga muna ang aktres na si Alessandra de Rossi matapos niyang gumanap bilang Baby Umali sa GMA-7 primetime series na Pahiram ng Sandali.

Tapos na kasi ang taping ng kanilang serye at sa bahay na lang ang Kapuso actress habang naghihintay ng susunod niyang drama soap.

Sa plano niya, “Hindi ako mahilig sa mga travel-travel na ‘yan.

“Siguro kung may dyowa ako, puwede. E, wala naman. So, sa bahay lang ako.”



LOVELIFE. Tuluy-tuloy pa ang kuwento ni Alex sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya sa GMA-7 studio.

Ipinagdiinan niya na wala siyang lovelife ngayon.

“Six years na akong walang dyowa… hindi ko alam kung bakit.

“May mga nanliligaw paminsan-minsan pero binabara ko agad.

“Ayoko lang mag-entertain, kasi ayoko namang magpaasa ng tao. E, wala naman ako sa mood na makipag-boyfriend.

“So, huwag na lang. Sayang naman yung oras.”

Nadala na ba siya sa pakikipagrelasyon?

“Hindi naman. Ano lang siguro, masyado ko lang ini-enjoy yung privacy ko…

"Masaya, e! Masaya.

“Mas nakilala ko ang sarili ko na walang taong nag-iimpluwensiya ng mga desisyon ko.

“Ako lang at wala akong tinitingnang ibang schedule kundi yung schedule ko lang—lahat ng desisyon ko sa akin nanggagaling.

“So, masaya! Ini-enjoy ko na lang.

"Madalang lang naman itong mangyari sa buhay ko, di ba?” nakangiti niyang saad.



STILL SINGLE. Six years nang single si Alex at aminado naman siyang naiisip din niya ang pakiramdam ng mayroong boyfriend.

“Well, hindi naman sa nami-miss,” pagsisiguro niya.

“Kapag wala yung mga friends ko, parang, siguro kung may dyowa ako, kahit wala yung mga friends ko, parang hindi ako mag-isa.

“Yung ganoon lang, pero hindi naman yung nami-miss na ipinagdadasal ko na magkaroon ako ng boyfriend.”

Mahirap bang pumasok sa panibagong relasyon kung ibabase sa mga pinagdaanan niya noong panahong may boyfriend siya?

“Hindi naman. Ahmm… nasa sa iyo lang naman kung saan ka mas nag-e-enjoy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako kasi ngayon, mas nag-e-enjoy ako mag-isa.

"Alam ko kasi pag nagka-boyfriend ako, ang routine ko, mag-iiba.

“Kasi for two people na akong mag-iisip, di ba?

“E, hindi pa ako ready i-give up ang buhay ko… parang ang saya ko pa… parang ang selfish ko, di ba?”

Ang ibig ba niyang sabihin, matagal pa ang plano niyang magkapamilya?

“Yun lang. Kasi magtu-twenty-nine na ako this year.

"Dapat nga apat na yung anak ko by this time, di ba?

“Kaya nga… So, hindi naman yun ang ibinigay ni God. So, tingnan na lang natin.

“Gusto ko sana bago mag-thirty, pero magti-thirty na ako, tapos wala naman akong gusto, paano yun?

“So mga thirty-nine… charot! Bahala na si Lord!”

SUITORS. Ang mga nanliligaw ba sa kanya ay mga taga-showbiz din o wala sa mundo niya?

Sagot ni Alex, “Showbiz, non-showbiz… gusto mo yun?

"Pero wala talaga akong ano sa kanila… saka pag nagte-text sila, hindi ko sinasagot.

“Pag sinagot mo, magkakapag-asa.

"Hindi naman ako suplada. Ibinigay ko naman yung number ko, pero hindi ako nagri-reply.

“Ayaw ko talaga silang paasahin, kasi ang sama mo naman kung gagawin mo yun.

“Kasi, pag sumagot ka once, puwede kang sumagot uli, di ba?

“Iisipin niya yun… mas mabuting huwag ka nang sumagot.”



BURNOUT. Nagkaroon ng impression ang media kay Alex na nagsasawa na ito sa showbiz—marami siyang reklamo, napapagod na siya, at gusto na niyang iwan ang pag-aartista.

Hindi naman kinontra ni Alex ang mga nasabi niya noon sa nakaraan niyang mga panayam.

“Oo, hindi… totoo yun!” patotoo sa kanyang mga saloobin.

“Hindi… ang ayaw ko lang naman, na-realize ko rin kasi na for so many years, iisa lang ang ginagawa ko.

“Okay lang naman yun, wala namang problema.

“Pero siyempre, as an artist, lalo na ikaw, alam mo kung ano ang kaya mong gawin, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung iyon at yun din lang ang gagawin mo, wala… wala na.

“Parang maghahanap ka na lang ng purpose sa ibang bagay.

“Kung ang purpose ko ay paulit-ulit lang, parang hindi naman yatang magandang purpose ‘yan, di ba?

“And plus the fact na yung mga roles ko, masama ang ugali.

“Parang feeling ko, for so many years, yung mga viewers walang nakitang maganda galing sa akin.

“Kumbaga, walang nai-contribute sa society o sa humanity ang mga klase ng mga characters na ginampanan ko.

“So, medyo concerned na ako. Siyempre, malaki ang entertainment sa buhay ng tao.

“So, kung nakakaimpluwensiya ka sa masasamang bagay, parang minsan nagi-guilty ka na… So, yun!”



KONTRABIDA. Sa pagkakaalam ni Alex, sampung taon na siyang gumaganap ng kontrabida roles.

“Na wala naman siyang problema talaga,” paglilinaw niya.

“Pero kung iisipin mo lahat ng bagay na yun, as an actress, okay, fine.

“Pero as a person, nagkakaroon na ako ng struggles na nahihirapan na ako na parang, ‘O, ano’ng role mo diyan, manggamit? Ano’ng role mo dito, mang-aagaw? Ano’ng role ko diyan, mamamatay-tao? O, dito? Kabit!’

"Parang nakakahiya naman.

“Kasi, lalo na ako in person, na sobrang nakaka-inspire na, ‘Hoy, lahat na ng taong nadikitan ko, napagtrabahuhan ko nang maayos, nabigyan ko ng magandang inspirasyon.

“Pero kung sa trabaho ko naman, puro kapangitan… sandali lang…

“Parang kung iisipin mo in a godly way, kung binigyan ka ng talent ng Diyos, tapos gagamitin mo lang sa ganyan, huwag na lang siguro.”

Nililinaw naman ni Alex na ang kakatapos niyang serye ang hindi huling kontrabida role na gagawin niya sa kanyang acting career.

“Sabi ko naman, okay lang naman sa akin yung kontrabida.

“Bigyan lang ako ng back story kung bakit nagiging masaya ang tao kung bakit siya naging masama…

“Kung bakit siya umaabot sa point na kailangan niyang maging madamot, makasarili.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, ‘eto namang Baby Umali na character [Pahiram ng Sandali] in all fairness, malalim naman yung pinanggalingan niya.

“Tunay siyang tao, yung emotions niya, sincere.

“Mali lang yung choices niya sa buhay, pero hindi siya black, hindi siya ganoon kasamang tao.

“Yung ibang story kasi, ipinanganak lang na gustong angkinin lahat.

“Mula sa pera hanggang sa lalaki, sa pamilya ng kaaway niya… wala namang ginagawa sa kanya, galit lang talaga sa kanya. Bakit ganoon?

“Ako mismo, nagtataka, ‘Saan ba nanggagling itong character ko, Direk?’

“Kasi, ako mismo, hindi ko maintindihan… parang ganoon.

“Siyempre, concerned rin ako sa mga napapanood ng mga bata.”



GRIEVANCES. Alam na ba ng GMA-7 ang grievances niya tungkol sa mga roles o character na hindi niya gustong gawin?

“Yes, nasabi ko na.

"Sabi naman nila, yun nga, aayusin sa susunod.

“Sabi ko, ‘Hindi naman po kailangang mabait, sa totoo lang. Hindi naman ako demanding.’

“Yun lang, ma-explain lang. Hindi lang naman yun para sa akin kundi para rin sa mga manonood.”

Hindi talaga gusto ni Alex na maging influential sa mga manonood.

“Siyempre, ayoko.

"Wala namang ginagawa yung character sa kontrabida. Gusto lang mag-plot ng masama sa kapwa.

“Natapon lang ng waiter ng pagkain, sisigawan mo na. ‘Bakit ganyan ka, galit sa mundo?!’”

Umaayon din si Alessandra sa mga pagbabago ng character ng mga kabataan sa ibang bansa kung saan nagiging psychologically disturbed or nagsu-suicide dahil sa mga napapanood nila.

“Exactly my point! Kaya concerned rin ako gaya sa YouTube na may nagwawala or nagagalit na parang, ‘Saan mo napanood ‘yan? Sa TV ba ‘yan, sa mga magulang mo ba ‘yan? Sa kanto or whatever?’

“Kasi, kung sa TV, guilty rin ako. Ayoko ng ganoon.”



MUSIC. Ang outlet na lang ni Alessandra na pambalanse sa mga mean character roles na ginagampanan niya ay ang musika.

Kuwento niya, natuwa siya noong unang nilunsad ang kanyang album at marami ang nag-tweet.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’I didn’t know na ganyan ka pala ka-good vibes! Sobrang good vibes yung music mo at saka yung lyrics!’

“E, kasi ganyan naman talaga ako, e. Yung script lang naman ang nagpapasama sa akin, e.”

Malabong mapanood si Alex na kumanta sa harap ng maraming tao para sa isang intimate concert o show dahil mahiyain siya.

“Hindi ko type. Hindi ko kaya…

"I mean, kaya kong mag-live flawlessly pero pag maraming tao na, hindi na lalabas ang boses ko.

“Kailangan, ka-close ko yung mga tao sa harap ko. Kung hindi, huwag na lang.

“Pero who knows, baka in the future, kung may asim pa ako or by that time ready na ako, bakit naman hindi?

“Pero as of now, hindi ko trip.

"Hindi ako ipinanganak na performer, e. Artista nga, ayokong mag-theater, e.

“Ayokong maraming nakatingin sa akin—hindi ko kaya.”



INDIE FILMS. Bukas naman si Alex sa paggawa ng indie films na puwede rin niyang maging outlet para gawin ang roles o character na gusto niya.

Pero prangkahang sinasabi ng award-winning actress na hindi siya mabubuhay na indie film lang ang gagawin niya.

“Kailangan lang na i-set ang sarili ko, na kung hindi magbabago ang sistema [sa roles na ginagawa niya], magbabago na ako ng ibang gagawin na mas makabuluhan.

“Tapos, meron akong mai-inspire bukod sa sarili ko.”

Napag-isipan na ba niya kung kailan gagawin ang paghahanap ng ibang makabuluhan?

“E, four years pa ang bahay ko, so kailangan kong kitain sa showbiz. Hindi ko kikitain yun sa iba, di ba?”



SISTER ASSUNTA. Ang nakatatandang kapatid naman niyang si Assunta de Rossi ang kinumusta namin kay Alex.

“Ayun, nasa bahay. Naghahanda siya sa pangangampanya kay Jules.”

Ang tinutukoy ni Alex ay ang bayaw niyang si Congressman Jules Ledesma ng first district ng Negros Occidental.

Itinanggi ni Alex ang umano’y paghihiwalay nina Assunta at Jules, pero bakit may ganitong naglalabasang balita?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I don’t know. Ewan ko, hindi na ‘yan natapos-tapos.

"Siguro, hindi kasi sila nakikita together.

“E, si Jules, hindi naman lumalabas yun. E, si Sam [palayaw ni Assunta], ‘pag lumalabas yun, sa bahay ko lang. Hindi rin siya lumalabas.

“Hindi rin naman siya sumasama sa mga showbiz events. So, siyempre, iisipin nga nila na siyempre hiwalay na.”

Muli naming binanggit kay Alex na may balita ngang lumabas na hiwalay na nga ang kapatid kay Jules.

“Congratulations naman sa credibility nating lahat!” bulalas niya sabay tawa.

Alam ba ni Assunta na may ganitong balita?

“Oo naman!” mabilis niyang sagot.

“Sabi ko nga sa kanya na, ‘Ano naman itong tsismis na ganyan-ganyan?’

"’Ay, naku sabihin mo sa kanila na kabibili lang namin ng bahay…’

"Ay, kayo na—mayaman! Charot!

“’Anong gagawin namin sa bahay kung hiwalay na kami?’ sabi niya.

“Sagot ko, ‘E, di, tig-isa kayo ng kuwarto! Charot!” natatawang pahayag ni Alex.

“Kasi alam niya ang totoo. Hindi naman siya nagugulat dahil wala namang bago sa kanya.

“Ako, may tanong-tanong pa ako na, ‘Kung hindi ito totoo, saan ito galing? Bakit may ganyan?’

"So, wala… wala siyang pakialam.”



HAPPY MARRIAGE. Happy ba naman si Assunta ngayon?

“Oo! Kung happy at happy lang, yes!” kumpirma ni Alex.

“Ewan ko nga yung mga tao kung bakit ganoon?” tukoy mga balitang hiwalay na si Assunta at Cong. Jules.

Hindi ba nag-aalala si Alex na baka makaimpluwensiya sa pagsasama ng mag-asawa ang hiwalayan-tsismis na ito?

“I don’t think ganoon sila kababaw. Si Jules napakatalino noon. Hindi siya ganong klaseng tao,” pagtatanggol niya sa mambabatas.



RECONCILED. Nakakausap na ni Alex si Jules at masasabing friends na raw sila ngayon.

“Barkada kami. Yung barkada, barkada rin niya… ganoon.”

Noong bagu-bago pa lang sina Jules at Assunta, isa sa mga tutol sa relasyong ito ay si Alex.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hanggang sa ikasal ang kapatid hindi pa rin niya tanggap ang kongresista.

Pero sa tagal na rin ng pagsasama ng mag-asawa, nakita na rin ni Alex ang mga magagandang katangian ni Jules.

“Sabi ko nga sa kanya, six years ago ‘ata yun… sabi ko, ‘Hindi ko na-imagine na yung away natin na yun, magiging ganito tayo kasaya ngayon.’

“Sabi niya sa akin, ‘Bakit? E, nag-start naman tayong masaya?’

“Sabi ko, ‘Sabagay…’ Oo nga naman, tama naman.”

Ano yung character ni Jules na na-appreciate ni Alex.

“Yung pagiging totoo niyang tao. Kung ano lang siya.

"Pag nasa bahay siya, nakaupo lang siya sa floor, tapos pagulung-gulong sa floor.

“’Congressman ba ito?’” natatawang kuwento ni Alex.

“Parang bola lang yun… pero ganoon lang siya.

"Yung mga kaibigan ko nga, ‘Nandiyan na si Jules! Oh, my God!’

“Magpapakuwento na ‘yan. Kasi nga ang daldal ni Jules. Walang katapusan ang bibig niya.”

Hindi ba halos pareho silang madaldal ni Jules? Hindi ba sila nagka-clash kapag nagsabay na silang magsalita?

“Hindi ko siya masabayan!” natatawang tugon ni Alex.

“Mas mabilis yung word processor niya. Pag lingon ko, iba na yung topic! Saan na yung kaninang usapan!?”

Kaya siguro sila nagku-compliment ni Assunta dahil tahimik lang ang huli at ang mister niya ay madaldal.

“Oo, kasi si Assunta nakikinig. Yun naman, gustung-gusto noong natututo. Lahat ng mga dakdak ni Jules natutunan niya.

“Tapos, idadakdak niya sa akin. O, parang encyclopedia na yung kapatid, dati diary lang!”

E, di masaya na si Alex sa buhay ng kapatid ngayon?

Nakangiting sagot ni Alex, “Oo, masayang-masaya dahil nakikita ko siyang masaya.

“Wala naman akong nakikitang problema kay Jules, sa totoo lang.”

Kung mag-aasawa ba si Alex, gusto ba niyang kagaya ang character ni Jules?

Tumango agad si Alex, “Puwede naman, puwede naman.

“Kaya lang sabi ni Jules, yung una niyang napangasawa, ka-ugali ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi niya, ‘Alam mo hindi ako mag-aasawa uli kasi nga, kaugali mo!

“Kasi nga, ako yung tipong sasagot or tipong ipaglalaban ko rin yung gusto ko!” pahayag ni Alex.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN