Comebacking actor Angelo Ilagan realizes difficulty gaining trust back in his quest to penetrate showbiz again

“Dati, yung looks ko, maganda pa. Ngayon, medyo na haggard talaga ako. Nandito na ako ngayon sa time na gusto ko talagang mabalik yung hitsura ko dati, kaya ako nagpapa-long hair ulit, so inayos ko po talaga,” sabi ng young actor na si Angelo Ilagan tungkol sa kanyang kagustuhan na makabalik sa showbiz.


Magha-hatinggabi na noong Sabado, March 16, nang namataan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang comebacking young actor na si Angelo Ilagan habang kausap ang ibang entertainment writers sa labas ng Zirkoh Tomas Morato.

Matapos ang ilang minuto ay nagpaunlak na ito ng exclusive interview sa amin.

Pabiro niyang bungad, “Ito, okay naman po, medyo haggard ang hitsura pero okay naman.”

Kumusta ang buhay?

Tugon ni Angelo, “Buhay ko po, nandun ako sa pagsubok pa rin na dinadaanan ko yung hirap ng pagbalik po sa showbiz.

“Kasi hindi naman po ganun kadali dahil nawala nga po ako dahil nga po sa pagiging unprofessional ko at ang pag-alis ko ay medyo mali.

“So ito, medyo nagge-gain pa ako ng kaunting trust lang na pagkatiwalaan nila ako na bigyan ulit ng project.

“Na kahit na isang guesting lang para mapatunayan ko na ibang Angelo Ilagan na yung makikita nila.”



REMINISCING HIS ABORTED STARDOM. Si Angelo ay inilunsad sa indie film na Sarong Banggi (2005), kasama ang mahusay na aktres na si Jaclyn Jose, at sa ABS-CBN drama series na Mga Anghel Na Walang Langit (2005).

Pag-aala pa ni Angelo, nasubukan na raw niya lahat ang mga mahihirap na trabaho at dito raw niya muling naisip yung tinamo niyang kasikatan noon.

Aniya, “Nag aral din ako sa TESDA [Technical Education Skills and Development Authority] ng automotive, gumagawa ako ng kotse, motor... at naging business ko rin po yun.

“Medyo hinanap ko po… alam mo, pag gumagawa ako ng motor, minsan naisip ko na parang hindi ito ang ginagawa ko dati, na nasasayang yung hitsura ko dito tsaka yung sinasabi nilang pag-arte ko.

“Tsaka nami-miss ko yung camera na hinahanap-hanap ko yung anggulo ko na parang kung saan ako makapag-focus nang maganda at saan ko maibibigay yung linya ko nang tama.”

Bahagi kaya ng kanyang biglaang pag-alis ang pagbibisyo ng droga?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Angelo, “Hindi po, nagyoyosi lang po ako nun at kaunting inom, pero itinigil ko na rin po.

“Ngayon, wala akong bisyo talaga. Hindi talaga ako nag-drugs.”



A DIFFICULT COMEBACK. Mahirap ba talaga ang kanyang pinagdadaanan ngayon para muling makabalik sa limelight?

Saad ni Angelo, “Yung kontakin po yung mga taong alam kong makakatulong sa akin, hindi naman po siya ganun kahirap.

“Pero yung tiwala po kasi nung tao, napakahirap po talagang ibalik.

“Tapos sabi nila, kapag nawala yung tiwala nila sa ‘yo, mahirap at matagal ibalik. E, ang hirap i-gain ulit yung tiwala na yun.

“Ang hirap nung pagbabalik ko ngayon.

“Mas gusto ko... dahil naiisip ko talaga yung hirap, na parang nag-o-audition ka ulit.

“Kasi dati, mabilis lang akong nakapasok dahil nalaman nga nilang pamangkin ako ni Jay Ilagan."

Si Jay Ilagan ay isang sikat na dramatic actor na namatay noong 1992 dahil sa motorcycle accident.

Patuloy ni Angelo, “Dati, yung looks ko, maganda pa. Ngayon, medyo na haggard talaga ako.

“Nandito na ako ngayon sa time na gusto ko talagang mabalik yung hitsura ko dati, kaya ako nagpapa-long hair ulit, so inayos ko po talaga.”

Dagdag pa niya, “Siguro hindi ina-allow ng Diyos na makabalik ako agad kasi gusto Niya siguro na maranasan ko yung hirap.

“Bago ka makapasok sa showbiz katulad ng ibang tao, ng normal na tao na nag-o-audition, nakapila.

“Buti nga ako, dati, hindi ako pumila ng tulad nila na libu-libo sa pila. Hindi ko naranasan.

"So thankful pa rin ako kay God na nandiyan yung mga tao na handang tumulong sa akin ngayon.”



WILD ANGELO. Hindi pa man masasabing nakabalik na sa showbiz industry si Angelo, masaya siyang natapos na rin ang indie film na ginawa niya.

Lahad niya, “Actually, may ginawa ako sa Solar directed by Jay Altarejos and Brillante Mendoza, ang Unfriend, and nasa YouTube na po yung teaser nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Medyo sexy na po, nagpakita na po ako ng behind dito.

“It’s a gay film, parang sexy, parang John Lloyd Cruz and Luis Manzano [sa In My Life].

“Pero mas wild lang ng kaunti yung sa amin dahil indie, e.”

Kuwento pa niya, “Ka-partner ko po dun… yung introducing na si Sandino Martin [theater actor], kasama rin po si Miss Boots Anson Roa.

“Then ako po yung support na parang boyfriend, boyfriend... actually hindi naman boyfriend kundi lover, lover ko dito si Sandino Martin.

“Then ako po yung parang malokong kabataan na parang walang magawa sa sex life, hindi lang ako nag-i-stick sa isa.

“May kissing scenes po… mga dalawang beses lang.”

Wala pa raw playdate pero ngayong summer na raw ito ipalalabas sa mga sinehan.

Lahad pa ni Angelo, “Summer na raw yata ito ipapalabas kasi mauna po siya muna sa Berlin, ‘yan po yung balita ko from Direk Dante.”

What if tuluy-tuloy na ang mga ganitong offer sa kanya—ang pagpapakita ng katawan, behind, at siguro ay frontal nudity—tatanggapin ba niya?

Wika ni Angelo, “Depende rin po sa istorya at sa role ko.

“Pero kung hindi naman ganung sobrang ka-wild o ganun ka-revealing yung gagawin namin, basta po kung anong kaya kong ibigay sa movie, gagawin ko.

“Kaya ko naman, huwag lang po yung sobra.

“Kasi may mga limitations pa din naman po ako na dapat kong sundin sa sarili ko dahil nandiyan po si Mama na medyo nagagalit sa akin pag makakita nang ganito.

“Ito namang sa Unfriend po, kinausap ko muna si Mama bago ko tanggapin.

“Sabi ko, ‘Ma, may kissing scene daw with kapwa lalaki.’

“Sabi ko, ‘Okay lang ba na tanggapin ko?’ And pumayag naman siya. At least, di ba, trabaho?

“And kung actor ka, kaya mong gawin yun.”

Sa huli, umaasa pa rin ang dating aktor ng Mga Anghel Na Walang Langit na mapansin ulit siya sa mundong tinalikuran niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Sana mapansin po nila yung acting ko. Kasi parang yung pagiging natural ko, iba na po, e, mas malalim.

“Alam mo kasi, sa dami ng mga pinagdaanan ko sa buhay at ng hirap na pinagdaanan ko, parang lalo akong may mga paghuhugutan sa acting.

“Pero kahit marami akong hirap na pinagdaanan, pangako po, hindi po ako gumawa ng masama kahit isang beses."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN