JV Ejercito on Sabah conflict: "Hindi tayo sang-ayon dun, pero dapat i-resolve lahat ng possible diplomatic remedies para lang masalba ang buhay ng bawat Pilipino."

Sa pagbaba ng ranking niya sa SWS survey, ang solusyon ni senatorial candidate JV Ejercito ay, "Idinadaan na lang namin sa sipag."


Bumisita kamakailan si dating San Juan Congressman at senatorial candidate JV Ejercito sa Batangas at karatig bayan nitong Quezon.
Sa press conference na ginanap sa Mt. Malarayat Golf and Country Club Hotel para kay JV at sa isa pang tumatakbo sa pagka-Senador na si Miguel Zubiri, napabilang ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa grupo ng mga local press na nakapanayam ang anak ni dating Pangulong Joseph Estrada.
Komo nasa nasasakupan ni Vilma Santos ang grupo nina JV at Migz, inalam sa presscon kung nagparamdam na ba ng pagsuporta ang Star For All Seasons gayong pareho silang malapit sa showbiz.
Napangiti muna sa tanong si JV saka sumagot, “Well, siguro i-consider na lang natin na naiintindihan naman namin na siya ang parte nang Liberal Party.
"Siyempre, hindi naman siya puwedeng mag-openly support sa amin dahil hindi kami kasama sa kanilang partido.
“But just the same, I would not name names pero maraming nag-commit sa akin dahil marami akong kaibigan sa kongreso.
"Si Migz, I’m sure yung mga dati naming colleagues, maraming nagpahayag sa amin ng suporta na taga-Liberal Party pero hindi namin sasabihin dahil baka pagalitan sila, e. Secret muna.
"Sasabihin ko na lang pagtapos na, pero marami..."
Aniya, maituturing daw niyang advantage na marami siyang naging kaibigan sa kongreso.
Sa pagpapatuloy ni JV, "Nakakatuwa naman kasi marami naman ang nagsabi… eto, wala nang parti-partido dahil personal na magkakaibigan.
"We have developed it through the years."
“’Etong si Migz, marami ring kaibigan ’etong kaibigan ko. So, yun... Yun siguro ang advantage namin lalo na galing ka ng Congress. That’s more than 220 congressmen na nakasama ko three years, for ilang years. Si Migz, nine years…
“So, hindi mo na maalis yung personal relationship, yung friendship na na-build namin. Yun siguro ang naging advantage kapag napunta ka rin sa Congress, marami ka talagang magiging kaibigan.”
Dugtong na tanong ng isang mamahayag, wala bang pagtatampo o pagdadamdam kay Ate Vi dahil bago nag-start yung campaign in January, we heard na nag-courtesy call pa kayo sa kanya at kay Senator Ralph Recto pero hindi naging successful yung meet-up na yun?
Si Migz na ang sumagot sa tanong, “Hindi naman... Tama naman yung sinabi ni JV. Maraming tutulong sa amin pero sikreto dahil pagka lumabas sila at sumalubong sa amin ay tinatawagan po sila ng Malacañang kaya maraming sikretong tumutulong sa amin hindi lang sa Batangas kundi buong southern Tagalog.
“Marami tayong naging kaibigan. Ako naging kongresista, kasama ni JV sa Congress.
"For example, si Senator Ralph, kasama ko sa Congress at kasama ko rin siya sa senado, malalim yung pinagsamahan.
"So, I think hindi naman niya kami pababayaan.”

SABAH CONFLICT. Pumayag si JV sa anything goes na pagpukol ng mga tanong sa kanila ng media kaya maging ang tungkol sa isyu ng Sabah ay nahingan rin siya ng opinyon.
Sa tingin niya, makakaapekto ba sa Liberal Party ang mga naging actions ni PNoy sa problema sa Sabah?
“Yung personal stand ko dito, kasi external conflict ito, dapat kalimutan muna natin yung kung sino ang administrasyon at kung sino ang oposisyon.
"We should give the President the leeway to fix the crisis.
"At bilang Pilipino, hayaan muna natin ang ating Pangulo na ayusin ang krisis na ito.
"Kaya lang, nakakabahala rin yung mga bitaw na salita ng kanyang tauhan na minsan ay hindi sa kanya... na mas mukhang binibigyan nila ng importansiya ang relasyon natin sa pamahalaan ng Malaysia kaysa sa buhay ng bawat Pilipinong Muslim na kapatid din natin."
Pero nilinaw niyang hindi siya pabor sa nangyari.
“Let me clear na hindi po kami sang-ayon sa ginawang hakbang at pagkilos ni Kiram sa pagsugod sa Sabah. Hindi natin ’yan tino-tolerate, hindi po kami sang-ayon diyan.
"Kaya lang, alalahanin sana ng ating pamahalaan na sila’y Pilipino. Responsibilidad ng ating pamahalaan na ang bawat buhay ng ating Pilipino ay kanila pong isalba.
“Ang Amerika nga, magkaroon lang ng isang hostage na Amerikano, nakikipag-giyera, e.
"E, dito, baliktad dito... mukhang ang mga Pilipino pa ang sinisisi sa lahat ng gulo. Bagamat hindi tayo sang-ayon dun, pero dapat i-resolve lahat ng possible diplomatic remedies para lang masalba ang buhay ng bawat Pilipino.
"Kasi masakit e kapag nababasa mo na ang isa namang Pilipino ang napatay. Iba pa rin yung pakiramdam na pinatay ito ng mga Malaysians.
"Siyempre, malungkot, mga kapatid po nating mga Muslims ’yan at dapat po ’yan ang pinaka-unang responsibilidad ng ating pamahalaan, ang mailigtas ang bawat Pilipino.”
SURVEY SAYS. Tungkol naman sa survey, lumalabas na ahead ang Liberal Party kumpara sa mga oposisyon? Ano ang masasabi niya rito?
Si Cong. JV ang sumagot, “Well, sa akin no? Lalo na yung lumabas nun yung SWS na lahat halos kami ay bumagsak at lahat sila halos ay parang by the bulk umakyat...
"Although, hindi kami masyadong kumbinsido sa survey na yun, ako kasi, I take it into consideration na ang bawat survey ay magsilbing basehan natin ’yan to improve our strategies.
“In fact, nung lumabas po ’yan, lahat kami bumaba. Sina Migz biglang inilabas. Lalo na kaming nagsipag, e.
"And I think that’s the only way to offset the advantage of Team PNoy. Being the administration candidate, they have the government machinery, the luxury, the resources without knowing it na tuwing kasama nila ang Pangulo, nagagamit po nila ito."
Nagpahayag din si JV ng kanyang sentimiyento tungkol sa exposure ng mga kandidato sa TV.
Ayon sa kanya, “Lalo na sa mga network, major networks. Hindi nga kami makalabas ni Migz e puwede naman kaming lumabas sa Maalaala Mo Kaya? Lahat sila, nakalabas na e kami ni extra, hindi kami isinasama!
“Kahit tiga ano lang... ibig kong sabihin, these are the advantages lalo na sa major networks, hindi man lang kami ipinapasok sa balita.
“Nakita namin yung table na talagang very much on their side. Imagine, that’s one month. Malaking advantage yun sa kanila.
“Dun sa team common candidates, they have a free-ride already, medyo siguro kasalanan din namin na nasa balita sila for almost one month. So, that’s free publicity.
“So, sa amin, kami ni Migz nung binagsak, nag-usap kami na sisipagan na lang namin and that’s the only way we can offset na advantage yung kanilang makinarya, yung resources, yung paglabas ng telebisyon... Lahat halos dun nanonood.
“Kaya lang sisipagan na lang namin kung kailangan sumuyod."
Bago sila nangampanya sa Batangas, Quezon, at Laguna, nanggaling daw sila sa Cavite.
“Kung wala kaming schedule, sabi ko, ’Suyurin na lang natin.’
"So, sabi ni Migz, ’Sige sama ako.’ Idinadaan na lang namin sa sipag. Kung dati dalawa o tatlong probinsya ang pinupuntahan kada linggo. Ngayon nasa four to five provinces a week.
“Siguro yung ginagawa nilang pananakot at pag-trending sa mga survey, lalo na lang namin sisipagan. Hopefully, in the next coming weeks mag-improve na po ang aming rating.”
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN