StarStruck Avenger, former Wil Time Bigtime girls, and Drama King’s daughter among 2013 Binibining Pilipinas hopefuls

(Left to right) Kabilang sa mga kandidata sa 2013 Binibining Pilipinas Beauty Pageant ay ang dating ABS-CBN talent na si Pia Wurtzbach, Wiltime Big Time co-host Cindy Miranda, ang anak nina Sandy Andolong at Christopher de Leon na si Mariel de Leon, ex-Eurasia member Theresa Fenger, StarStruck 3 Avenger Rhea Nakpil, at Wiltime Big Time co-host Imelda Schweighart.


Ipinakilala kahapon, Marso 18, sa Makati Shangri-La ang limampung naggagandahang kandidata ng 2013 Binibining Pilipinas Beauty Pageant.

Sa okasyon ng kanilang ika-50 taon, limampung kandidata rin ang ipinakilala ng Binibining Pilipinas Charities, Inc. (BPCI) sa mga miyembro ng media na dumalo sa presentasyon na iyon.

Ito na ang pinakamaraming kandidata na sumali sa kasaysayan ng Binibining Pilipinas.

Bago ang 2013, ang pinakamaraming kandidatang tinanggap para paglabanan ang mga korona ng Bb. Pilipinas ay noong 2011. Umabot ng 40 ang mga kandidata noon.


SHOWBIZ CONNECTION. Sa mga nagsisali ngayong taon, anim ang galing o kunektado sa showbiz.

Ang una’y si Candidate Number 15 Pia Wurztbach mula sa Cagayan de Oro.

Dating ABS-CBN talent na kilala noon bilang Pia Romero, nagsimula muna siya sa modelling sa edad na 11 bago nag-artista at naging bahagi ng mga programa noon ng Dos tulad ng K2BU (2002), It Might Be You (2003), at Sa Piling Mo (2006).

Nakalabas din siya sa ilang pelikula, tulad ng Kung Ako Na Lang Sana (2003), All My Life (2004), at All About Love (2006).

Pangalawa si Candidate No. 16 Joana Cindy Miranda.

Nag-resign mula sa kanyang pagiging co-host sa Wil Time Bigtime ang 20-year-old na dalaga mula sa Nueva Ecija para maghanda sa kanyang pagsali sa Binibining Pilipinas.

Ang “baby” noon sa Wil Time Bigtime na si Imee ay kasali bilang si Candidate No. 45 Imelda Schweighart.

Noon pa raw balak sumali ng 17-year-old Palawan beauty sa Binibining Pilipinas at may tsismis pa noon na ipu-pull out siya ng home studio niyang Viva.

Pero sabi ni Imee, “No, they’re very supportive. Actually, they told me na after ko raw dito, may mangyari man o wala, they’ll still be there.”

Hindi raw sila nag-abot ni Cindy sa Wil Time dahil nauna siya rito. Nagkausap naman daw sila’t pareho silang natutuwa na kasali na sila sa Binibining Pilipinas.

Noong bata raw si Imee ay gusto niyang maging miyembro ng Philippine swimming team at i-represent ang Pilipinas sa mga international competitions.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi pa rin daw nagbabago ang kagustuhan niyang i-represent ang Pilipinas, pero sa beauty pageant na.

First time daw sumali ng StarStruck 3 Avenger na si Candidate No. 43 Rhea Nakpil sa isang national pageant.

Sumasali na rin daw siya noon sa mga school pageant at nagmo-model-model, pero ngayon lang daw talaga siya makaksali sa isang malaking pageant talaga.

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang 23-year-old A.B. Communication graduate mula sa Miriam College ng isang “pageant question.”

Ano ang masasabi niya sa mga transsexuals na sumasali sa malalaking beauty pageants na pambabae?

“I’m not against transsexuals joining pageants. I still believe that we all have our rights, our own rights. And we should respect the actions and decisions of people around us. That’s all, thank you,” pang-Q&A portion na sagot ni Rhea.

Hindi naman daw itinuturing ni Candidate No. 31 Maria Angelica de Leon, o Mariel, na advantage sa Binibining Pilipinas beauty pageant ang pagiging anak ng mahuhusay na artista na sina Christopher de Leon at Sandy Andolong.

Sabi ng 19-year-old beauty, “I don’t think that has an effect on my decision and to what I do.

"Kasi my parents are distinct people. I wanna be an individual. I don’t wanna be defined by who they are.

“I’m trying to make my mark as Mariel de Leon, not as their daughter.

“I don’t think it’s an advantage, but it’s some sort of edge that my name can get out there fast. But it’s not an advantage.”

Ang candidate no. 35 na si Theresa Marie Fenger ay kilala bilang Lana Roi ng all-girl group noon na Eurasia.

Laking-Canada ang 25-year-old Filipina-German na sumali sa Canadian Idol nung 2006 at naging Miss Global Teen Canada nung 2004. Siya rin ang 2009 Century Superbod winner.

Sa April 14 gaganapin ang coronation night ng Binibining Pilipinas 2013 sa Smart-Araneta Coliseum.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tatlong bagong kandidata ang kokoranahan sa gabing iyon bilang Bb. Pilipinas-Universe, Bb. Pilipinas-International, at Bb. Pilipinas-Tourism.

Nung nakaraang taon, naging Miss Universe first runner-up ang Bb. Pilipinas-Universe 2012 na si Janine Togonon; nakarating naman ng hanggang Top 15 ng Miss International 2012 si Nicole Schmitz; ngunit hindi naman nakapag-compete ang Bb. Pilipinas-Tourism na si Katrina Jayne Dimaranan.

Ayon sa BPCI publicist na si Tessa Mangahas, hindi nakapag-compete si Katrina dahil sa "difficulties encountered by her pageant in China."

"Really don’t know exact details," sabi pa ni Ms. Mangahas.

Gayunpaman, ayon sa official Binibining Pilipinas website na www.bbpilipinas.com, magkokorona pa rin ng bagong Bb. Pilipinas-Tourism sa coronation night ngayong taon.

CLICK HERE to watch the presentation of candidates.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN