Kit Thompson on being compared to Gerald Anderson: “Actually, it’s more of an honor to me.”

Inaamin ni Kit Thompson na bagito pa siya showbiz kaya lalo raw siyang magpupursigi. Sabi niya, “Sayang naman yung… bata pa ako, I really wanted na maging artista. Now na andito na yung chance, ayaw kong mapunta lang ito sa nothing.”


Kahit hindi naging grand winner si Kit Thompson sa Pinoy Big Brother (PBB) Teen Edition 4, maituturing naman ngayon na isa siya sa masuwerteng baguhan sa industriya.

Pagkatapos na maging fifth evictee sa PBB, naging sunud-sunod naman ang naging projects ni Kit sa ABS-CBN.

Napanood siya sa primetime bida na Kahit Puso’y Masugatan bilang manliligaw ni Mrtyle Sarrosa, ang grand winner ng kanilang batch.

Kamakailan, nagkaroon ng cameo role si Kit sa pelikulang Must Be Love, ang launching movie nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

At ngayon, isa na siya sa ipinapakilala sa 2013 Star Magic Circle of contract artists ng ABS-CBN.

Ano ang pakiramdam ni Kit tungkol dito?

Saad niya, “It is a good start. Siyempre po masaya ako kasi yung trust na ibinigay nila sa akin, e, sobrang grateful ako.

“Lahat ng opportunities na napupunta sa akin ay parang feeling ko ay early, pero of course, I wanna grab them… happy ako.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kit sa studio ng ASAP Live! noong Linggo, March 17.



FAVORITE. Sa grupo ng mga lalaking nilu-launch ngayon ng Star Magic, siya raw ang pinaka-favorite. Siya rin daw ang bini-buildup bilang boy-next-door teen heartthrob.

Any comment?

“Not really. I don’t see it that way naman,” parang nahihiyang pagtanggi ni Kit.

“I think Star Magic is giving us a fair treatment and opportunities.

“If like… if that’s how people see it, it’s their idea. Nakakahiya to claim it.

“I think we can… competing with each other ay hindi bad as long as it’s a healthy competition.

“Ako naman, I just do what I do, and give my best.

“Magkakaibigan kami… wala talagang kumpetisyon.”



CRUSH. At 16, normal sa kanya ang magkaroon ng physical attraction sa opposite sex.

Tinanong ng PEP kay Kit kung sino sa mga girls ang crush niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ano… si Jane [Oineza],” nahihiya niyang sabi at medyo napabuntung-hininga pa.

“’Coz she’s really nice. And yeah, she’s pretty, di ba? She’s really thoughtful.

“Pero hanggang crush lang naman ako.”

Kasi nga raw, ang kaibahan niya sa ibang teenagers ay iba ang focus niya.

Ayon kay Kit, with conviction, “I am focused on my job… sa pagiging artista ko, kasi gusto kong sumikat.

“Sayang naman yung… bata pa ako, I really wanted na maging artista.

“Now na andito na yung chance, ayaw kong mapunta lang ito sa nothing.”

Tungkol naman kay Jane, puwede rin daw mauwi sa pag-pursue na maging girlfriend niya ito at the proper time.

“Puwede naman, pero not now.

"First, I’m just starting and she naman, she’s also starting.

"So, I guess, given the right time.”

Walang magagalit sa kanya?

“Wala naman po. Wala naman akong girlfriend,” nangingiting pag-a-assure niya.

Sabay pahabol ng, “Baka parents niya.”

JULIA MONTES. Outside Star Magic girls, meron din pala siyang crush.

Sabi ni Kit, “Hmmm… Julia Montes. She has just turned 18, di ba?

“I find her really attractive. Yeah, I’m attracted to her.

“I like mestizas. And I like her eyes and nose.

“But I hope people won’t get me wrong. Ayaw ko naman masabing I’m using her.”



ROLE MODEL. Now talking about his idols, si Gerald Anderson daw ang iniidolo ni Kit sa local actors.

“I believe in his talent. And his also goodlooking—artistang-artista ang dating.

“Kaming newcomers, siyempre we look up to them.

“I know din what they’ve been through kaya sila yung nag-i-inspire sa amin.

“One thing pa, he’s naturally kind,” saad ni Kit.

And?

“Kamukha ko raw siya!” natatawang dugtong niya.

“May features na magkamukha kami. Some people say na bagay kaming magkapatid sa movie or sa TV.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumportable pa siya na ikinu-compare siya kay Gerald?

Sabi ni Kit, “Oo naman. Actually, it’s more of an honor to me.

“Pero siyempre, I want to have my own identity also.

“Idol ko siya, pero gusto ko rin makilala sa sarili kong kakayahan.”



MORE EXPERIENCE. Alam naman daw ni Kit na marami pa siyang kakaining bigas para matupad ang kanyang ambisyon.

“Aware naman po ako diyan,” pag-amin niya.

“I’m very new sa business. Others kasi, masuwerte and meron talagang talent.

“Sabi ko nga, I will do my best.

“And sana nga mabigyan din nila ako ng chance na sumikat just like others.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN