Heart Evangelista’s parents want Senator Chiz Escudero to leave their daughter alone

Inamin ni Heart Evangelista na may hindi sila pagkakaunawaan ngayon ng kanyang mga magulang dahil sa kanilang relasyon ni Senator Chiz Escudero. Tutol ang mga magulang ng aktres sa senador dahil wala raw itong paggalang sa kanila.


Ilang linggo pa lamang ang nakalipas mula nang magpa-interview ang mag-inang Cecile Ongpauco at Heart Evangelista tungkol sa magandang relasyon nila ngayon bilang mag-ina at bilang talent manager at talent.

Ang interview ay naganap sa contract signing ni Heart sa GMA-7 noong March 5.

Dito ay sinabi ni Heart na maayos na ang relasyon nila ng kanyang ina, kumpara noon na nagkaroon sila ng hidwaan dahil sa pagsunod ng young actress sa kanyang puso.

“We’re very good, actually. Kasi she... I guess she trusts me more.

"Siyempre, ilang taon na ako. I just turned twenty-eight so we’re so much better, communication is better now," sabi ng Kapuso actress.

(CLICK HERE to read related story.)

LEAVE OUR DAUGHTER ALONE. Pero ngayon ay may alitan na naman sa pagitan ng mag-ina, at pati na sa ama ng aktres na si Rey Ongpauco.

Gusto ng mga magulang ni Heart na layuan na ni Senator Chiz Escudero ang kanilang anak.

Ang 43-year-old senator ang kasintahan ngayon ni Heart.

Nagpatawag ng press conference sina Rey at Cecile Ongpauco sa kanilang tahanan ngayong hapon, March 19.

Dito ay ipinahayag nila ang kanilang pagtutol sa relasyon ni Heart kay Chiz.

Ayon sa mag-asawang Ongpauco, wala raw paggalang sa kanila ang senador.

Sinisigawan din daw ni Chiz si Heart at minamanipula ang aktres para bumaligtad sa kanila.

Sabi ni Mr. Ongpauco, "Ang tao pag bastos sa magulang... lalo na yung anak ko, balang-araw, kawawa naman yun, baka ano mangyari do’n.

"Hindi ako nagagandahan sa ugali niya."

May pagkakataon din daw na nagpupunta sa kanilang tahanan ang senador na nakainom.

Sabi ni Mrs. Ongpauco, "When he first visited our house, the very first time, he was drunk. He smelled of alcohol."

Hindi rin daw handa si Heart na maging politician’s wife dahil wala raw itong alam sa mga gawaing-bahay. At inamin naman ni Mrs. Ongpauco na may kasalanan siya sa bagay na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya naman nakikiusap ang mga magulang ni Heart sa senador na lubayan na nito ang kanilang anak.

"We are now appealing to Mr. Escudero to leave our daughter alone for a cooling-off period," sabi ni Mrs. Ongpauco.

Binigyang-linaw ng mga magulang ni Heart na walang kinalaman sa pulitika ang pagsasalita nila laban kay Chiz, na tumatakbo muli bilang senador.


OLD ENOUGH TO DECIDE FOR HERSELF. Sa exclusive interview naman ni Heart kay Lhar Santiago ng GMA News, na ipinalabas kanina sa 24 Oras, inamin ng aktres na may hidwaan sila ng kanyang mga magulang dahil sa relasyon niya kay Chiz.

Ayon sa 28-year-old actress, hindi ito ang unang pagkakataon na humadlang ang kanyang mga magulang pagdating sa kanyang lovelife. Binanggit ni Heart ang dati niyang kasintahan na si Jericho Rosales.

Sabi ni Heart, "At that time, I’m very young kaya nagparaya ako.

"I thought I could make my parents happy... I understand na that, you know, they just want the best for me and very protective."

Matatandaan na noong panahon na iyon ay umalis ng kanilang tahanan si Heart at hindi nakipag-usap sa kanyang mga magulang.

Ngunit sa pagkakataong ito, nasa hustong gulang na raw si Heart para pumili kung sino ang tao na kanyang mamahalin.

Sabi pa ni Heart, "Nahihiya lang ako sa boyfriend ko, kay Chiz, saka yung family niya, wala naman silang ipinakitang masama sa akin, napakabait nila tapos nagkaroon pa ng mga kasinungalingan, mga paninirang ganyan."

Iginiit din ng aktres na masaya siya sa piling ni Chiz. Naniniwala rin siyan na lalong titibay ang kanilang relasyon dahil sa pinagdadaanan nilang pagsubok ngayon.

Ngayong araw rin ay nag-post si Heart ng dalawang larawan nila ni Chiz sa kanyang Instagram account. Sa parehong larawan ay hinahalikan ng aktres sa pisngi ang senador.

Sa pamamagitan naman ng Twitter ay ipinahayag ni Heart ang kanyang damdamin para sa senador: "I love you! Thank you for being the best."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



NOT SHOWBIZ. Kinuha naman ng PEP ang panig ni Chiz kaugnay ng pahayag ng mga magulang ni Heart.

Sa pamamagitan ng text message na ipinadala niya sa managing editor ng PEP na si Karen Pagsolingan ngayong gabi, isiniwalat ng senador ang kanyang damdamin.

Narito ang pahayag ni Chiz:

"Hindi po ako showbiz... Hinihiwalay ko po at di ko pinaghahalo ang trabaho ko sa personal kong buhay at lalong hindi ko po pinapayagan na manghimasok ang personal kong buhay sa aking trabaho.

"Sapat na siguro na sabihin ko muna ngayon na, bagaman ako ay medyo nadadamay, hangga’t maaari, ayaw kong manghimasok sa hindi pagkaka-unawaan sa pagitan ng isang anak at kanyang mga magulang.

"Sana din ay di ito panghimasukan ng iba upang sa gayon ay manatili ang puwang na magkaunawaan sila.

"Maayos at matatag ang samahan at ugnayan namin ni Heart at tinuturing ko lamang ito bilang isang hamon at pagsubok sa relasyon namin kung saan, buo ang pag-asa ko na, ito ay malalampasan namin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN