Jackie Rice ready to get married but her non-showbiz boyfriend has yet to propose

Sa edad niyang 23, puwede pa siyang magkaroon ng ibang karelasyon. Pero hindi raw si Jackie Rice ang tipo ng babaeng mabilis magpalit ng karelasyon. Aniya, “Ayoko na kasi ng iba, e. Ako kasi, kapag nakipagrelasyon, gusto ko, yun na.”


Japayuki ang karakter ni Jackie Rice sa afternoon-prime show nilang Bukod Kang Pinagpala.

Kaya nang humarap siya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang miyembro ng press sa taping nila kamakailan sa Tagaytay ay makapal ang make-up at naka-Japayuki outfit siya.

Hindi ba siya naaasiwa sa hitsura niya sa Bukod Kang Pinagpala?

Tugon niya, “Hindi naman po. At saka, iba naman po ito sa totoong ako.

“Kapag ako po naman, hindi naman ganito. Darating ako, sobrang laking T-shirt, leggings, simple lang.

“So, ibang-iba talaga ako sa totoong buhay kay Janet. Kaya sobrang okay rin," banggit pa ni Jackie sa pangalan ng kanyang karakter sa show.

MOTHER ROLE. Sa kuwento ng Bukod Kang Pinagpala, si Jackie ang tunay na ina ng karakter na ginagampanan ng child actress na si Mona Louise Ray.

Pero, nakikipag-agawan siya sa mga ginagampanan nina Jennica Garcia at Camille Prats dahil iniwan na niya noon ang anak.

Gusto na niyang bawiin ang iniwang anak dahil hindi sila magkaanak ng asawang Hapon na ginagampanan naman ni Mark Anthony Fernandez.

Kumusta namang katrabaho si Mark?

“Okey naman po…magaling siyang katrabaho, magaling na artista.

“Tinulungan din ng mga katrabaho, mga staff, sobrang tinutukan din.”

Kailangan talagang tutukan si Mark?

“Siyempre, matagal na siyang artista, e.”

Si Jackie, hindi ba siya tinututukan?

“Tinututukan din ako. Inaaway ko sila kapag wala akong script,” natatawang sabi ni Jackie.

“Gusto ko palaging may script kasi, ang hahaba ng mga linya. Nakatutok naman sila sa amin.”

ACTING COACH. Ngayon lang gumawa si Jackie ng teleserye na wala siyang acting coach.

Kuwento niya, “Ngayon lang kasi talaga ako walang acting coach.

“Yung Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin, may acting coach ako roon.

“At pati mga co-stars ko, sina Direk Michael de Mesa, nagtuturo rin sila, nagpi-feed din sila kung ano ang kailangan kong gawin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dito, talagang ako lang.

“So, yun. Nagtatanung-tanong din ako.”

Personal choice ni Jackie na huwag kumuha acting coach ngayon.

“Gusto ko rin naman na may mapatunayan sa sarili ko na kaya ko rin naman.

“Kaya nang-aaway ako kapag wala akong script,” natawang sabi pa ulit niya.



CHALLENGING. Sabi ni Jackie, mas challenging daw sa kanya ang ginagampanan ngayon.

Mas challenging pa ba ito kaysa sa mga una niyang nagawa tulad ng sa Sisid at Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin?

“Yung Sisid mahirap kasi, hindi ako lumalangoy. Palaging nasa tubig then, pagdating ng gabi, iiyak naman.

“Mahirap yun. Pero ito, mas mahirap kasi, ako lang. Lahat ng banat ko sa mga eksena, ako lang.

“Mahirap pero masaya. Naggu-grow ako as an artist.”

COMPETITION. Silang tatlong babae sa Bukod Kang Pinagpala, kumusta naman sila?

“Okey naman po kami,” nakangiti niyang sabi.

Walang sapawan sa kanila nina Jennica at Camille?

“Wala, wala. Magagaling po ang mga writers namin.

“Pantay-pantay nilang bini-build ang mga characters…napapansin ko, walang sapawan talaga. Magaling.”

Magkasunod na siya lang ang solo lead, sa mga nakaraan niyang teleserye, ngayon, puwedeng sabihin na tatlo sila.

“Okey lang po yun,” sabi naman niya.



COMMITTED. Apat na taon na si Jackie at ang non-showbiz boyfriend niya na si Andrew Lopez.

May plano na ba silang mag-settle down?

“Sa ngayon, wala pa siyempre. Pero ako, gusto ko na, siyempre,” pag-amin niya.

Kung yayayain siya nitong magpakasal, papayag na siya?

“Oo,” mariin niyang sagot.

Magtu-twenty-three pa lang si Jackie ngayong April at puwedeng sabihin na sa edad niya, maaaring magkaroon pa siya ng ibang relasyon.

“Ayoko na kasi ng iba, e. Ako kasi, kapag nakipagrelasyon, gusto ko, yun na.”

Napag-uusapan na ba nila ng boyfriend niya ang tungkol sa kasal? Nag-propose na ba ito sa kanya?

“Hindi, ako lang ang may gusto,” natawa niyang sabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Biniro namin si Jackie na kapag nabasa ng boyfriend niya ang mga pahayag niya, baka ito matakot.

“Oo nga, baka mag-break na kami! Baka sabihin, feelingera itong babaeng ito,” natawang sabi ni Jackie.

Twenty-seven naman na ang boyfriend niya, ano ang dahilan at nagtatagal sila?

“Bakit? Matagal din naman kami ng mga ex-boyfriend ko.”

Ex-boyfriend ni Jackie ang aktor na si Biboy Ramirez.

Kung gusto na niyang magpakasal, gusto na rin ba niyang mabuntis?

“Buntis? Saka na. Baka pagbalik, malosyang ako,” sabi naman niya.

MARRIAGE FIRST. Kung ganoon, ang gusto lang niya, makasal muna. Hindi kaya isipin naman na parang naniniguro lang siya?

Natawa ito sabay sabi ng, “Hindi, gusto ko lang makasiguro na siya na ang huli ko.”

Ang boyfriend kaya niya, ganoon din ang gusto?

“Ipinapakita naman niya na mahal na mahal niya ’ko. Kaya gusto ko rin ipakita sa kanya kung gaano ko siya kamahal.”

Kumusta naman siya sa pamilya ng boyfriend niya?

“Okey naman,” paniniguro niya.

Nakakasama niya ang pamilya nito?

“Hindi, e. Mas madalas naming kasama ang pamilya ko.”

Napag-usapan naman na sa batch nila ng StarStruck Batch 3, si Iwa Moto ay buntis na.

Si Gian Carlos naman ay matagal nang tatay. Si Jana Roxas, may asawa na at si Jeric Rizalado, may anak na rin.

“Kaya okey na akong magpakasal!” natatawang sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN