Julius Babao defends wife Tintin Bersola against critics; says, "Being homophobic is definitely out of our vocabulary."

Sa unang pagkakataon ay nagsalita ang news anchor na si Julius Babao upang ipagtanggol ang kanyang misis na si Tintin Babao kaugnay ng pambabatikos na natatanggap nito dahil sa isinulat niyang artikulo tungkol sa homosexuality.


Tahimik lang si Julius Babao nang masangkot ang kanyang asawa na si Christine “Tintin” Bersola-Babao sa isang kontrobersiya.

Noon pa man ay hindi naging ugali ni Julius na sumali o makisawsaw sa anumang napapasukang isyu ng kanyang misis since sa magkaibang TV networks sila nagtatrabaho.

Julius is with ABS-CBN as news anchor of Bandila, while Tintin is with TV5 as one of the hosts of Good Morning Club.

Noong unang napag-usapan sa social media ang isinulat ni Tintin na “Being Gay” sa kanyang column na “ParenTin Talk” sa broadsheet na Philippine Star last March 11, walang narinig o nabasa na anumang komento mula kay Julius.

Dahil sa malaki ang tiwala ni Julius sa kanyang misis, na kaya nitong mahawakan at ma-control ang situation, hindi na ito nagsalita pa lalo na’t nagpadala na si Tintin ng kanyang apology via Twitter.

Pero dahil sa patuloy pa rin ang pag-atake ng ilan sa kanyang misis, kahit na nag-apologize na ito, Julius feels na panahon na para maipagtanggol naman niya ang kanyang misis.

Kinukuwestiyon ang parenting style ni Tintin at sinasabi pa ngang isa itong “homophobic.”

Last March 19, sa pamamagitan ng social networking site na Facebook, ay sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hingan ng kanyang saloobin ang news anchor/radio host tungkol sa isyu na kinasasangkutan ng kanyang asawa.

Hindi naman kami binigo ni Julius at eksklusibo niyang ipinadala sa amin ang kanyang mga gustong sabihin bilang pagtatanggol sa kanyang asawa.

RAISING THEIR KIDS. Unang ipinahayag ni Julius ang tungkol sa paraan ng pagpapalaki nila ni Tintin sa kanilang dalawang anak—ang eight-year-old girl na si Anya at three-year-old boy na si Nio.

Kung ano raw ang pagpapalaki nila sa kanilang mga anak, sarili nilang istilo iyon bilang mga magulang nito.

Saad ni Julius, “All children in the formative phase need parental guidance.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And what Tintin wrote in her column is the parenting discipline she and I naturally agree on.

“I believe that the manner of raising kids is a prerogative of parents.

“It is something personal.”

Dahil may kanya-kanyang paraan sa pagpapalaki ng mga anak, natural lamang daw na mga tamang pag-uugali lang ang itinuturo.

Kabilang sa hindi gustong maging ugali nina Julius at Tintin ng kanilang anak ay ang maging homophobic. Dahil silang mag-asawa ay wala raw ganoong pag-uugali.

Sabi ni Julis, “We raise them according to what we think is right.

“Being homophobic is definitely out of our vocabulary.

“We neither wish our own kids to become homophobics.”

Sampung taon nang kasal sina Julius at Tintin at importante raw sa kanilang dalawa ang pagiging mabuting magulang sa kanilang mga anak.

TINTIN AS A PARENT. Sa mga kumukuwestiyon sa pagiging isang parent ni Tintin, si Julius lamang daw ang puwedeng magsalita tungkol dito dahil nasasaksihan niya araw-araw ang pagiging mabuting ina nito sa kanilang dalawang anak.

“Tintin is a very good, very loving, and compassionate mom.

“Together, we raise our kids—each day full of love, understanding, fun and play—raising them to be respectful and God-fearing,” pahayag ni Julius tungkol sa asawa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN